"Kuya Ivan, sorry!""Hindi ayos lang. 'Yong damit mo." Nakatingin siya sa uniform ko kaya napatingin rin ako ro'n.
"Hala!" Nataranta ako ng makita ko na puno ng mantsa ang uniform ko.
"Sorry, hindi ko sinasadya!"
Hinanap ko sa bulsa ang panyo ko pero ng ibalik ko sa kaniya ang paningin ko nagulat ako ng may tumambad sa'king dalawang panyo. Tinignan ko saan iyon nanggaling.
Napabalik-balik ang tingin ko kina Kuya Ivan at Andrie dahil sa dalawang panyo na nasa harapan ko.
"Hehe." Dali-dali kong kinapa ulit ang bulsa ko at nang makuha ko na ang panyo Ay agad ko iyong inilabas.
"Salamat. Pero may panyo naman ako." Sabi ko at pinakita ang panyo agad naman nilang itinago ang mga panyo nila. "Pasensya kana talaga, kuya! Hindi ko talaga namalayan na nabangga na pala kita!"
"Naku, ayos lang. Pero mas malala pa nga ang nangyari sa'yo dahil matapunan ang uniform mo!"
Magsasalita pa sana ulit ako nang may humila sa'kin sa lugar na iyon.
"Hoy! Andrie, ano ka ba? Bakit mo ginawa 'yon? Kinakausap ko pa kaya si Kuya Ivan!" Inis na sambit ko nang tumigil si Andrie sa paghila sa'kin.
Nakatingin lang siya sa'kin ng walang emosyon ang mukha at tumalikod.
"Hoy! Sa'n ka pupunta?" Hinabol ko siya. "Hoy! Teka lang!"
Nakabalik na kami sa counter at halos nando'n na pala silang lahat.
"Raine! Sa'n kaba nanggaling? Kala namin tinakasan mo na kami!" Bungad sa'kin ni Diana na may hawak na mogu-mogu. "Anong nangyari sa uniform mo?"
Hindi na ako nagsalita pa at binayaran nalang ng diretso ang mga pinili nila sa counter.
PAPAUWI na kami ni Andrie pero pansin ko ang pagkatahimik niya ngayon kahit na palagi naman siyang ganyan. Pero ang pinagkaiba lang ngayon ay ni hindi niya sinasagot ang mga tanong ko sa tuwing may tinatanong ako sa kaniya. Kaya pinili ko nalang na manahamik nalang.
Nang nasa harapan na kami nga bahay namin ay do'n lang ako nagkaroon nang lakas ng loob.
"Andrie, kanina ka pa tahimik simula no'ng nakita mo akong kasama si kuya Ivan! Anong nangyayari sa'yo?!"
"Sana tinanggap mo na lang kanina ang inalok kong panyo."
BINABASA MO ANG
MY BOY BEST FRIEND
Teen FictionMaraming nagsasabi na mag-jowa kami pero para sa akin we're 'BESTFRIEND' pero para sa akin lang pala ang salitang iyon. ______________ "You're my bestfriend! You're my boy bestfriend and I can't risk our friendship for this fvcking feelings of mine!"