MY BOY BESTFRIEND 17

560 29 0
                                    

"'Nak, kumusta school mo? Birthday mo na sa susunod na araw. Anong gusto mong handa? Gusto mo ba ng enggrandeng birthday party?"

Hindi ko mapigilang samaan ng tingin si mama pero tinawanan niya lang ako.

"Ma, ayos lang kahit simple basta nandito kayong dalawa ni Papa." Tiningnan ko si papa at nginitian.

"Ang anak ko talaga! Sige, pwede mo ring i-invite ang mga kaklase mo." Sabi ni Papa kaya mapalapad akong ngumiti.

"Thank you, papa!" Masayang sabi ko.

"Anak,bakit ka nga pala ginabi ng uwi?" Tanong sa'kin ni Mama.

"Ah-eh, tumulong po kasi ako sa pagdi-decorate ng classroom para bukas. Birthday po kasi bukas ni Ma'am, kaya nag-effort ang mga classmate ko para i-surprise siya" Pagsisinungaling ko.

"Ah, gano'n ba? Pwede bang 'wag mong dalasan ang pag-uwi na medyo late na, anak?" Pakiusap ni Mama.

"Sige po, Ma"

Bigla ko namang naalala ang nagpakilala sa'kin kanina na nagngangalang Yves. "Nga pala, Ma, may bago na pala tayong kapit-bahay ngayon?" Baling ko Kay Mama.

"Ah, oo, anak. Kanina lang sila lumipat." Napatango-tango ako. So, totoo pala. Hmmm.

Nang matapos kaming kumain ay nagpresinta na akong maghugas nga pinggan at dumiretso agad sa kwarto pagkatapos.

"Tandaan mo, kung hindi mo 'ko makita hintayin mo lang ako. Babalik at babalik pa rin ako sa'yo."

Mariin akong napapikit ng maalala ko na naman ang pangako ni Andrie sa'kin. May anong kirot akong naramdaman sa puso ko dahil hindi niya tinupad ang pangako niya sa'kin.

'Saan kaya siya pumunta? Bakit hindi niya ako binalikan?'

Puno ng katanungan ang ang nasa isipan ko pero kahit isa walang sagot.

'Ano ka ba, Raine! Tama na 'yan, hindi lahat ng oras nandiyan siya para sa'yo.'

Huminga ako ng malalim at winaglit ang mga nasa isip ko. Tumayo ako galing sa pagkakahiga at naghanap ng mababasa sa maliit kong bookshelf.

Nang makahanap na ako nga mababasa ay bumalik ako sa pagkakahiga at nagsimulang magbasa hanggang sa dalawin na ako ng antok.

MY BOY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon