MY BOY BESTFRIEND 37

473 27 1
                                    


"Raine, si Andrie at Ishi na lang ang gawin nating bida sa movie natin. I think they will fit the role."  Suggestion ni Princess.

Kahit na medyo hindi ako kumportable sa suhestiyon ni Princess ay wala akong nagawa kundi tumango na lang dahil tama naman siya. Ishi and Andrie can fit the role dahil sa bawat project namin na may kinalaman sa acting ay may chemistry sila kapag sila ang gumaganap na bida kaya wala akong reklamo.

Napapikit ako ng mariin ng marealize ko kung saang scene na kami ng story. It was the confession with a kissing scene pero kahit na wala kaming balak na gawin ang kissing scene nakaramdam pa rin ako ng selos dahil may mga times na malapit sila sa  isa't-isa. Ano ba 'tong iniisip ko? Grrr. Kainis.

It was our last taiping para sa project namin dahil patapos na ang story kaya nag-iya ang mga kagrupo ko na kumain sa labas since last na namin iyon. Kumain lang kami sa labas at mag-aya na ang mga kagrupo ko na uuwi na sila.

"Salamat,guys! Na-enjoy ko ang pagiging camera man." Natatawang sabi ni Jeff Kaya natawa rin kami. Kumaway ako sa kanila ng umalis na sila. Naiwan na lang kaming tatlo ni Ishi at Andrie.

"Raine, hatid ko lang si Ishi sa kanila. Malapit lang naman rito bahay nila." Paalam sa akin ni Andrie kaya pilit akong ngumiti at tumango. "Diyan ka lang. Hintayin mo ko."

Hindi kasi magka-grupo ni Nicole at Ishi kaya walang kasama si Ishi kaya naiwan ako dito sa mag-isa sa waiting shed ng school kung saan may mga tricycle na dumadaan. Dito kami naghihintay ng para makasakay malalim na kasi ang gabi at medyo umuulan ng mahina.

Hindi naman ako papagalitan sa pag-uwi dahil aware naman sina Mama at Papa dahil project namin 'to at kasama ko si Andrie.

Unti-unting bumuhos ang ulan at wala pa rin si Andrie kaya medyo nag-aalala na ako. Baka basa na 'yon.

Niyakap ko ang sarili ko ng nakaramdam ako ng lamig dahil humangin. Ilang minuto pa ako naghintay ng maramdaman ko na may naglagay ng jacket sa likod ko. Napalingon ako kay sino galing iyon at sumilay ang ngiti ko ng makita si Andrie.

"Sa'n galing 'to?" Tanong ko sa kaniya dahil wala naman siyang jacket kanina. Pinakita niya sa akin ang isang bag na may laman na mga costumes namin sa taiping. "Thank you."

"Sabi ko naman sa'yo babalikan kita."

Naging malapad pa ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Hindi niya talaga nakalimutan 'yon.

MY BOY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon