MY BOY BESTFRIEND 27

546 30 2
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw at December na ngayon. Palagi na ulit sumsama sa amin si Andrie bawat free time namin sa school. Medyo nagkakasama na rin kami umuwing tatlo ni Andrie, Yves at ako.

Pero habang lumilipas ang mga araw ay hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. Sa tuwing kasama ko si Andrie ibang kasayahan ang nararamdaman ko at nakukumpleto na agad ang araw ko kapag magkasama kami. Minsan nga na may nangyari sa amin na hindi maganda habang naghihintay kami sa waiting shed ng school na humupa ang ulan.

"Ano ba 'yan ang tagal humupa ng ulan!" Reklamo ko habang nasa tabi ng kalsada na may dumadaan na mga sasakyan. Nasa tabi ko si Andrie na tahimik lang at nakapamulsa habang si Yves ay nasa likod namin at tahimik lang din.

Nang biglang may mabilis na sasakyan ang dumaan dahilan para tumalsik ang tubig sa gawi namin pero imbes na kaming dalawa ang mabasa ni Andrie ay siya lang dahil hinarang niya ang likod niya sa tumalsik na tubig habang ang mga kamay niya ay nasa mga balikat ko. Gulat akong napatingin sa kaniya habang si Yves ay gulat rin dahil sa ginawa niya.

"Nabasa ka ba?" Nag-aalalang tanong niya, umiling lang ako bilang sagot dahil hindi pa rin nakaka-recover sa nangyari. Pati rin si Yves Ay nagulat sa nangyari.

"I-ikaw?" Tanong ko sa kaniya pero hindi siya nagsalita at bumalik na lang sa pwesto niya. Kitang-kita sa likod niya ang tumalsik na putik pero dahil naka-jacket siya ay agad niya rin iyong hinubad at naiwan na lang ang uniform niya. Binaling ko ang tingin ko kay Yves na nakangisi lang sa aming dalawa.

"Raine, sama ka mamaya?" Bungad sa akin ni Diana ng makaupo siya sa harapan ko. "Lights on mamaya sa park!" Excited na sabi niya.

"Sasama 'yan kahit hindi mo tanungin, Diana!" Sabad ni Aicelle na kasunod lang ni Diana.

"Sige! Nasaan sila Kryzcelle?" Tanong ko sa kanila.

"Kasama si Andrie sa library may hihiraming libro." Tumango na lang ako bilang sagot. Nang biglang pumasok sina Nicole at Ishi na sa classroom. Pilit na ngumiti sa akin si Ishi pero si Nicole ay hindi ako pinansin.

Matapos ang hindi inaasahang pangyayari sa aming dalawa ni Nicole sa CR ay hindi na niya ako pinansin pero gano'n pa rin ang pakikitungo sa akin ni Ishi. Imbes na magalit ay hindi ko na lang iyon pinansin at hindi na lang nangingialam kahit na ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ang rason.

MY BOY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon