MY BOY BESTFRIEND 20

561 29 0
                                    


Nagkulong lang ako sa kwarto ko ng buong gabi kahit hapunan ay wala akong ganang kainin. Bakit parang iba na ang turin niya sa'kin? Parang hindi na  kaibigan ang tingin niya sa'kin. Kapag kinakausap niya ako parang hindi niya ako kilala.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang phone ko sa side table ng kama. Nag-type ako ng message para kay Andrie pero puro bura lang ang ginawa ko at kapag isisend ko na nawawalan ako ng lakas dahil pakiramdam ko wala akong karapatan magtanong dahil may nagawa rin akong mali.

"Bakit kase pinagtawanan ko ang sinabi niya sa'kin?" Bulong ko sa sarili.

Magta-type pa sana ako ng message nang biglang nag-ring ang phone ko.

~Ivan is calling...~

Nanginginig ang mga kamay ko sa pagsagot ng tawag habang hindi ko mapigilan ang pag-porma ng ngiti sa'king mga labi.

"Hello?" Sagot ko. "Kuya Ivan, bakit napatawag ka?"

Ilang segundo ang lumipas pero wala pa ring sumasagot sa kabilang linya kaya tiningnan ko ulit ang screen ng phone ko para tingnan kung namatay na ang kabilang linya pero hindi pa rin.

"Ahm, kuya, nandiyan ka PA ba?" Ulit ko.

"Oo, nandito pa ako!" Halos magwala ako dahil sa kilig nang magsalita siya. "Gusto ko sanang batiin ka." Kumunot ang noo ko.

"Ha? Bakit? Anong meron?" Natatawang tanong ko.

"Advance happy birthday!" Mas lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Pero agad ring nawala ng mamatay ang kabilang linya.

"Bakit pinatay niya?" Nagtatakang tanong ko sa sarili. Nakangiti ako sa habang nakatitig sa screen ng phone ko. "Paano niya kaya nalaman?"

Pumikit ako habang hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ko. Hindi ko akalain na may special na taong babati sa'kin kahit hindi ko alam kung paano niya nalaman na magbi-birthday na ako.

Pero hindi ko magawang maging masaya ng lubusan dahil may kulang. Ang taong mas higit akong kilala ay parang walang alam na birthday ko na bukas. Nakalimutan niya. Nakalimutan ni

Andrie.

MY BOY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon