MY BOY BESTFRIEND 21

552 32 1
                                    


"Happy birthday!" Bulong sa'kin ni Aicelle habang papasok kami sa loob ng classroom.

"Thank you!" Nakangiting sambit ko. Pagkapasok namin sa classroom ay bumungad sa'kin ang mga kaklase kong may sariling mga mundo. Ang iba ay napatingin pa sa amin ni Aicelle ng makapasok kami habang ang iba ay nakangisi sa akin na para bang may alam kung anong meron ngayon.

Umupo agad ako ng makarating ako sa table ko. Iginala ko agad ang paningin ko para hanapin ang nag-iisang taong palaging may surprise kapag magbi-birthday ako, pero bumagsak ang balikat ko ng hindi ko siya nakita.

"Happy birthday, best friend!" Bungad sa'kin ni Diana na bagong dating dahilan para bumaling sa'kin ang mga kaklase naming may mga sariling mundo kanina.

"Raine, bakit hindi mo sinabi sa amin?" Reklamo ni Jef.

"Ah sorry. Hehe!" Ngumiti ako. "Babawi ako. May kunting salo-salo sa bahay namin mamaya. Punta na lang kayo. Sorry talaga!" Nag-peace sign ako.

Agad namang naghiyawan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ko. Kahit kailan talaga.

Agad namang nag-ring ang bell at pumasok ang adviser pero nagtaka ako dahil wala pa rin si Andrie. Nakita ko si Nicole na nakikinig sa teacher namin na nag-uumpisa nang magturo ng lesson pero wala si Ishi. Posible kayang tinapos na nila Andrie ang activity nila Ishi sa English? Pero sa susunod na week pa 'yon ah?

Napatungo ako sa kinauupuan ko at hindi mapigilang mapaisip. Bakit parang nasasaktan ako sa maliit na bagay na 'yon? Okay lang naman 'yon 'di ba, Raine? Siguro kailangan nilang tapusin ang activity nila sa madaling panahon. Pero bakit? Bakit ganito?

Bumuntong hininga ako at ibinaling na lang ang atensiyon sa lesson na tinuturo ngayon ng teacher namin.

Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin si Andrie. Ngunit napawi iyon ng biglang may pumasok sa loob ng classroom na hapong-hapo pero laking dismaya ko ng si Kryzcelle iyon na late na naman.

Akala ko siya na.

MY BOY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon