CHAPTER 1

123 83 15
                                    

Chapter 1

"Nakita niyo na ba ang pangalan niyo?" tanong ko sa kanila.

"Wala pa nga eh, Hoy! huwag nga kayong manulak" inis na sambit ni Jeca.

"Ano na? Ano kayang section natin?" inip na tanong ni ate Iza.

Si Rose ay nasa may railings nakasandal habang hinihintay lang kami. Ang daming estudyante ang nandito para malaman ang section nila.

First day namin sa high school, nasa pinakamalapit at kilala na public school dito sa lugar namin sa bulacan ang napili namin dahil hindi naman mayayaman ang pamilya namin. Kasama ulit namin ang dalawang pinsan namin na lalaki na si Jerb at Ed na matanda lang ng isang taon sa akin kasing edad nila si Ate Iza at Jeca. Kami kase ni Rose ay magkasing edad, dito din nag-aaral ang ibang pinsan namin na nasa higher year.

Nasa first year building kami, bago ang building na ito, amoy pa ang pintura at nasa may pader ang bulletin board kung saan nakalagay ang mga sections at names ng mga students. Ang building ay dalawang palapag at apat na classroon dalawa sa itaas A and B section at dalawa sa ibaba, C and D section. Sana lang ay sama-sama kami sa iisang section mas okay ang ganoon, mas magaan.

"Heto na, Heto na nakita ko na!" sigaw ni Jerb na nasa harap na pala ng ng board sa may likod niya ay si Ed malaki ang katawan nito kaya siguro nadaan sa ganoon at nakarating sila sa may harapan.

"Oh ano? Magkakasama ba tayo?" tanong ni ate Iza.

Umiling si Jerb. "Hindi! Si Ellie sa section B, si Jeca at Iza kasama ko kayo sa section C at si Ed saka si Rose naman sa section D sila" aniya.

Natahimik kaming apat sa aming marinig. Mag-isa ako sa section B sa itaas sila naman ay dito sa ibaba kahit gusto ko silang kasama ay hindi pwede dahil wala naman akong magagawa. Nakita kong malungkot din sila lalo na si Rose dahil nakahiwalay siya pero kasama naman niya si Ed. Yun nga lang pala-away kase si Ed.

Ang ibang estudyante ay pumasok na sa mga classroom nila may iba na umaakyat na din.

"Sama-sama na lang tayong mag lunch at recess pwede naman 'yon" sinabi ni ate Iza.

"Oo nga Rose pupuntahan ka namin sa room mo" ani Jeca.

Nagaalangan man ay tumango an din si Rose.

"Ako ng bahala kay Rose" si Ed. Inakbayan pa niya si Rose.

"Hintayin ka namin dito Ely para sabay-sabay tayo" ani ate Iza.

"Oo sige" tumango pa ako sa kanila.

"Maghiwa-hiwalay naman daw kase kayong apat" sinabi ni Jerb, tumatawa at nakipag high five pa kay Ed.

Umiling na lang si ate Iza sa kanila.

Hindi nagtagal ay tumunog na ang bell. Hinatid muna namin si Rose sa classroom niya hanggang sa makaupo siya sa tabi ni Ed nag thumbs-up pa si Ed sa amin. Tumango naman ako sa kanila saka nagpaalam na din kila ate Iza, Jeca at Jerb saka umakyat na ako para pumunta sa classroom ko.

Naging maayos naman ang pagaaral ko may nakilala na din ako sa mga kaklase ko pero simula ng naging mag-isa ako ay naging tahimik na ako hindi ko kakausapin ang mga kaklase ko kung hindi nila ako kakausapin. Nagkakasabay din kaming apat na mag lunch at recess nagkukuwento din sila na may nakilala na din sila pero napapansin kong tahimik si Rose. Hindi siya nagkukwento sa amin puro tango at iling lang ang sinasagot niya. Napansin din iyon ni ate Iza kaya naman isang araw kinausap namin si Ed kung anong nangyayari sa classroom nila.

Nakita namin si Ed sa may likod ng building kung saan may mga puno ng kamote malapit sa pader. Napangiwi ako ng makita ko ang ayos niya. Nakasando lang siya ang polo niya ay nakasabit sa balikat niya, mukha siyang sang-gano, may mga kasama din siyang mga lalaki na puro gusot ang uniform, ang iba naman ay hindi nakabutones ang polo at kita ang sando nila. Nakipag-away siya kaya ganoon at ngayon na dumating kami unti-unti ng umaalis ang mga lalaki doon.

SHATTERED DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon