Nakasimangot ako habang naglalakad palabas ng gate dahil uwian na. Lutang lang ako dahil sa kakaisip kung nasaan na ba ang unggoy na iyon. Pagkatapos kong malaman na kasama niya si Ishi hindi na siya pumasok hanggang makabalik sila ni Diana galing sa library wala pa rin siya.
Bumalik lang ako sa kasalukuyang pag-iisip ng inaya ako nina Jef kasama sina Jareen, Francine at Kristine na kumain sa labas pero dahil wala akong gana hindi nalang ako sumama.
Natagpuan ko nalang ang sarili ko na mag-isang namamasyal sa tabing dagat at dahil hapon na maraming tao siguro para panoorin ang paglubog ng araw.
Dahil mag-isa lang ako napag-isipan kong bumili na lang ng bananacue sa tabing dagat. Marami ring namimiling estudyante, may mga street foods, mga inihaw at iba pa.
Lumapit ako sa tindahan ng bananacue at bumili.
"Manung, limang stick nga ng bananacue iyong sobrang tamis para hindi ko ma-feel ang pagiging lonely" sabi ko sa manung na nagtitinda.
"Aba, iha. Mukhang broken hearted ka ha. Nag-away ba kayo ng nobyo mo?" tanong ng manung pero natawa lang ako.
"Sana all may nobyo. Eh, manliligaw nga wala, nobyo pa ba" sabi ko, inabot naman sa'kin ng manung ang cellophane na may lamang bananacue.
"Magkanu po ba 'to, manung?" Tanong ko.
"50 pesos lang, iha" binuksan ko ang wallet na hawak ko at sa dahil may hawak akong cellophane nahulog ang kinse pesos na puro barya kaya napapikit ako dahil sa inis.
Yumuko ako at pinagpupulot ang mga nahulog na barya ng may mga kamay na kumuha nun. Sa akalang magnanakaw ang tumulong sa'kin ay tinampal ko ang kamay niya at nagsalita.
"Hoy, kuya kung balak mong nakawin ang mga baryang nahulooooooggg--- ay sorry, kuya Ivan! Akala ko kasi magnanakaw hehe" bumilis ang tibok ng puso ko dahil nasa harap ko ang nag-iisa kong crush.Nag-peace sign ako at pilit na ngumiti.
"Grabe ka naman. Magnanakaw agad?" Tumawa siya at pinulot ang iba pang barya agad din naman akong yumuko at tinulungan siya.
"Salamat, kuya. Sorry din napagkamalan pa kitang magnanakaw." Sabi ko at inabot kay manung ang bayad ko. "Heto ,manung, bayad ko."
Ngumiti sa'kin ang manung at tumango.
"Limang stick din, po, ng bananacue ang akin manung." Nakangiting sabi ni Ivan at tumingin sa'kin. "Ikaw lang mag-isa?"
Tumango ako habang siya ay inabot ang bayad sa Manung tindero.
"Ikaw? Mag-isa ka lang din?"
Tumango siya at nagsalita. "Gusto mong sumama?"
"Saan?" Tanong ko pero ang mga kamay ko ay nanginginig na sa sobrang kilig, pati labi ko hindi na mawala ang ngiti.
"Diyan lang sa tabing dagat."
BINABASA MO ANG
MY BOY BEST FRIEND
Teen FictionMaraming nagsasabi na mag-jowa kami pero para sa akin we're 'BESTFRIEND' pero para sa akin lang pala ang salitang iyon. ______________ "You're my bestfriend! You're my boy bestfriend and I can't risk our friendship for this fvcking feelings of mine!"