MY BOY BESTFRIEND 15

586 33 1
                                    

"Diana, nakita niyo si Andrie?" Tanong ko sa tatlo kong kaibigan habang papalabas ng gate dahil uwian na.

"Ha? Akala ko magkasama kayo?" Sulpot ni Kryzcelle.

"Hindi eh! Akala ko kasama niyo. Wala pa naman akong kasamang umuwi." Tumigil ako sa waiting shed ng gate. "Dito na lang muna ako baka mamaya pa siguro 'yon lalabas."

"Sure ka?" Nag-aalalang tanong ni Aicelle. "Pansin ko kasi na medyo hindi kayo nagkakasama ngayong araw ni Andrie."

Tumingin ako sa mga nagsisilabasang estudyante mula sa gate. "Ano ka ba? Bakit? Anong problema do'n?" Napabuntong hininga si Aicelle. "Ayos lang 'yon hindi naman 'to first time!"

Humagalpak ako ng tawa dahilan para matawa rin silang tatlo dahil sa mga ala-alang bumalik sa isipan ko.

"HOY! Bakit nandito ka pa?" Tanong sa'kin ni Andrie ng madatnan niya ako sa waiting shed. Akala ko kasi nagpaiwan siya sa classroom dahil may celebration kami bukas kaya nag-effort ang mga classmate ko sa pag-decorate ng classroom. Pero ilang oras na at nakauwi na ang iba kong kaklase na nagpaiwan pero wala pa rin siya.

"Tingnan mo kung anong oras na, oh!" Inis na sabi niya at masama akong tinignan.

Tumingin ako sa langit at medyo nagiging madilim na nga, ang mga street lights ay nakabukas na rin.

"Tara uwi na tayo?" Nakangiting sabi ko dahil sa mukhang niyang iritado.

"Eh, bakit kasi hindi ka  umuwi?" Nagsimula na kaming maglakad.

"Akala ko kasi tumulong ka kina Rei na mag-decorate ng classroom para sa teacher's day bukas." Paliwanag ko pero rinig ko kung pa'no siya bumuntong hininga.

Wala ng nagsalita sa'ming dalawa sa kalagitnaan ng paglalakad.

Napahinto kami sa paglalakd ng may isang aso ang nasa gitna ng kalsada. Tumatahol ito at naglalaway. Napatago ako sa likod ni Andrie siya naman ay binagalan ang paglalakad sumunod naman ako. Patuloy lang sa paglalaway at pagtahol ang aso.

Mahigpit akong napahawak sa laylayan ng damit ni Andrie habang naglalakad, hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga tuhod ko habang pinagpapawisan. Nakahinga ako ng lubusan ng malagpasan na namin ang aso. Malakas akong napatawa.

"Wahahaha! That was so close!"

Pero nahigit ko ang hininga ko ng mahigpit akong hinawakan ni Andrie sa braso at mabilis na tumakbo. Napalingon ako sa likod at doon ko lang namalayan na hinahabol na pala kami ng aso.

Nagpatianod ako kay Andrie sa pagtakbo habang tumatawa kahit na  kinakabahan na ako sa mga oras na 'to!!

HELLLLPPPP UUUUSSS!!!

MY BOY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon