PROLOGUE

181 78 17
                                    

Prologue

"Ellie! Si Rose inaaway na naman doon sa labas!"

Napatingin ako ng tawagin ako at sabihin iyon ng kaklase kong babae na nasa may labas ng pinto. Agad-agad naman tumayo sa aking upuan at tumakbo palabas para puntahan si Rose.

"Bobo mo! Ang bobo mo! BOBO!"

Naabutan ko si Rose na sinisigawan at tinutukso ng lalaki namin na kaklase yung mayabang na laging nang-aaway sa mga babae dito. Si Alfred Vincent. 'Yon ang pangalan niya mahilig yata sa Ghost Fighter ang mga magulang niya. Bakla yata 'to puro babae lang ang kaya.

Umiiyak naman si Rose at tumakbo sa may likuran ko nang makita ako para magtago. Bigla ding dumating si Ate Iza at Jeca saka niyakap at pinatahan si Rose.

"HOY! Anong ginagawa? Gusto mong masaktan?!!" sigaw ko kay Alfred saka inambaan ko siya ng suntok.

Bahagya siyang lumayo sa akin.

"Oh bakit? Pinagtatanggol mo na naman yang bobo mong pinsan!" mayabang niyang sinabi.

Tinutulak-tulak ko siya kaya lalo siyang napapaatras. Matangkad siya sa akin pero hindi ko siya aatrasan lalo na't inaway niya ang pinsan ko ang ayoko sa lahat ay may nang-aaway sa kanila, lalo na kay Rose.

"Anong sabi mo? Sinong bobo? Ha?!"

"Ano?!"

Hinawi niya ang kamay ko pero muntik na siyang matumba dahil pinatid ko siya. Namula ang kanyang mukha kaya naman natawa ang iba kong kaklase na nanunuod sa amin. Ang yabang pero lampa naman.

"Yabang mo! Tss!"

Tumalikod siya sa amin saka pumasok na ng classroom namin. Tumawa lang ako.

Dumating naman ang dalawa ko pang pinsan na lalaki kaklase din namin at nalaman ang nangyari nagalit ang mga ito at susugurin sana si Alfred binatukan at pinigilan lang ni ate Iza kaya naman hindi na natuloy.

Elementary pa lang kami pero ang mga bata dito ay grabe kung makapang-bully. Kapag hindi ka lumaban kawawa ka. Kumpara sa amin na kaya ang mga sarili si Rose ay tahimik, mahiyain at mahina ang loob kaya laging target ng mga gano'n pero lagi naming siyang pinagta-tanggol kaya naman napapaaway kami minsan kahit sa mga babae pa. Hindi ako iyakin, sinasabayan ko ang mga pang-aasar ng mga kaklase ko kaya hindi nila ako nabu-bully.

Ako, si Rose, si Jeca at ate Iza kaming apat na babae ang sobrang close sa aming mga magpi-pinsan kaya naman hindi kami naghihiwalay kung nasaan ang isa nandoon ang lahat.

Pagpasok namin sa classroom, mga nakatayo at maingay ang mga kakklase ko, parang nakalimutan na din ang nangyari sa labas kanina maayos na ang lagay ni Rose, hindi na din siya umiiyak, naupo kaming magkakatabi sakto naman na dumating ang teacher namin kaya nagsi-upuan at tumahimik ang lahat.

"Lahat kayo tumayo aayusin natin ang upuan ninyo, pagtatabihin ko ang lalaki at babae." sinabi ng Teacher namin.

Nagkatinginan naman kaming apat saka tumayo na din ganoon din ang mga kaklase ko lahat ay pumunta sa space sa likod at tumayo doon hinihintay na matawag ang pangalan. Ayoko sanang magkakahiwalay kami kahit sa upuan pero wala naman akong magagawa sa bagay na 'yan.

Isa-isa ng tinawag ang mga pangalan ng kaklase ko. Ang upuan namin ay kahoy na desk kaya dalawa sa isang upuan. Apat na row din ang aming mga upuan at may anim na column. Natawag sa unang row si Ate Iza sa pangalawang row si Rose na nasa unahan at si Jeca na nasa hulihan katabi ang isa kong pinsan na lalaki si Jerb naman. Si Ed naman na isa ko pang pinsan ay nasa pangatlong row. Ako ay hindi pa rin natawag sa pangatlong row kaya naman sigurado akong sa pang apat ako.

SHATTERED DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon