MY BOY BESTFRIEND 19

555 31 0
                                    


Nang matapos ang buong araw ng klase at uwian na ay sa gate ko inabangan si Andrie. Habang naghihintay ay napaisip ako. Bukas na pala ang birthday ko at tamang-tama dahil biyernes. Eh, kung mag-sleep over kaya kami nina Diana?

Napahinto ako sa pag-iisip ng matanaw ko si Andrie na naglalakad kasama sina Nicole at...

Ishi.

Kumaway ako sa kanila. Ngumiti naman agad sa'kin sina Nicole at Ishi pero alam kong pilit pero hindi naman plastic. Bakit kaya gano'n?
Si Andrie naman ay walang pinagbago ang ekspresyon ng mukha hindi ngumiti hindi rin naman masungit ang dating.

"Hindi ka talaga sasama sa'min, Andrie?" Tanong sa kaniya ni Nicole. Tumango lang si Andrie at nagsalita.

"May importante pa akong gagawin," bumaling siya sa'kin. "And that was a promise."

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa mga oras na ito. Parang nagkakarera ang puso ko dahil sa mabilis nitong pagtibok ng magtama ang mga mata namin. 

Ilang minuto rin kaming nagkatinginan nang basagin ni Ishi ang katahimikan.

"Ah, sige na, guys, una na kami ni Nicole!" Sabi niya at nauna nang naglakad agad namang sumunod si Nicole.

"Sige, Raine, Andrie! Una na kami. See you tomorrow!" Nakangiti niyang paalam ngumiti lang ako at tumango sa kaniya. Dali-dali niyang hinabol si Ishi na parang nagmamadaling maglakad.

Kaming dalawa na lang nandito ni Andrie sa gate, may kakaunti pa namang estudyante na lumalabas.

Nilingon ko si Andrie ulit na nakatingin pa rin sa akin.

"T-tara?"

Tumango lang siya at nagsimula ng maglakad kaya sumunod naman ako sa kanya.

"May gagawin ka bukas?" Tanong ko sa kaniya at baka maalala niya kung anong meron bukas.

"Oo, tatapusin ko ang activity namin ni Ishi para sa English." Bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya.

"Ahm-- alam mo ba kung anong meron bukas?" Umaasang tanong ko.

"Bakit importante ba 'yon?" Napatigil ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung ano ang iri-react pero mas lamang ang kalungkutan na nararamdaman ko ngayon. Parang hindi niya ako kaibigan parang hindi niya ako best friend.

Wala ba talaga siyang alam kung anong meron bukas? Dati kasi siya pa ang nagpapaalala sa'kin kapag malapit na ang birthday ko. Siguro hindi naman siya bingi para hindi marinig ang pinag-usapan nila Diana no'ng nakaraang araw.

"Ah-eh, hindi naman."

MY BOY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon