"ARAAAAYYY!" Napahinto ako sa pagtakbo ng marinig ko ang sigaw ni Raine. Nag-aalala akong lumapit sa kaniya ng makita siyang nakadapa sa semento. Tinulungan ko siyang tumayo. "Aray ko!" Reklamo niya.Nakita ko ang tuhod niyang may dugo. Humanap ko ng pwedeng maupuan at nang makakita ako ay agad ko siyang pinaupo at tinignan ang tuhod niyang may sugat.
Medyo malaki ang pagkakahiwa dahil mukhang sa matalim na bato ito tumama."Lagyan natin ng alcohol." Sabi ko at kukunin na sana ang alcohol sa bag ko ng pigilan niya ako.
"'Wag! Ang hapdi kaya. Mamaya na, sa bahay ko na lang lalagyan." Nakasimangot na na sabi niya. Iritado akong tumingin sa kaniya."Bilhan mo na lang ako ng band aid."
Kahit na sobrang inis ay bumili na lang ako ng band aid para sa sugat niya. Nakakainis. Mabuti kung galos lang pero hiwa na 'yon eh.
Nang makabalik ako galing sa pagbili ay ako na ang naglagay ng band aid sa tuhod niya.
"Aray. Dahan-dahan lang." Reklamo niya.
"Sige short pa."
"Hoy! Kung hindi ka sana nagpapahabol hindi ako madadapa."
"Eh kung hindi ka nag-short hindi masusugatan kaagad ng ganyan ang tuhod mo." Sabi ko at medyo diniinan ang band aid dahilan para pasigaw siya sa sakit.
"Aray!" Sigaw niya at parang iiyak na. "Grabe ka ha!"
"Tara na!" Sabi ko at maglalakad na sana ulit pero napansin ko ang paglalakad niya.
"Yehey! Piggyback!" Sabi niya at pumalakpak pa ng umi-squat ako. Napairap ako ng agad siyang sumakay sa likod ko.
Nasa gilid kami ng daan habang siya ay nasa likod ko at tahimik nang bigla siyang magsalita.
"Suwerte naman ng magiging girlfriend mo, babe." Sabi niya at tumahimik ulit.
"Syempre naman. Isa lang naman ang gusto kong maging girlfriend eh."-ako.
"Sino?" Curious na tanong niya.
"Bakit gusto mo?" Natatawang tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot.
Isa lang naman ang mahal ko eh. At ikaw 'yon.
BINABASA MO ANG
MY BOY BEST FRIEND
Teen FictionMaraming nagsasabi na mag-jowa kami pero para sa akin we're 'BESTFRIEND' pero para sa akin lang pala ang salitang iyon. ______________ "You're my bestfriend! You're my boy bestfriend and I can't risk our friendship for this fvcking feelings of mine!"