Chapter 20
Dalawang linggo ang lumipas simula nung issue na nangyari. Hindi na rin umuuwi si Nathan dito sa bahay at hindi ko na siya nakikita, lumipat na rin ako sa kwarto ko. Pinabayaan na rin ako ni Papa, pumapasok akong mag-isa, nagco-commute ako kung hindi available ang driver ni Papa.
Mabuti.
Wala akong pakialam sa kanila. Hindi na yata mawawala ang galit ko at kapag naiisip ko, mas lalo akong nagagalit.
Hapon, nasa cafeteria ako ng school. Vacant ko ng one hour, at naisipan ko na lang na kumain. May iba na rin akong nakilala sa mga kaklase ko, pero hindi naman kami nagkakasama dahil may kasama na rin naman sila. So, ang labas mag-isa pa rin ako. Nasasanay na rin siguro akong mag-isa, minsan wala ka naman aasahan kundi ang sarili mo lang.
Bumili ako ng maraming fries, ham and cheese burger nila and iced tea. Natakam ako sa kanila, kaya ikinain ko na lang ang inip ko.
Tahimik akong kumakain habang nagscroll sa newsfeed ko, ng may dalawang naglapag ng tray sa may table ko. Napaangat ang tingin ko sa kung sino.
"Yow! Hindi masarap kumain mag-isa", sinabi ni Paulo saka naupo sa may harapan ko. Ganoon din ang ginawa ni Sean saka ngumiti sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanilang dalawa. Ngayon ko na lang sila ulit nakita.
Nag rice sila? Ang lakas talaga kumain ng mga lalaki.
"Vacant ko ng one hour, wala akong magawa", sagot ko saka kumain ng fries.
"Oh? Kami din isang oras. Tadhana na ba 'to? Pareho pa tayo", sabi ni Paulo.
"Baduy mo Pre, Di bagay!" asar sa kanya ni Sean saka tumawa. Ngumuso naman ako, nagpipigil na matawa.
Ang hilig talag bumanat nitong si Paulo.
Nagsimula naman silang kumain na dalawa. Nakita kong napapatingin si Paulo sa fries ko. Gusto niya ba 'to?
Nilapit ko naman 'yon sa kanya. "Gusto mo?" alok ko sa kanya.
"Yan lang kakainin mo?" tanong niya.
Umiling ako. "Eto pa, kaya.." sabi ko, saka pinakita sa kanya yung ham and cheese burger ko, in-open ko at kinain.
Tumango naman siya saka kumuha ng fries ko, sabay ngiti sa akin. Nagumiti naman ako sa kanya. Ang cute talaga ni Pau.
Narinig kong tumikhim si Sean, sa tabi ni Paulo.
"Pre? Alis na ba ako?" tanong ni Sean.
"Kumain ka na nga lang diyan!" sagot naman ni Pau sa kanya.
"Baka lang naman", dagdag pa niya.
"Gusto mo din ba ng fries, Sean?" alok ko din sa kanya.
"Wag mo siyang bibigyan, Ellie!" pigil sa akin ni Paulo.
"Malala ka na, Pre!" bulong naman ni Sean. Natawa naman ako sa kanilang dalawa.
Natapos naman silang kumain na dalawa. Ang bilis nilang kumain. Hindi ko kaya 'yon ah.
Ibinalik nila yung tray. Ako naman ay kakatapos ko lang maubos yung burger ko.
Bumalik din naman sila agad at naupo sa dati nilang pwesto.
"Kamusta klase?" tanong ko sa kanila.
"Ayos pa naman ngayon, ewan ko sa mga susunod", sagor ni Paulo.
"Ikaw, Ellie?" tanong ni Sean sa akin.
"Yan pa tanungin mo, Pre? Matalino yan", Paulo said.
"Hindi naman! Iba pa din ang college", sabi ko naman.