CHAPTER 11

46 29 10
                                    

Chapter 11

Simula no'n ay hindi na ulit kami minessage ni Papa. Mas mabuti na rin 'yon ayoko ng madagdagan ang stress ng kapatid ko.

Nang mag linggo ay nasa bahay lang ako gumagawa ng mga designs para sa classroom ng mga preschool. Ito ang maganda sa trabaho ko nahahasa ang pagiging creative ko. Mahilig akong mag design at mag drawing kaya naman nag-eenjoy talaga ako, bukod sa cute ang mga bata at sadyang nakakatuwa sila. Umalis si Esie nagpunta sa kapitbahay namin na kaibigan niya.

Abala ako sa aking mga ginagawa ng magtext ng sunod-sunod ni Paulo.

"Nasaan ka?"

"Nasa inyo ka ba?"

"Sa bahay niyo lang ikaw ngayon?"

Ang weird ng mga tanong niya. Pero nireplyan ko pa rin siya at sinabi na nasa amin lang ako maghapon at may ginagawa ako. Hindi na naman siya nagreply pag katapos. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang aking ginagawa.

Natapos ko din ang lahat ng aking mga ginagawa at napansin na medyo madilim na sa labas. Inaayos ko ang aking mga gamit na makatanggap ng text ulit kay Paulo. Bored yata ang isang 'to kaya panay ang text.

Paulo:

"Nasa labas ako ng bahay niyo."

What?! Seryoso ba 'to? Medyo kinabahan pa ako. Wala naman kasing nagpupunta sa amin na iba. At saka ang alam ko nasa probinsiya siya, siguro nagbibiro lang siya. Inayos ko na ang mga gamit ko saka lumabas na ako ng kwarto ko. Saktong paglabas ko ay pagtext ulit ni Paulo.

"Uyy, seryoso nandito ako sa labas niyo."

Seryoso talaga siya na nandito siya. Paano niya nalaman ng sa amin. Ano naman ginagawa nun dito. Naisipan ko na rin tingnan kung totoo nga. Lalabas na sana ako ng bahay ng biglang pumasok si Esie kakauwi niya lang sumulyap pa siya sa labas nakisilip naman ako mula sa puwesto ko pero hindi ko makita. Tumingin naman sa akin si Esie.

"Ate, may lalaki sa labas. Kilala mo daw siya" aniya na may mapanghusga na tingin.

"Paulo daw" dagdag pa niya.

Bakit naman kaya nandito siya? Kaya naman pala ganoon mga text niya.

"Sige puntahan ko lang" sabi ko na lang saka nilagpasan na siya.

"Sana all" bulong pa niya pero rinig ko naman. Napatingin naman ako sa kanya.

"Sabi ng kapit-bahay ate.." natawa niyang sinabi.

"Classmate ko lang yun dati" sabi ko para manahimik na siya.

"Okay.. wala naman akong sinabi.." aniya saka tumalikod na at pumasok sa kanyang kwarto.

Napailing na lang ako. Natuwa naman ako na kahit paano ay nagiging okay na si Esie.

Lumabas ako. Naglakad pa ako ng konti saka ko nakita si Paulo. Napabuntong hininga na lang ako. Nandito nga siya nakapatong yung isang niyang paa sa may kahoy na bakod namin. Naka plain black shirt siya at pants saka sapatos. Magulo ng bahagya ang kanyang itim na buhok. Tinitingnan niya ang kanyang phone. Nakaparada sa may harap niya yung motor niya.

Nang mag-angat siya ng tingin at nakita niya ako ay ngumiti siya. Parang ang tagal kong hindi siya nakita. Gumwapo siya lalo. Ibinulsa niya ang kanya phone saka may kinuha siya na nakasabit sa kanyang motor paper bag iyon at naglakad palapit sa akin. Naka white shirt na may malaking print ako saka maong na shorts lang.

"Hi!" bati niya sa akin. Saka abot ng paper bag sa akin.

"Ano 'to?" Tinanggap ko iyon. "Akala ko ba nasa mindoro ka?" tanong ko.

SHATTERED DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon