MY BOY BESTFRIEND 16

559 32 1
                                    


"Tandaan mo, kung hindi mo 'ko makita hintayin mo lang ako. Babalik at babalik pa rin ako sa'yo."

Paulit-ulit ko 'yong inaalala sa bawat oras na dumadaan. Kanina pa umalis sila ni Diana kahit na parang wala silang balak na iwan ako.

Tiningnan ko ang relo ko at halos mawalan ako ng pag-asa ng makita kung anong oras na.

9:30 PM na pero wala pa rin siya. Mapait akong ngumiti. Kanina pa akong naghihintay Kay Andrie dito sa waiting shed ng school pero wala pa rin siya.

Napatingin ako sa langit, maraming bituin ngayong gabi at malakas ang sinag ng buwan.

Tumayo ako sa pagkakaupo at nagsimula nang maglakad. Baka ano pang mangyari sa akin kapag naghintay pa ako hanggang alas diyes.

Ang ibang tindahan ay nagsisimula ng magligpit. Pero nanatili pa ring nakabukas ang ibang mall.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang mapansin kong hindi na nakatali ang sapatos ko. Yumuko ako napaluhod para taliin ulit iyon.

Matapos ko iyong matali ay nagsimula ulit akong maglakad,pero bumungad sa akin ang isang hindi pamilyar na lalaki na ka-edad ko lang, pansin ko rin ang uniform nito na kapareho ng sa akin pero para sa mga lalaki. Kumunot ang noo dahil nakangiti ito  sa'kin.

"Ahm, hi?" Sambit niya. Tinaas ko ang isa kong kilay. "I'm Yves your friendly neighborhood." Inilahad nito ang kamay niya pero tinignan ko lang iyon. Napakamot ito ng ulo ng hindi ko tinanggap ang mga kamay niya. "Siguro hindi mo pa 'ko kilala pero kami 'yong bagong kapit-bahay niyo."

Tiningnan ko lang siya at nagsalita."Sorry, i don't talk to strangers." Seryusong sabi ko dahil baka scam lang 'yon at nakawan pa ako.

Pero hindi naman ito mukhang snatcher o adik dahil sa maamong mukha nito. Pero kahit na wala pa rin akong tiwala.

Nilagpasan ko siya at nagpatuloy na sa paglalakad baka rapist pala mamaya 'to.

Hindi ko na ito hinarap pa at nagpatuloy na sa paglalakad, kahit na gabi na marami pa ring namamasyal. Ang iba ay kasama ang mga pamilya nila, may mga mag-jowang nagho-holding hands habang naglalakad.

Pero hanggang sa makarating ako sa bahay ay sunod pa rin ng sunod ang lalaking magpakilala kanina sa'kin, mabuti na lang ay nasa harap na ako ng bahay kaya dali-dali akong pumasok at napabuntong hininga. Akala ko last night ko na lang 'to.


MY BOY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon