Napatitig lang ako sa singsing na nasa loob ng kahon at napakunot ng nuo. Natingin ako kay Andrie na hindi makatingin sa akin.
"H-hoy! A-Anong trip mo n-ngayon?" Nauutal na sabi ko dahil sa kakaibang nararamdaman pero agad ko iyong winaglit at seryuso na siyang tinatanong. "Ano 'to, Andrie? Nagpo-propose kaba?" Natawa ako dahil namula ang mga tenga niya dahil sa sinabi ko.
Kinuha ko ang maliit na box sa kamay niya at kinuha sa loob niyon ang singsing. Sinukat ko ito at tamang-tama lang ito sa ring finger ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagngiti. Sinuri ko ito at hindi na mapigilan ang ngiti ng mapansin kong may pangalan ko iyon.
"Salamat." Nakangiting sabi ko at matagal siyang tinitigan pero nawala ang ngiti ko ng bigla akong mailang sa pagtitig niya. Napalunok ako at nagsimulang mag-isip ng mga sasabihin ko. "Nga pala, gabi na ah? Bakit pumunta ka pa rito at binigay sa akin ang regalo mo? Pwede namang bukas na lang." Hindi ko mapigilang mautal dahil sa lalim ng titig niya sa akin.
Nabawi ko ang hininga ko ng bumaling ang tingin niya sa paligid.
"Basta, ayaw ko lang palagpasin ang araw na 'to." Sabi niya at binalik muli ang paningin niya sa akin. "Nagustuhan mo ba?"
"Ahm-Oo naman." Tumingin ako sa ibang direksyon para hindi mailang. "Pero bakit singsing?" Napakagat ako sa labi at babawiin nalang sana ang tanong. "'Wag mo nang sag----"
"Because I'm gonna marry you someday." Seryusong niyang sabi.
Biglang bumagal ang oras ng sabihin niya ang mga salitang 'yon. Hindi matigil sa mabilis na pagtibok ang puso ko. Parang may kakaiba akong nararamdaman. Hindi ito ang nararamdaman ko dati kapag may sinasabi siya sa akin na mga ganitong bagay dahil alam kong nanti-trip lang siya pero ngayon parang totohanan na 'to. Bago pa man ako makasagot sa kaniya ay bigla nalang siya humagalpak ng tawa dahil sa reaksyon ko.
"Joke lang!"
Parang nadismaya ako dahil sa sinabi niya pero dapat hindi ako madismaya dahil kaibigan ko lang siya at walang kami. Peke akong tumawa para matabunan ang mga totoo kong nararamdaman.
Nag-stay pa kami sa labas ng bahay namin ng ilang minuto ng papasukin niya na ako sa bahay namin.
"Goodnight." Sabi niya at niyakap ako niyakap ko naman siya pabalik at kumalas.
"Goodnight din. Take care." Malungkot akong ngumiti bago sinarado ang gate ng bahay namin.
BINABASA MO ANG
MY BOY BEST FRIEND
Teen FictionMaraming nagsasabi na mag-jowa kami pero para sa akin we're 'BESTFRIEND' pero para sa akin lang pala ang salitang iyon. ______________ "You're my bestfriend! You're my boy bestfriend and I can't risk our friendship for this fvcking feelings of mine!"