CHAPTER 4

94 81 13
                                    

Chapter 4

Isang linggo pagkatapos ng pag-uusap namin ni Jeca ay pumasok pa din siya pero nagkaka problema na talaga sa kanila kaya naman napagpasyahan niya ng huminto sa pagaaral. Hindi na din umuwi pa ang kanyang papa kaya pinagtutulungna nilang lahat ang mga gastos sa bahay nila.

"Nakakainis naman ang mga nangyayari!" inis na sinabi ni ate Iza.

Nandito kami sa may ilalim ng puno ng sampalok ulit kaming apat. Malulungkot ang mga hitsura at pinaguusapan ang mga nangyari.

"Kaya nga" napabuntong hininga na lang si Jeca.

"Hihinto ka na talaga ate Jeca?" tanong sa kanya si Rose kumakain siya ng chippy.

Tumango lang ito sa kanya.

"Sayang naman ga-graduate ka kayo" dagdag pa niya.

"Oo nga pero wala naman akong magagawa" Jeca answered.

"Share ka namin sa pagkain, baon at pamasahe konti na lang eh" si ate Iza.

"Oo nga pwede naman 'yon" pag sang-ayon ko pa.

"Hindi na ate Iza, mahihirapan lang kayo saka itong si Ellie hirap din yan pareho na kaming walang papa" sinabi ni Jeca.

"Ayos lang kaya naman" pilit ko pa sa kanya.

"Hindi na. Magtatrabaho na ako o tutulungan ko si Mama sa pagtitinda" aniya.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Edi wala na talaga tayong magagawa?" tanong ni ate Iza.

"Wala na, nangyari na ang mga bagay" malungkot na sagot ni Jeca.

Nakakalungkot isipin na nararanasan namin ang mga ganitong bagay isa lang naman ang gusto namin ang makapagtapos at mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya namin.

Tuluyan na nga na nag drop out si Jeca at tumulong na lang sa mama niya na magtinda kami naman ni ats Iza ay nagpatuloy sa high school. Kailangan kong makatapos kahit walang kasiguraduhan na makakapag aral akong college dahil alam kong hirap na din si mama sa pagta-trabaho.

Valentines, ang mga lalaki sa school ay may dalang mga letters at flowers ibibigay siguro sa mga crush or girlfriend nila. High school pa lang gagastos sila ng ganyan. Nakikita namin ang lahat habang naglalakad kami sa pathway ng school papasok sa classroom namin.

Maingay sa classroom namin pagka pasok ko may dalang gitara ang iba kong kaklase na lalaki kumakanta sila tuwang-tuwa naman ang iba kong kaklase na babae. Naupo ako sa aking upuan sa may likod na bahagi katabi si Cindy, nakilala ko siya nung 2nd week namin sa fourth year, mabait siya, simple, morena at higit sa lahat matalino siya kaya naman nakasundo ko siya kaagad.

Nagsimula ang pang umaga namin mga subjects naging maayos naman ang lahat. Quiz at seat work nakasagot naman ako dahil nag aral ako kaya walang problema. Nang pang hapon na klase ay wala kaming teacher.

Kaya naman nagsimula na naman kumanta ang mga kaklase ko kanina nakapaikot sila ng upo, ang iba ay nakatuntong sa upuan at nakaupo sa may desk. Kanina ang kinakanta nila ang kanta ng FM Static na tonight, ngayon naman ay ang mga kanta ng Parokya ni Edgar.

Aaminin kong magaling silang tumugtog at maganda ang boses nila. Si Paulo at Renz ang kumakanta, si Sean at Dave yung nag gigitara, beatbox naman si Charlie. Kilala ko sila dahil maraming nagkakagusto sa kanila. Ang ibang barkada nila na lalaki ay sumasabay lang sa kanta nila. Nakikisabay din ang mga kaklase ko na kumanta sa kanila babae at lalaki. Kinakanta na nila ngayon yung Alumni homecoming at isinunod naman yung halaga. Okay magaling sila.

Nakakapagtaka walang pumapasok na teacher kahit mga kaklase nila ate Iza nakikita ko sa may side. Wala siguro talagang klase.

Nakinig na lang ako sa pagkanta nila. Pumangalumbaba na lang ako sa desk ko. Nang matapos nilang kantahin yung halaga, huminto sila sandali at parang naguusap-usap saka nag strum ng gitara si Sean sa pamilyar na tugtog sumabay si Dave sa kanya. Kumanta naman si Renz siya ang nauna.

SHATTERED DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon