Chapter 3
Ibinalita din sa amin ng adviser namin na nag transfer na nga si Alfred sa manila. Naalala ko ang mga sinabi niya sa akin. Sana lang maging matino na siya sa pagkakataon na ito.
Pinagbutihan ko ang aking pagaaral mas nag-focus pa ako lalo pero hindi pa rin nawawala ang pagsama-sama ko sa mga pinsan ko sa mga bahay nila saka doon lang kami nako-kumpletong apat kaya ayos lang. Panay din ang picture namin mahilig kase si Rose mag picture kaya naman pagmagkakasama kami ay hindi niya pinapalagpas pero nakakatuwa naman ang ganoon alam kong masaya siya sa mga ginagawa niya at iyon ang importante sa akin, sa amin.
Napapansin ko din ang pagbabago kay Crystel naging popular na kase siya hindi lang sa classroom namin kundi sa school naririnig ko ang mga lalaki na pinag-uusapan siya sa may corridor ng classroom namin may iba kase na pumupunta pa sa classroom namin para makita siya. Nabawasan na din ang pagsama niya sa amin sa recess at lunch. Tumaas din ang grades niya na ilang puntos na lang ya pasok na siya sa Top 10 sa classroom namin. Natuwa ako kahit paano pero alam kong dahil iyon sa pagkopya niya sa akin at hindi sariling sikap pero hindi ko naman minamasama iyon. Grades is just a number sabi nga nila.
Nagka-totoo ang sinabi ni Alfred pero hindi siya nagdilang anghel, nagdilang demonyo pwede pa. Lumipas pa ang ilang linggo ay may bago nang kasama si Crystel taga ibang section iyon at dalawang babae nakakasalubong namin sila sa pathway ng school pero hindi na niya kami binabati, kahit sa classroom ay hindi na niya ako nilalapitan o kinakausap pa. Kapag nakahanap na nga ng bagong kaibigan ay makakalimutan ka na. Hindi ko din tuloy alam kung itinuring ba niya akong kaibigan o ginamit lang nga niya ang talino ko. Wala naman akong nararamdaman na galit sa kanya o sa ginawa niya. Ganoon yata talaga ang ibang tao at wala na akong magagawa pa roon.
Isa sa natutunan ko nang iwan kami ni Papa at ipagpalit sa iba na hindi natin hawak ang desisyon, ang ka gustuhan ng isang tao at kung may gawin kang mabuti sa kanya ay siya ang magdedesisyon kung susuklian ba niya iyon o hindi.
Tinatanong din ako ng iba kong kaklase tungkol doon.
"Ellie, diba close kayo dati ni Crystel bakit ngayon hindi na?" tanong Eden ang babae ko na classmate.
"Oo nga pansin ko din na hindi ka na niya pinapansin o kinakausap" sinabi naman si Art.
"Nag-away ba kayo? Inaway ka ba?" tanong naman si Nick.
Huminto ako papasok ng classroom ng sunod-sunod na magtanong ang mga classmate ko nasa may corridor sila ng room.
"Hindi ah. Hayaan niyo na lang siya" sagot ko sa kanila.
"Sigurado ka hindi ka niya inaway?" tanong pa ni Art.
"Hindi. Okay lang naman 'yon" direstsong sagot ko para hindi na sila magtanong pa.
Nakita kong alanganin silang tumango sa sinabi ko.
Nagpatuloy na lang akong naglakad papasok ng classroom namin.
Mabilis lumipas ang mga araw. Nalaman ko din na ilang beses na muntik ng bumagsak si Crystel sa mag subjects namin pero hindi na kami talaga nagpapansina pa sa room o hindi na niya talaga ako pinapansin pa. Nabalitaan ko rin na nakailang boyfriend na siya sa ibang section kahit mga pinsan ko ay sinabi sa akin pero wala akong magagawa sa bagay na iyon, desisyon niya naman iyon.
Nang mag third year kami ay hindi ko na siya kaklase at naging kaklase ko naman si ate Iza, Jeca at Jerb. Masaya dahil naging classmate ko ulit sila at magkakasama kami.
Pinanuod lang namin ang pagsali ulit ng iba kong pinsan sa mga laro sa Intramurals, basketball, sepak takraw, mga ibang laro at nakikita na lang namin sila sa kung ano-anong booth jail booth, dating booth, marriage booth at kung ano-ano pang booth aaminin kong gwapo ang mga lalaki kong pinsan lalo na yung mga nasa higher year sa amin pero minsan mahirap din dahil ilang babae ang nakikita kong umiiyak o kaya ay humahabol sa kanila. Kawawa naman ang mga iyon.