Humihikab ako habang papasok sa loob ng classroom at naabutan ko kaagad sina Diana at Aicelle na nag-uusap. Napatingin silang dalawa sa'kin at kumaway. Ngiti lang ang sinagot ko sa kanila at dumiretso sa upuan na nasa likuran nila.
Napasalampak agad ako sa upuan dahil sa antok. Hindi ko kasi akalain na madaling araw na pala ako nakaharap sa phone tapos sa study table ba ako nakatulog syepre sumakit ang leeg ko.
"Hoy, Raine. Parang antok ka pa ah! Nag-puyat ka ba?" Rinig kong tanong sa'kin ni Aicelle pero hindi ako tumingin sa kanila. Hindi ko mapigilang mapikit ang mata ko nang may narinig akong boses.
"Sino ba ang pinagpuyatan niyan?" Napaangat ako ng ulo at bumungad sa'king paningin si Andrie na kakarating lang at nasa likod pa ang bag habang nakapamulsa. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Share ka naman diyan, Raine. Kaibigan mo naman kami kaya ayos lang." Humalakhak ng malakas si Diana habang nakangisi naman si Aicelle. Inirapan ko lang sila.
Binalik ko sa mesa ang ulo ko at pipikit uli sana ng mag-ingay nanaman ang mga kaklase kong sina Kristine at Jef.
"All of you, listen to me." Maarteng sambit ni Kristine kaya napatingin agad kaming lahat sa kaniya. Ayan na naman siya. "Well, Jef and i have a good news to all of you." Napangisi ako. Lumapit sa kaniya si Jef at inagaw ang pwesto niya sa harap ng classroom.
"Well, guys." Ngumiti si Jef at nagsalita. "Dito ulit papasok sina Nicole at Ishi, and after one year without them babalik ulit sila!" Masayang sabi ni Jef.
Nanlaki ang mga mata ko at napangiti. Kaya pala nakita ko siya noong nakaraang araw pero hindi ko nakausap dahil kay Andrie at nagkita ulit sila kahapon pero hindi man lang nagkwento si Andrie.
Nilingon ko si Andrie pero tahimik lang siya at walang imik. Nagkibit balikat ako. Baka alam niya na.
Hindi nagtagal ay dumating na ang adviser namin at sumunod namang pumasok sina Nicole at Ishi. Halos lahat ng kaklase namin ay alam na pala na babalik sina Ishi at Nicole dahil nabalitaan agad nila ng pumunta sila rito at nagpa-enrolle.
"Okay, class. Kilala niyo naman na silang dalawa dahil naging magkaklase kayo dati no need to introduce yourself pa." Nakangiting sabi ng teacher namin. "Miss Nicole, doon ka nalang umupo sa tabi ni Paulina dahil wala naman siyang katabi." Ngumiti si Nicole. "And, Miss Ishi. Ahmm--- may nakaupo ba sa tabi mo?" Tanong ng teacher.
Wala pa si Kryzcelle? Magkatabi kasi sina Andrie at Kryzcelle ng upuan.
"Ma'am, late naman po siguro si Kryzcelle!" Sigaw ni Xyrish at humalakhak. Alam na talaga naming lahat na minsan late si Kryzcelle.
"Okay, Ishi. Doon ka nalang umupo sa tabi ni Andrie." Tumingin siya sa direksyon ko kaya napatingin ako sa likuran ko at may bakante pang upuan. "Diyan niyo pauupuin mamaya si Kryzcelle, dahil alams na kapag magkatabi sina Andrie at Kryzcelle." Ngumiti ang teacher namin. Palagi kasing magkatulad ang score nina Andrie at Kryzcelle kaya maliwanag na, alam niyo na haha.
Pagkasabi no'n ng teacher namin ay pumasok agad si Kryzcelle at dali-daling pumasok.
"Good morning, Ma'am. Sorry I'm late hehe" napakunot siya ng nuo ng makita niya si Ishi na nasa upuan niya.
"Doon ka daw umupo sabi ni Ma'am!" Sabi ko sa kaniya at tinuro ang upuan na nasa likod ko napasimagot naman siya dahil do'n. At nagsimula agad si Ma'am ng lesson hindi naman nahirapan sina Ishi at Nicole dahil nakakasabay naman sila dahil nag-aral din sila ng ilang buwan sa nilipatan nilang school.
BINABASA MO ANG
MY BOY BEST FRIEND
Teen FictionMaraming nagsasabi na mag-jowa kami pero para sa akin we're 'BESTFRIEND' pero para sa akin lang pala ang salitang iyon. ______________ "You're my bestfriend! You're my boy bestfriend and I can't risk our friendship for this fvcking feelings of mine!"