MY BOY BESTFRIEND 47

423 29 0
                                    

Matapos ang picturial at rehearsal namin para sa graduation ay nag-aya agad sila Diana na mamasyal muna sa tabing dagat bago umuwi, wala kaming nagawa at hindi rin ako makahindi dahil alam kong hindi ko na ulit ito magagawa pagkatapos ng graduation.

Buwan na ngayon ng Marso at hindi ko mapigilang malungkot dahil sa susunod na pasukan ay hindi ko na sila makakasama.

"Oy, Raine, bakit parang ang lungkot mo naman ngayon?" Tanong ni Diana, hindi ko PA nasasabi sa kanila na lilipat na kami sa Manila kaya wala silang kaalam alam. Ngumiti ako ng malapad para hindi nila makita na malungkot ako.

"Hindi ako malungkot. Haha!" Tanggi ko.

Naghabulan lang kaming magkaibigan sa buhangin hanggang sa mapagod kami. Sama-sama naming pinanood ang paglubog ng araw.

"Guys, masaya ako na makaka-graduate na tayo sa junior tapos magsi-senior na tayo and after that college. Sama-sama tayong abutin ang mga pangarap natin." Sambit ni Aicelle habang nakatingin sa papalubog na araw. Napatango naman sila ni Diana at Kryzcelle. Parang may kumurot sa puso habang pinagmamasdan sila na habang puno ng pagsusumikap at pag-asa ang mga mata nila. Gusto kong sama-sama naming tutuparin ang mga pangarap namin pero aalis ako at hindi ko alam ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang aalis ako.

"Sige una na 'ko." Paalam ko kina Diana at lumiko na sa ibang kalsada. Matamlay akong naglakad pauwi sa bahay pero nang nasa harap na ako sa gate namin ay nagulat ako ng makita si Andrie na parang may hinihintay.

Napalingon siya sa akin ng maramdaman niya ang presensya ko. Dali-dali siyang lumapit sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kaniya.

"Namasyal kayo nila Diana?" Tanong niya sa akin na sinagutan ko lang ng tango. "Hindi mo pa nasasabi sa kanila?"

Kumunot ang nuo ko at diretso siyang tinignan sa mata.

"Bakit hindi ikaw ang magsabi?" Nakataas kilay na tanong ko. Mahina siyang natawa.

"'Wag na. Mas mabuti kung ikaw nalang ang magsabi."

"Pasok ka muna sa bahay." Sabi ko at binuksan ang gate ng bahay sumunod naman siya. Dumiretso kami sa sala at pinaupo siya.

"Oh, Andrie, nandito ka pala. Sandali lang at kukuha lang ako ng meryenda." Bungad ni Mama na napadaan sa pintuan.

"Salamat po." Tugon ni Andrie.

"Nga pala kanino mo nalaman ang pag-alis ko?" Ilang araw na kaming nakakausap na gaya ng dati na walang nararamdaman sa isa't-isa pero hindi ko pa siya natatanong tungkol don.

"Nakausap ko Mikay at nabanggit niya sa akin." Tumango ako at tumingin sa kaniya.

"Pasensya na ha. Hindi ko nasabi." Tipid akong ngumiti tamang tama naman at dumating si Mama na dala ang isang tray ng meryenda kaya tinulungan ko siyang ilapag ito sa center table.

"Andrie, kumusta ang pag-aaral?" Tanong ni Mama Kay Andrie kaya napatingin ako sa kaniya. Ngumiti siya Kay Mama at sumagot.

"Ayos lang naman po, tita. Walang bagsak." Mahina siyang natawa ngumiti naman ako.

Nag-usap kaming tatlo ni Mama sa sala hanggang sa may tumawag Kay Mama kaya naiwan na lang kaming dalawa.

"Excited kana?" Tanong ni Andrie, malungkot akong ngumiti.

"Hindi naman. Ano kaya ang magiging reaksyon nila Diana?"

"Maiintindihan ka nila."

"Gaya ng pag-intindi mo sa akin?" Tumawa ako ng makita kong nagulat siya sa tanong ko. "Mami-miss mo 'ko 'no?" Tukso ko sa kaniya.

"Oo naman, bakit hindi?" Sagot niya.

"'Wag kang mag-aalala magbabakasyon naman ako rito eh."

Matapos naming mag-usap ni Andrie nang puno ng tuksuan at tawanan ay nagpaalam na siya sa akin at kay Mama na uuwi na siya, gusto pa sanang dito na maghapunan si Andrie pero wala nagawa si Mama dahil nagpumilit si Andrie na 'wag na.

Sinamahan ko si Andrie palabas ng bahay.

"See you tomorrow." Paalam ko sa kaniya.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Ngumiti ako at mahinang natawa.

"Hindi ka pa talaga nakakamove on 'no?" Tukso ko sa kaniya pero ngumiti lang siya.

"Sige na, goodnight!" Sabi niya at tumalikod na sa akin. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang likod niya hanggang mawala na siya sa paningin ko.

MY BOY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon