PROLOGUE

3K 59 11
                                    

"SIGE NA, BABE!! YUHOOO!!" sigaw ng dalaga sa kaniyang nobyo. Habang hinihingal ang kaniyang nobyo sa kakahabol sa kaniya.

"RAINE, TUMIGIL KANA NGA! HINDI NA TAYO BATA!" Sigaw naman ng nobyo niya.

"BLEEEEHHH!" Natatawang tumakbo si Raine ng bigla na namang tumakbo si Andrie. Hanggang sa maabutan siya nito.

Agad siya nitong niyakap at napatili siya ng buhatin siya nito na parang sako.

"Hoy! Ibaba mo 'ko! Isa, Andrie! Dali na--ayyy!" Pinagsasapak niya ito sa mula sa likod hanggang ibaba siya nito."Nakakainis ka! Sabi ko habulin hindi buhatin. Ughh!!"

Tumawa lang si Andrie at napaupo sa buhangin sumunod naman siya at sabay nilang pinanuod ang pagbaba ng araw.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya, Raine. Sana palagi nalang tayong ganito."

Nginitian siya ni Raine at nagsalita.

"Ako rin. Sana palaging ganito."

Inakbayan siya ng binata at niyakap. Napapikit siya ng ginawaran siya nito ng halik sa nuo.

"You're the best boyfriend ever. My best boy bestfriend."

MY BOY BEST FRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon