MY BOY BESTFRIEND 42

436 28 8
                                    

Naging masaya naman kami ni Andrie sa relasyon namin matapos ko siyang sagutin sa library. Hindi rin namin tinago ni Andrie ang relasyon namin sa mga magulang ko gano'n rin sa kaniya.

"Sabi ko na nga ba, Raine hija, na magiging kayo ni Andrie. In denial lang talaga ang anak ko." Nakangiting sabi ni Tita Jessy, Ina ni Andrie.

"Hehe. Torpe nga po!" Natatawang sabi ko.

"Hoy! Hindi ah. Natakot lang ako no!" Hindi siya pinansin ni Tita Jessy dahil inaya na kami ni tita sa hapag.

"Halika na kayo. May pagkain na doon sa lamesa."

Ngumiti ako sa kay Tita Jessy at agad rin kaming sumunod ni Andrie sa hapag nila.

"Ang ganda!" Nakangiting sambit ko habang nakatingin sa paligid na puno ng Christmas lights.

"Kasing ganda mo." Sabi ni Andrie at pinagsiklop ang mga kamay namin.

"Sana ol may ka-holding hands." Pagpaparinig ni Kryzcelle.

"Inggit ka lang dahil wala na si Yves." Natatawang sabi ni Aicelle sa kaniya.

Nakaramdam ako ng konting lungkot dahil hindi na namin kasama si Yves. Hindi rin naman kasi nagtagal ang pagtira nila dito. Ni hindi nga siya nakapag-paalam eh. Sana nagkita ulit kami kasi nanging kaibigan rin amin ang baliw na 'yon eh.

"Sige pasok na ako!" Paalam  ko kay Andrie nang nasa harapan na kami ng bahay ko.

Papasok na sana ako sa gate pero hinatak niya ulit ako at nagulat na lang ako ng maglapat ang mga labi namin. He kiss me softly and i close my eyes to feel his kisses.

Hindi ako makatingin ng maayos sa kaniya kaya napayuko nalang ako dahil alam kong namumula na ako.

Napaangat lang ulit ang tingin ko sa kaniya nang magsalita siya.

"Goodnight."

Halos hindi na ako mapakali ng makapasok ako sa kwarto at sinarado iyon. Hinawakan ko ang labi ko at  napangiti na parang baliw.

His lips is soft against mine. Mabilis ang pagtibok ng puso ko at napadapa na lang ako sa kama at tumili.

Hindi ako makatulog ng maayos kaya dumungaw muna ako sa bintana ng kwarto ko at tumingin sa kalagitnaan na puno ng bituin. Pumikit ako at humiling ng may dumaang shooting star.

'I wish I can be with him forever.'

MY BOY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon