MY BOY BESTFRIEND 36

473 31 2
                                    


"Congratulations, kuya Ivan! Yehey! Graduate kana." Nakangiting bati ko kay Kuya Ivan.

"Salamat." Nangiti niyang sabi.

'Yon na ang huli naming pag-uusap dahil pagkatapos nung araw ng graduation niya ay tumulak na sila agad papuntang Maynila. Suwerte na lang kapag nagkita ulit kami ro'n. Nakaramdam ako ng konting kalungkutan kahit papaano.

Lumipas ang bakasyon at kina lolo at Lola muna kami nag-stay ni Mikay dahil kakaalis lang din ng mga pinsan ko patungo sa Maynila kung saan sila mag-aaral and pagkatapos ng next school year na naman kami ulit magkikita.

Mabilis rin lumipas ang mga buwan at araw. At sa paglipas ng mga araw na iyon kasama ang mga kaibigan ko hindi ko malilimutan ang mga masasayang araw namin sa huling taon ko rito sa school namin.

"Raine, may sasabihin raw sa'yo si Andrie." Tukso ni Aicelle kay Andrie habang tinutulak ito ni Kryzcelle papalapit sa akin. Agad namang akong kinabahan at ayan na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Pero imbes na lumapit sa akin si Andrie ay tumalikod siya at nilampasan sila Aicelle at Kryzcelle.

"Hoy! Andrie, sabi mo wala nang urungan!" Reklamo ni Kryzcelle sa kaniya pero nagpatuloy lang siya sa paglakad papalayo sa amin.

"Sundan mo nga, Raine, may sasabihin 'yon sa iyo pero mukhang baliw, umatras." Bulong sa akin ni Diana.

Taka akong tumango at sinundan si Andrie.

Kahit na isang taon na ang lumipas ng magkaroon ako ng feelings sa best friend hindi ko pa rin nasabi sa kaniya ang feelings ko. Ni hindi ko nga alam kung paano ako at kung bakit ako magkaroon ng feelings sa kaniya eh.

Tanggap ko na kaibigan lang ang tingin niya sa akin at hindi na kami lalampas do'n. Masaya na ako kung saan siya masaya dahil alam kong hindi niya iyon pagsisisihan dahil 'yon ang gusto niya. Takot akong masira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa feelings ko. Mas mabuti pang maging magkaibigan na lang kami kesa masira dahil sa feelings kong 'to.

Pero nang lumipas ang mga araw bigla na lang umiba ang pakikitungo niya sa akin. Hindi ko nga alam pero sa lahat ng oras nakadikit siya sa akin. May mga ipinaparamdam siya sa akin dahilan para umasa ako pero pilit ko na lang pinapaniwala sa sarili ko na ginagawa niya lang mga bagay na iyon dahil kaibigan niya 'ko.

Tahimik akong lumapit sa kaniya ng matagpuan ko siya sa dulo ng isang hallway na wala masyadong estudyante na dumadaan. Sinabunutan niya ang sariling buhok at hinalamos ang kamay sa mukha niya. Nang tuluyan akong makalapit sa kaniya ay nagsalita ako.

"Sabi nina Diana may sasabihin ka raw sa akin." Simula ko. Napatalon siya sa kinatatayuan niya ng marinig ako kaya medyo natawa ako. "Ano ba 'yon?"

Nakita ko ang kakaibang emosiyong dumaan sa mga mata niya pero iniwas niya agad ang mga mata niya at ng magtama ulit ang mga mata namin ay napalitan iyon ng kalungkutan.

Nakaramdam ako ng kaba ng dahil do'n.

Malungkot siyang tumawa.

"I think this is the right time." Sabi niya at lumapit sa akin at agad akong niyakap at ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya, pero bakit? Baka akin?

Hindi ko alam pero kusa akong napahinto sa paghinga ng bumulong siya.

"I think I'm in love with my best friend."

MY BOY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon