MY BOY BESTFRIEND 28

526 31 1
                                    


"3.....2.....1!!!" Nagsigawan ang mga tao sabay sa pagliwanag ng paligid at pagliwanag ng langit dahil sa fireworks. Nakangiti ako habang nakatingin sa langit dahil sa makukulay na fireworks. Napalingon ako sa katabi ko at bumilis ang tibok ng puso ko nang nakatitig lang siya sa akin. Napalunok ako at binaling nalang ulit ang tingin sa paligid.

"Raine, do'n tayo!" Masayang sabi ni Diana habang nakaturo sa isang bahay kubo kung saan may istawa ni Jesus nang pinganak siya kasama ang mga magulang niya. Ngumiti ako at tumango.

Marami pa kaming pinuntahan kung saan maraming makukulay pa na ilaw at mga Christmas tree na nasa tabi ng bahay kubo.
Marami na kaming picture na nakuha, may mga picture kami na solo at kaming lahat.

"Raine, do'n kayo ni Andrie oh!" Turo ni Aicelle sa isang malaking christmas tree na sentro ng park. Nakangisi siya sa aming dalawa ngayon ni Andrie gano'n rin si Yves na habang kinakausap siya ni Kryzcelle pero parang ni hindi man ito nakikinig.

Sa huli ay wala kaming nagawa ni Andrie kundi magpa-picture dahil sa pangungulit nila Diana at Aicelle. Sa huling picture ay umakbay sa akin si Andrie habang naka-peace sign sa camera habang ako ay gulat pero napangiti rin agad ng mag-click ang camera.

Hanggang sa matapos kaming maglibot at bumili ng makakain sina Yves at Kryzcelle habang sina Aicelle at Diana ay patuloy pa rin sa pagkuha ng mga pictures hindi na ako sumama dahil sa pagod galing sa paglalakad. Nakaupo kaming dalawa ni Andrie sa isang bench kung saan ay bahagi pa rin ng park.

Hindi ko siya nilingon dahil ramdam ko ang titig niya sa'kin kaya pinagmasdan ko lang ang mga taong pumapasyal. First night 'to kaya maraming pumunta ang iba ay kasama ang buong pamilya at masayang kumukuha ng mga pictures.  Sana makapasyal kami nila Mama bago pa 'to matapos.

Pero napako ang mga mata ko sa mga magbabarkada na naglalakad sa harap namin. Agad na nagtama ang mga mata namin ng lumingon siya sa amin at ngumiti. OMG! Kinausap niya muna ang mga barkada niya at agad na tumango at nagpatuloy na lang sa paglalakad habang siya ay dumiretso sa direksyon namin. Napatingin ako Kay Andrie na ngayon ay walang imik.

"Hey!" Napangiti ako ng malapad nang nasa harapan na siya namin.

"Kuya Ivan."

MY BOY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon