Naghanda si Mama ng konting salo-salo sa bahay na kami lang rin ang kumain.
"Congrats, anak, masaya kami para sa'yo." Bati sa akin ni Papa kaya mahina akong natawa.
"Pa, ano ka ba. Graduate pa lang ako sa junior high school. May two years pa at marami pa akong pagdaraanan." Ngumiti ako.
"Ma, Pa, bukas pala ay farewell party namin. Maaga pa akong aalis dahil ilang oras din ang byahe papunta sa resort nila ni Ishi." Paalam ko kina Mama."Sige, basta siguraduhin mo lang na nakahanda na ang maleta mo sa oras na aalis kana patungo sa Maynila." Natahimik ako.
"Pa, sigurado na ba 'yan?" Tanong ko kay Papa, kamunot naman ang nuo ni Papa nang bumaling sa akin.
"Bakit may problema ba ro'n?" Tanong niya sa akin kaya agad rin akong umiling.
"Wala naman pa." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.
"Anak, safe ba 'yang Farewell Party ninyo?" Nag-aalalang tanong ni Mama.
"Oo naman, Ma, si Ishi na po ang bahala sa masasakyan namin dalawang araw naman kami ro'n at uuwi rin kami." Nakangiting sabi ko.
Pagkatapos namin kumain ay tinulungan ko si Mama sa kusina sa mga hugasin. Si Mama ang naghugas habang ako naman ang nagpunas ng mga hinugasan.
"Ma, sila ba ni Mikay walang Farewell Party?" Tanong ko kay Mama habang pinupunsan ng tela ang mga mga baso.
"Oo. Kaso tatlong araw ang Farewell Party nila." Sagot ni Mama, tumango naman ako.
Matapos kong punasan ang isang baso ay inabot ko ang baso na medyo may kalayuan sa lamesa kaya inabot ko iyon. Nang maabot ko iyon ay akma akong babalik sa pagkakaupo pero nagulat ako nang bigla kong masiko ang baso at 'di sinasadyang mahulog at mabasag iyon.
Nakaramdam ako ng kaba kaya dali-dali akong yumuko at kukuhanin sana ang mga basag pero agad akong pinigilan ni Mama.
"'Wag na, anak, baka masugatan ka. Ako na lang ang maglilinis niyan." Sabi ni Mama kaya bumalik na lang ako ng upo.
"Pasensya na, Ma, hindi ko sinasadyang masiko." Sabi ko.
"Ayos lang." Nakangiting sabi niya sa akin pero nando'n pa rin ang kaba at takot na nararamdaman ko. Parang may hindi magandang mangyayari.
Tulala ako habang pinagpapatuloy ang ginagawang pagpunas ng mga baso nang marinig kong magsalita si Mama pagkapasok sa kusina.
"'Nak, nasa labas si Andrie. Papasukin ko sana nang makita ko sa labas habang tinatapon ang nabasag pero ayaw niya, hinahanap ka niya." Sabi ni Mama dahilan para magliwanag ang mukha ko.
"Puntahan ko lang, Ma, babalik rin ako." Paalam ko kay Mama at nagmamadaling lumabas ng bahay na may ngiti sa labi.
"Anong ginagaw mo rito?" Bungad ko sa kaniya nang makalabas ng bahay. Napalingon siya sa akin at ngumiti.
"Wala lang. Gusto lang sana kitang makita."
"'Sus, magkikita naman tayo bukas ah!"
Ngumiti siya at inikot ang mga mata sa paligid. Pero agad akong nagulat ng lumapit siya sa akin at hinawakan ang mukha at dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa akin. Naramdaman ko na lang ang mga labi niya sa mga labi ko.
Agad niya namang pinakawalan ang mga labi ko habang ako naman ay hindi makapaniwala sa ginawa niya.
Kumalabog na husto ang puso ko at hindi ko alam kung papaano iyon patitigilin.
Napabalik lang ako sa huwisyo ng pitikin niya ang nuo. Napahawak na lang ako ro'n at masama siyang tiningnan.
"Namumula ka."
Natauhan ako agad naman akong umiwas ng tingin.
"Bakit mo ginawa 'yon?" Naiilang na tanong ko habang ang mga mata ay nililibot sa paligid.
"Bakit bawal?" Sabi niya natawa ng mahina. "Wala namang masama do'n, girlfriend naman kita."
Napairap ako pero nando'n pa rin ang kilig na nararamdaman ko.
"And you are my boy best friend and now my boyfriend." Sabi ko at lumapit sa kaniya. Piningot ko ang tenga niya dahilan para magreklamo siya sa sakit.
"Aray ko!"
"'Yan nanghahalik ka na lang kasi ng basta basta."
"Aray ko. Tama na. Hindi ko na uulitin!"
Agad ko naman siyang pinakawalan.
"Pasok ka sa bahay." Aya ko pero umiling lang siya.
"Uuwi naman na ako. Gusto lang naman kita makita bago matulog."
"Baliw."
Nag-stay pa kami do'n ng ilan pang minuto bago siya nagpaalam na umuwi. Pagkapasok ko sa bahay ay tapos na ang iniwan kong gawain dahil baka si Mama na ang tumapos kaya dumiretso na lang ako sa kwarto ko para makatulog.
Nakangiti ako habang nakapikit ang mga mata.
Gagawin kong memorable ang mga araw na natitira sa aming dalawa bago ako lumisan sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
MY BOY BEST FRIEND
Teen FictionMaraming nagsasabi na mag-jowa kami pero para sa akin we're 'BESTFRIEND' pero para sa akin lang pala ang salitang iyon. ______________ "You're my bestfriend! You're my boy bestfriend and I can't risk our friendship for this fvcking feelings of mine!"