Isang ngiti ang nakaguhit sa mga labi ko habang papasok sa loob ng classroom dala ang snack ni Andrie na bibili ko pero agad rin akong nagtaka ng wala na siya sa upuan niya na kanina ay busy sa pagbabasa.
"Diana, nasa'n si Andrie?" Tanong ko Kay Diana na busy sa pagsulat.
"I think nasa library." Simpleng sagot habang nagsusulat.
Tumango na lang ako at tumungo sa library. Pero imbes na dumiretso sa library ay napatigil ako ng may marinig sa dulo ng hallway papunta sa abandunadong classroom.
Pinigilan ko ang sarili ko na hindi makinig pero wala akong nagawa ng marinig ang mga boses na iyon.
"I'm sorry. I think I'm just desperate to make you mine again." Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang boses ni Ishi mas lalo akong lumapit sa lugar na 'yon kahit na sa sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Nagtago ako sa pader ng abandonadong classroom para hindi nila makita. "I'm sorry. I'm happy for you."
Biglang natahimik at tanging hikbi lang ni Ishi naririnig sa buong hallway. Naririnig ko lang sila dahil wala akong balak na tignan si Ishi na umiiyak parang ako yung nasasaktan dahil sa kaniya. Sino bang kausap niya? Napakatanga naman niya para saktan si Ishi. Narinig ko muling nagsalita si Ishi.
"Pero may tanong lang sana ako sa'yo at gusto kong marinig ang totoong sagot mo." Nanginginig ang boses ni Ishi. "Did you love me?"
Labis na kaba ang nararamdaman ko at ang snacks ni Andrie ay halos madurog ko na.
"Yes. I loved you."
Halos napaluhod ako dahil sa panghihina ng mga tuhod ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Nangilid ang mga luha ko at napaawang ang labi ko dahil sa narinig.
Paano nangyari 'to? Paano niya nasabi iyon? Hindi ko alam na may nasasaktan na pala ako pero mas lalo akong nasasaktan dahil sa dahilan na ako ang rason kung bakit nasasaktan si Ishi.
Parang dinurog ang puso dahil sa narinig. Alam niya bang nasasaktan na si Ishi? Minahal niya rin si Ishi? Pero bakit ganito? Wala akong alam.
Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit ganon na lang kagalit sa akin si Nicole. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang paghagulhol ng maramdaman kong may humawak sa balikat ko. Agad kong pinanunasan ang mga luha ko at hinarap sa taong iyon.
"Sorry." Nagulat ako ng bumungad sa akin si Nicole na nakatitig lang sa akin ng walang emosyon. "Sana sinabi ko na lang sa'yo."
Umiling ako at napaluha ulit. Hinimas ni Nicole ang likod ko.
"Sorry talaga, Raine, sana sinabi ko sayo para aware ka pero hindi pinigilan ako ni Ishi." Tumango ako at pinigilan pa rin ang pag-iyak ko. Hinila niya ako para sa lumayo sa lugara na iyon nang sumulpot si Andrie at gulat na nakatingin sa akin. Kita ko ang takot at pag-aalala sa mukha niya ganon rin si Ishi na kanina'y umiiyak ngayon ay sobrang gulat ng makita ako.
"Raine!"
Dali-dali akong naglakad para hindi niya abutan pero napatigil ako ng may humawak sa braso ko. Napalingon ako sa kaniya at halos manghina ang tuhod ko dahil sa narinig ko kanina.
"Let me explain."
Napakagat ako sa labi para maiwasan ang panginginig ng mga labi. Umiling ako at pilit na inagaw ang braso ko sa kaniya pero mahigpit ang pagkakahawak niya.
"Not now. Please."
Dahan-dahang niyang niluwagan ang pagkakahawak sa braso ko at ng tuluyan niya iyong binitawan ay tumalikod agad ako paalis sa lugar na iyon. Palayo sa kaniya.
BINABASA MO ANG
MY BOY BEST FRIEND
Novela JuvenilMaraming nagsasabi na mag-jowa kami pero para sa akin we're 'BESTFRIEND' pero para sa akin lang pala ang salitang iyon. ______________ "You're my bestfriend! You're my boy bestfriend and I can't risk our friendship for this fvcking feelings of mine!"