MY BOY BESTFRIEND 22

551 29 4
                                    


Afternoon session lang pumasok si Andrie at gano'n pa rin siya. Minsan niya lang ako pinapansin at tama nga ako magkasama sila kaninang umaga ni Ishi. Pero mas nadagdagan pa ang kalungkutan ko ng hindi niya man lang ako binati kanina.

Break time namin ngayon at nandito kami  sa bench pero hanggang ngayon hindi pa rin sumasabay sa amin si Andrie. Konti na lang at mapupuno na ako sa kaartehan niya.

"Ilang araw nang hindi sumasabay sa atin si Andrie. Anong bang nangyayari sa lalaking 'yon?" Reklamo ni Kryzcelle habang nakatingin sa kabilang bench na may kalayuan sa amin. Napatingin rin ako ro'n, si Andrie na kasama ang bago niyang mga kaibigan.

"Hayaan mo na. Siguro meron 'yan ngayon." Natatawang sabi ni Diana. Nagkibit balikat na lang ako at binalingan si Aicelle.

"Samahan mo naman ako." Sabi ko kay Aicelle.

"Saan?" Siya.

"CR."

Tumayo siya kaya tumayo naman agad ako.

"CR muna kami." Paalam ko kina Diana at sumunod Kay Aicelle.

Nang makarating kami ni Aicelle sa Girl's comfort room ay nagpaiwan nalang siya sa labas kaya tumango na lang ako.

Pumasok ako sa isa sa mga cubicle. At nang matapos ako ay hindi muna ako lumabas ng may marinig akong pamilyar na mga boses.

"Masyado yata akong nadala sa nararamdaman ko!" Bakas sa boses niya na umiiyak siya.

"Sabi ko na sa'yo! Dapat hindi na tayo bumalik dito." Galit na sabi sa kaniya ng kaibigan niya pero bakas rin ang pag-aalala nito sa kaniya. "Marami kanang sinakripisyo, Ishi! Tama na 'to, masakit 'di ba? Pero, bakit sige kapa ng sige kahit alam mong wala kanang babalikan!"

"Mahal ko siya, Nicole. Kaya ko siyang ipaglaban!"

"Pero huli kana! Wala ka ng panghahawakan pa dahil kahit siya wala ng nararamdaman sa'yo!"

Lumabas ako mula sa cubicle at ng makita ako ni Ishi ay agad nanlaki ang mga luhaan niyang mga mata  dahil sa gulat pero ng binaling ko ang tingin ko kay Nicole  na matalim   na nakatitig sa akin.

Wala masyadong estudyante na pumapasok dito sa  CR kaya siguro akala nila ay walang tao at walang makakarinig sa kanila.

"Ishi, ayos ka lang ba?" Nilapitan ko si Ishi pero bago pa ako makalapit sa kaniya at may humarang sa akin at hinarap ako sa kaniya. Isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ko kaya napahawak ako dito.

"Nicole!" Umiiyak na sabi ni Ishi. "Wala siyang kasalanan dito!" Paki-usap sa kaniya ni Ishi dahil susugod pa sana ito sa'kin at sasabunutan ako pero pinigilan siya ni Ishi.

"Ishi! Ano ba? 'Di ba nasasaktan ka ngayon dahil sa kaniya? Bagay lang 'yan sa kaniya kaya 'wag mo 'kong pigilan!" Sabi ni Nicole habang galit na nakatingin sa akin.

"Ano bang pinagsasabi mo, Nicole? Wala akong alam sa pinag-uusapan niyo!" Sabi ko habang nakahawak pa rin sa pisngi ko dahil sa kirot. Gano'n ba talaga kalakas sumampal si Nicole?

"Raine!" Nag-aalalang sigaw ni Aicelle na kakapasok lang sa CR dahil siguro sa sigawan na narinig.

"Aicelle, lumabas na muna kayo ni Raine, please!" Pakiusap ni Ishi habang iyak pa rin ng iyak.

Hindi na sumagot si Aicelle at diretso na lang akong hinatak papalabas sa CR at umalis sa lugar na iyon. 

Habang papaalis ay nakita ko si Andrie sa 'di kalayuan at nag-aalalang lumapit sa amin.

Pero parang tinusok ng milyon-milyong karayom ang puso ko ng nilampasan niya lang kami ni Aicelle at dumiretso sa CR ng mga babae.

Hindi ko na napigilan ang pangigilid ng luha ko dahil do'n.

Nilampasan niya lang kami...

Nilampasan niya lang ako...


MY BOY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon