CHAPTER 7

97 81 14
                                    

Chapter 7

Naging close kami ng mga kaibigan ni Paulo kasama si Jenna at Cindy. Mababait naman silang lahat at palabiro din kaya naman nagkasundo-sundo kami at least naka close ko sila sa high school ito siguro ang hindi ko makakalimutan ang nabuo na friendship sa amin.

Dalawang linggo bago matapos ang taon at bago ang graduation namin ng high school. Sabado walang pasok ay nakatanggap ako ng tawag kay ate Iza. Pinapapunta niya ako sa may puno ng sampalok may kailangan daw kaming makita. Naririnig ko tinatawag ako ni Jeca na nasa labas na siya ng bahay namin. Magsasabay kami para pumunta sa sinabi ni ate Iza.

"Ano naman kaya yung dapat nating makita?" tanong ni Jeca.

"Ewan ko ba dun kay ate Iza parang aligaga" sagot ko na lang.

"Oo nga eh may nangyari kaya?" bakas sa boses niya ang pagaalala.

"Wala naman sana" sabi ko.

Naglakad na lang kaming dalawa papunta sa bukid kung saan nakatayo ang puno ng sampalok.

Medyo malapit na kami ay kita namin na may mga tao doon. Anong meron?

Nakita kami ni ate Iza.

"Ellie, Jeca!!!" patakbo siyang lumapit sa amin. "Yung sampalok puputulin na daw" aniya.

Nagkatinginan naman kami ni Jeca. Nalungkot ako sa aking narinig. Masarap pa naman ang sampalok doon saka tambayan namin 'tong apat.

Naglakad kami palapit at naguumpisa na nga silang putulin ang malaking puno ng sampalok.

Lumapit sa amin si Rose. "Sayang naman!" panghihinayang niyang sinabi.

"Oo nga. Masarap pa naman yung bunga niyan" sabi ko.

"Saka tambayan natin yang at diyan tayo nagusap-usap tungkol sa pangarap natin" ani Jeca.

"Pinapaputol na daw kase 'yan." Narinig kong nagbuntong hininga na lang si ate Iza.

"Tutuparin pa rin natin mga pangarap natin" sinabi ni Rose.

"Ga-graduate na nga kayo ni Ellie, ate Iza" masayang sinabi ni Jeca.

"Oo nga kasama ka sana dun huminto ka pa kase" sabi ni ate Iza.

"Ayos lang 'yon. Hanap tayo ng trabaho pwede naman" sabi ni Jeca.

"Oo sige. Mangyayari pa rin naman mga gusto natin kung gugustuhin talaga natin" sagot ko naman.

At nung araw na iyon pinanuod lang namin ang pagputom sa puno ng sampalok saka kumuha kami ng mga bunga nun at kinain na lang sa bahay nila ate Iza habang nagkuwentuhan kami ng kung ano-ano. Masaya ako basta kasama ko sila.

Dumating ang araw ng graduation namin. Masaya ako kahit wala akong awards hindi kase umabot ang grades ko pero ayos lang mataas pa din naman kahit paano.

Ang pakiramdam na tinatawag ang pangalan mo para umakyat ng stage kasama si Mama ay talagang masaya. Isa din ito sa hindi ko malilimutan na tagpo sa aking buhay kahit wala si Papa at si Mama lang ay nakaya niyang pag tapusin ako sa pagaaral. Sadyang nakaka proud ang bagay na 'yon.

Nagpicture kami nila Mama at ni Esie. Nakikita kong masaya si Mama bakas sa mukha niya kaya naman masaya na rin ako. Pagkatapos ay kami ni ate Iza. Nauna na sila Mama at si Esie hinayaan kaming makasalamuha ang mga kaklase namin.

Nakita ko si Paulo palapit sa kung nasaan ako. Naka toga pa kaming lahat.

"Congrats crush!" natawang bati niya. Ang gwapo niya ngayon nakaayos ang kanyang buhok mas lalong naging malinis siyang tingnan. Sarap sa mata.

SHATTERED DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon