MY BOY BESTFRIEND 48

407 26 4
                                    

"Guys, meeting na this para sa farewell party!" Excited na sigaw ni Kristine na nasa harapan.

Excited namang nagsiupuan ang mga kaklase namin namin.

"Wait lang, may maganda akong naisip." Suhestiyon ni Ishi habang naglalakad sa harapan. "May resort kami at dahil farewell party naman 'to do'n na lang tayo sa resort namin ako ng bahala sa masasakyan nating lahat."

"Wow, ang yaman mo naman Ishi ha. Sana all!" Sabi ni Xyrish. Nagsitawanan naman sila.

Nagmeeting lang kami sa mga gagawin namin para sa farewell party at syempre hindi mawawala ang teacher namin na puro paalala ang sinabi sa harapan.

Pagkatapos no'n ay tumambay na lang kami sa bench dahil wala namang klase, normal lang naman 'to dahil graduation na sa susunod na araw.

Habang nag-uusap kaming magkakaibigan ro'n ay dumating sina Nicole at Ishi na may hawak na gitara.

"Pwede makiupo?" Tumango ako at umusog ng kaunti para bigyan sila ng space.

"Ishi, hindi mo sinabi sa amin na may resort pala kayo ha. Big-time ka pala eh." Sabi ni Kryzcelle tipid na ngumiti si Ishi at napailing.

"Sa pamilya ko 'yon." Sabi niya at nagsimulang magpatugtog ng gitara.

Nagsimulang kumanta si Kryzcelle ng kantang Ngiti kaya kumanta rin si Diana hanggang sa kaming nasa bench ay nagsikantahan na. Natatawa na lang ako dahil feel na feel na ni Kryzcelle ang kanta habang si Ishi ay nagigitara.

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling at sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil.

Napalingon ako kay Andrie ng maramdaman kong nakatingin sa akin at ng magtama ang mga mata namin ay wala pa ring pinagbago ang tibok ng puso ko. Siya lang ang nakakapagparamdam sa akin nito.

Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako.

"ONE, TWO, THREE... SMILE!" Nakangiting sambit ni Mama habang pinipicturan kaming magkakaibigan.

"Yes! Two years nalang at pagkatapos non. Magco-college na tayo!" Nakangiting sambit ni Aicelle.

Napalingon ako kay Andrie ng tapikin niya niya ako.

"Sabihin mo na. Andito lang ako sa tabi mo." Bulong niya sa akin habang ako ay napatingin sa kanila ni Aicelle na nakangiti habang nag-uusap.

"Guys," malalim akong huminga at napapikit dahil sa kaba. Nakangiti sila habang hinihintay ang susunod kong sasabihin. Hinawakan ni Andrie ang kamay ko at pinagsiklop iyon. "Aalis ako, hindi na ako mag-aaral rito."

Papayuko ako dahil nakita ko kung paano nawala ang ngiti nila. Napalitan ito ng gulat at pagtataka.

"Aalis ka?" Gulat na tanong ni Kryzcelle, tumango ako at mahigpit na napakapit sa kamay ni Andrie.

"Bakit? Saan ka pupunta?" Nangilid ang luha ni Kryzcelle habang si Diana at Aicelle ay tahimik lang at hindi umiimik.

"Doon na kami mag-aaral ni Mikay sa Maynila, hinintay na lang nila na maka-graduate kami ni Mikay sa Junior high School." Paliwanag ko habang nakayuko. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Aicelle.

"Eh, bakit nagpakita ka pa sa graduation na 'to?" Sarkastikong tanong ni Diana.

"Diana, ano ba? Aalis na nga ang tao eh." Saway ni Andrie kay Diana.

"Sana hindi na siya umattend ng graduation at dumiretso na lang sa Maynila." Sambit ulit ni Diana kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya. Kita sa mga mata niya na galit talaga siya habang si Aicelle ay tahimik lang. Napabaling ang atensiyon ko kay Kryzcelle nang umubo siya ng peke pero na titigan ko sa mata ay nangingilid na ang luha niya.

"Babalik ka pa 'di ba?" Naiiyak na sabi niya kaya bumitaw ako sa pagkakahawak ni Andrie para lapitan siya. Hinawakan ko siya sa kamay at sumagot.

"Oo naman." Nakangiting sagot ko agaran niya naman akong niyakap at umiyak. "Ano ka ba magkikita pa naman tayo." Sabi ko at inalo siya.

Binaling ko ang paningin ko kay Diana at Aicelle. Napa-iwas ng tingin si Diana habang si Aicelle ay ngumiti ng tipid.

Kumalas ako sa pagkakayakap.

"Kailan ang alis mo?" Tanong sa akin ni Aicelle.

"Pagkatapos ng Farewell Party. Hehe. Ako lang ata aalis halos lahat kayo ng mag i-stay dito hanggang sa grumaduate sa high school." Malungkot na kong sabi. Tumango si Aicelle.

Pero agad akong natigilan ng bigla akong yakapin ni Diana.

"Mami-miss kita." Nangilid luha ko nang marinig ko siyang humikbi. Hinaplos ko ang likod niya at pinatahan siya. Hindi ko na rin namalayan na lumuha na rin pala ako. Kumalas ako sa yakap.

"Tama na 'to. Hindi pa naman ako aalis ngayon din. May farewell party pa tayo eh." Mahina akong natawa habang pinupunsan ang mga luha ko. "At saka magbabakasyon rin naman ako rito."

Nag-group hug kami pagkatapos no'n at isa-isang humiwalay para hanapin ang mga pamilya namin.

"Nakakalungkot pero naiintidihan ko. Ngayon palang nami-miss na kita." Bulong na habol sa akin ni Aicelle at tumalikod na.

Pinagmasdan ko sila papalayo sa akin, kahit papaano ay nakaramdam ako ng kaginhawaan sa dibdib dahil alam kong hindi masama ang loob ng mga kaibigan ko dahil aalis na ako.

MY BOY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon