Tahimik lang ako habang nakikiramdam sa paligid habang ang mga mata ay nasa libro.
Napatingin lang ako Kay Andrie na tahimik lang na nagbabasa at parang siya lang mag-isa dito.
Nasa harapan ko siya nakaupo habang si Diana naman ang katabi ko na katapat si Aicelle, si Kryzcelle naman ay nangingiti habang nagbabasa sa dulo ng table. Weirdo, haha!
Pasimple kong sinagi ang paa ni Andrie sa ilalim ng lamesa pero hindi siya tumingin sa'kin. Sinagi ko ulit 'yon pero hindi niya pa rin ako pinansin. Napapikit ako sa inis at binalik na lang ang atensiyon ko sa librong binabasa ko para may matutunan naman ako.
Pero ang nangyari kahapon hindi pa rin mawala sa isipan ko. Pagkatapos ko kasing makita kahapon si Ishi pinapasok na agad ako ni Andrie sa bahay. Hayy, ewan ko ba hindi lang naman siya ang kaibigan ni Ishi ha.
Napapikit ako sa inis at sinipa ang paa ni Andrie pero sinadya ko talaga sa pagkakataong ito.
Kumunot ang noo niya ng tumingin siya sa'kin. Inirapan ko siya.
"So, wala kang balak sabihin kung anong pinag usapan niyo kahapon ni Ishi?" inis pero mahinang sambit ko. Tumingin lang siya sa'kin at binalik ang atensiyon sa binabasa niya. Umirap ako at bumulong ulit.
"Sige kapag hindi mo sinabi sa'kin, sasabihin ko 'to sa kanila ni Diana." tumingin lang siya sa'kin at napailing pero agad ring tumayo at mabilis na niligpit ang mga gamit.
Sinundan ko siya ng tingin habang papaalis sa table at dumiretso sa librarian para hiramin ang libro.
Dali-dali ko ring niligpit ang mga gamit ko para masundan siya.
"Hoy--hoy! Saan ka pupunta?" tanong ni Diana ng mapansing nagliligpit ako ng gamit. Napalingon agad sa'kin sina Aicelle at Kryzcelle na kanina ay busy sa pagbabasa.
"Basta!"
Iyon lang ang nasabi ko at dali-daling dumiretso sa librarian para maipagpa-alam ang librong hihiramin ko.
Pagkalabas ko ay liminga-linga muna ako para makita kung nasaan na siya pero hindi ko na siya nakita kaya dumiretso nalang ako sa classroom.
Nang makapasok ako sa classroom bumungad sa'kin si Rei na nakangiti.
"Hi, Rei!" Bati ko.
"Hello!"
"Nakita mo ba si Andrie?" Tanong ko kay Rei pero umiling lang siya.
"Akala ko magkasama kayo sa library?"
"Kanina yun eh. Bigla nalang umalis, parang adik" sabi ko pero natawa lang siya.
"Ah sige punta na ko sa upuan ko" sabi ko at dumiretso na sa upuan ko.
Nakita ko pa sila ni Hannah na pakikipag-usap kina Claire at Ajee. Pero nang makita ako ni Hannah ay nagsalita siya.
"Raine, tarintasin mo naman buhok ko oh, please" hindi pa nga ako nakakasagot sumabad agad sina Ajee at Claire na tarintasin rin ang buhok nila.
"Sige. Mamaya lang may gagawin pa kasi ako" ngumiti ako nang pilit at umupo kaagad sa upuan ko.
Pumikit ako at bubuksan sana ang librong hiniram ko ng tinawag ako ni Chloe.
Napalingon ako sa gawi niya at kasama niya si Princess.
"Raine, natapos mo nang basahin yung story na ni-recommend ko sa'yo?" Umiling ako at nag-peace sign.
"Sorry may tatapusin pa akong story, Chloe. Siguro next time ko pa mababasa" tumango lang siya at ngumiti.
"Sabihan mo ko kung natapos mo na ha?!" tumango ako.
"Nga pala, nakita niyo ba si Andrie?" tanong ko sa kanila napakunot ang noo ni Chloe pero ngumisi lang si Princess.
"Nakita ko siya kanina, magkasama sila ni Ishi." Nakangising sabi ni Princess.
BINABASA MO ANG
MY BOY BEST FRIEND
Teen FictionMaraming nagsasabi na mag-jowa kami pero para sa akin we're 'BESTFRIEND' pero para sa akin lang pala ang salitang iyon. ______________ "You're my bestfriend! You're my boy bestfriend and I can't risk our friendship for this fvcking feelings of mine!"