MY BOY BESTFRIEND 46

416 29 0
                                    


Namamawis ang mga palad ko habang nakahawak sa taong hindi ko kilala. Mabilis ang tibok ng puso ko habang nalalakad kami. Lilibutin lang naman namin ang isang hallway hanggang sa makabalik ulit kami pero pakiramdam ko ay parang tumatagal ang takbo ng oras.

Tahimik lang ang taong nakaholding hands ko ngayon at walang nagsalita sa aming dalawa habang nasa likuran naman namin ang SSG officers na gina-guide kami kung saan dapat pupunta dahil nakatabon ng tela ang mga mata namin.

Hindi nagtagal ay nakabalik na rin kami sa stage kung saan ako hinila kanina ng SSG officers. Nang ialis nila ang tela na nakatakip sa mata ko at agad kong minulat ang mga mata ko. Medyo blur pa ang paningin ko kaya kinusot ko ito ng kaunti at pagbaling ko sa taong kaholding hands ko kanina ay napanganga ako.

"Andrie?" Kunot noong sabi ko at ng magtama ang mga paningin namin ay agad namang bumilis ang tibok ng puso ko. Tipid siyang ngumiti at tumalikod na sa akin. Parang kinurot ang puso ko dahil sa ginawa niya pero hindi ko naman siya masisisi dahil ako rin naman ang nagsabi sa kaniya na layuan na ako. Huli na naming pag-uusap nung nasa labas ng classroom at pagkatapos non ay hindi siya ulit nagpumilit pa. Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang likod niya na papalayo sa akin.

"Oh, kumusta?" Bungad sa akin ni Kryzcelle habang nakangisi agad naman itong nawala dahil binigyan ko siya ng tipid na ngiti. Hindi ko na sila kinausap dahil alam kong magtatanong at magtatanong sila sa akin.

Pumunta ako sa cr at nang makapasok ako ay bumungad sa akin si Ishi na nakaharap sa salamin at naghuhugas ng kamay. Tahimik akong pumunta sa gawi niya at naghugas rin ng kamay. Napatigil siya ng magtama ang mga paningin namin sa salamin pero agad niya rin pinagpatuloy ang ginagawa niya. Nang matapos siya agad niyang pinunasan ang mga kamay niya at akala ko ay aalis na siya pero nagulat ako ng magsalita siya.

"Raine, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya sa akin, walang naman ibang tao sa loob ng cr kaya tumango lang ako habang pinupunasan ang mga kamay ko ng tissue at tumingin sa kaniya. Napayuko siya at malalim na huminga.

"Kung ano man ang narinig mo sa akin ng araw na 'yon ay parte na lang 'yon ng nakaraan naming dalawa." Sabi niya kaya napakagat ako sa labi. "Raine, tinago namin 'yon dati dahil ako ang nagsabi."

"Pero bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi mo maiintindihan dahil hindi naman ikaw ang nasa katayuan ko sa mga oras na 'yon." Napakunot ang noo ko dahil don. Wala naman talaga akong karapatan na malaman ang rason niya dahil alam kong gusto niya iyong isarilihin pero hindi ko mapigilang magtaka kung bakit.

Napayuko ako at bumuntong hininga. "Naiintindihan ko." Sabi ko at tipid na ngumiti.

"Pero sana 'wag mo siyang saktan dahil kahit na nasasaktan ako pero masaya siya ayos lang sa akin." Nangilid ang luha niya. "Sana maayos niyo na 'to. Dahil nararamdaman kong mahal ka talaga niya."

Parang gustong sisihin ang sarili ko dahil nasasaktan si Ishi nang dahil sa akin. Kung alam ko lang na may nakaraan sila ni Andrie sana tinigil ko na ang kabaliwang 'to. Hindi naman masasaktan si Ishi kung hindi niya naman talaga mahal si Andrie pero nasasaktan din siya eh.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. Tipid siyang ngumiti ng magtama ang mga mata namin.

"Thank you."

MY BOY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon