MY BOY BESTFRIEND 7

754 35 2
                                    

Nasa hapag kainan kami buong pamilya at tahimik na kumakain ng biglang magsalita si Mama.

"So, kumusta ang school mo anak? Okay lang ba? Hindi ba masyadong nakaka-stress?" Tanong sa'kin ni Mama. Ngumiti ako ng matamis at nagsalita.

"Maraming projects pero kayang kaya!" Energetic na sabi ko.

"Mabuti naman. Ilang gabi na rin tayong hindi naghahapunan ng magkasama." Sabi ni Papa at tumingin sa'kin. "Mukhang hindi pumupunta rito si Andrie anak. Nag-away kayo?" Tumawa ako ng mahina dahil do'n at agad ring umiling.

"Palagi po kaming magkasama sa school at sa pag-uwi kaya wala pong problema, Papa. Medyo marami lang po kaming projects minsan kaya hindi siya nakakapunta dito." Sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Sabihin mo kay Andrie na dumalaw minsan dito ha. Matagal na rin nung huli ko siyang nakita." Sabi ni Mama habang nakikinig naman si Papa.

"Sige, Ma. Pag may time, sama ko na rin sina Diana." Ngumiti ako at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos naming maghapunan ay tinulungan ko si Mama sa mga hugasin at dumiretso na agad sa kwarto ko para makapag-aral at makapag pahinga.

Tulala lang ako sa labas ng bintana habang nakaupo sa study table at kaharap ang mga librong nakabukas pa. Tanging ang ilaw lang ng lampshade na nasa table kl ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto, hindi naman masyadong madilim dahil sa liwanag ng buwan na pumapasok sa bintana ng kwarto ko.

"Tandaan mo, kung hindi mo 'ko makita hintayin mo lang ako. Babalik at babalik pa rin ako sa'yo."

Napangiti ako ng maalala ko ang sinabi kanina sa'kin ni Andrie pero napailing din dahil para siyang OA kanina habang sinasabi niya iyon.

Pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko at nangingiti sa tuwing naaalala ang sinabi niya. Kahit minsan parang feeling mo wala siyang pakealam sa'kin pero ang totoo may tinatago rin ka-sweetan.

Nabaling ang atensiyon ko sa phone ng bigla iyong nag-vibrate mula sa gilid ng mesa ko. Kinuha ko iyon at tinignan.

From Unknown:

Hey! If you're still awake please reply. I'm your crush by the way :)

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mensahe. OMG! Si Crush. Pa'no niya nalaman ang number ko? Agad akong nag-reply.

To Crush:

Hello. Gabi na ah! Nga pala pa'no mo nalaman cp # ko?

Pinindot ko ang send at naghintay ng reply niya. Hanggang sa mas humaba pa ang conversation naming dalawa at hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa harap ng cellphone at mga libro ko.

MY BOY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon