Chapter 25
Mabilis akong pumasok sa aking kwarto at naupo sa harapan ng ginagawa kong design. Hindi ko mapigilan na hindi isipin ang ginagawa sa akin ni Nathan, dati naman ayos lang kahit na hinahawakan niya ako o tinitingnan niya ako. Wala akong nararamdaman, pero ngayon bakit parang nag-iba?
Pinilig ko ang ulo ko. No! No way! May gusto siyang iba.
Nag focus na lang ako sa pagdedesign, tinapos ko rin ang kailangan kong tapusin.
Binawasan ko na rin ang pagsama-sama ko kila Mara, minsan ay hindi ko na rin nagugustuhan ang ginagawa namin. Nag-eenjoy kase sila ng sobra, na nalelate na ng uwi o kaya ay wala silang mga gawa na activity sa school. Hindi naman ganoon dati, hindi sila nagpapabaya. Nararamdaman ko rin na nagagalit na sakin si Esie, kaya naman kailangan kong bumawi sa kanya.
Nakaupo ako sa isang bench dito sa school, malapit sa soccer field nakikita ko na may mga naglalaro sa field. May quiz kami sa isang subject at kailangan kong mag review. Hindi naman ganoon kaingay dito, kaya pwede na. Nagbabasa lang ako ng mga notes ko, nang mapansin ko na may gumulong na bola malapit sa akin, may kumuha naman no'n.
"Hi, natamaan ka ba?" napaangat ang tingin ko sa lalaking nagsalita. Matangkad, maputi, brown ang kanyang buhok na medyo basa dahil sa pawis. Matangos din ang kanyang ilong at maganda ang hubog ng panga. Gwapo siya pero hindi ko siya type.
"Hindi naman", simpleng sagot ko.
"Nakita na kita. Ikaw yung kasama nila Mara diba?" tanong niya. Hindi siya pamilyar sa akin. Hindi naman ako tumitingin sa mga lalaki pag umiinom kami sa labas.
Napatango lang ako sa kanya.
"Steve!" pagpapakilala niya.
"Ellie", sagot ko. May tumawag sa kanya mula sa field. Tumingin siya doon saka binalik ang tingin sa akin.
Ngumiti siya sa akin. "See you aroud, Ellie", aniya.
Hindi na ako nakasagot sa kanya, dahil mabilis na siyang tumakbo pabalik sa mga kasama niya. Hindi ko feel ang isang 'yon, lalo na kilala niya sila Mara. Hindi naman sa masama sila, pero iba kase talaga. Napapansin ko rin ang iba kong kaklase na inaayawan sila o kaya naman pinagsasabihan ako tungkol sa kanila, pero binibigyan ko sila ng chance at para malaman ko kung tama ba ang ginagawa ko na sumama sa kanila.
Isang araw ay nagpunta kami sa inuman. Pinilit akong sumama nila Mara kahit tumanggi ako, dahil may ipapakilala daw sila sa akin. Nakaupo kaming lahat sa lagi namin na pwesto, may mga alak na din at pulutan. Umiinom na sila Joe at Niel nang may mga lalaki na huminto sa table namin. Tatlo sila at nakilala ko yung isa yung Steve na nakilala ko, sa may soccer field. Umupo sila sa tabi namin. Mukhang hindi ko magugustuhan ang mangyayari dito.
"Hi Ellie!" bati sa akin ni Steve. Tumango lamang ako sa kanya. Hindi ko talaga feel ang lalaki na ito. May iba talaga sa kanya.
"Oh, magkakilala na pala kayong dalawa?" nagtatakang tanong ni Mara.
"Yeah, nakilala ko siya sa school malapit sa soccer field", si Steve ang sumagot.
"Edi ayos na pala!" pagpalakpak naman ni Beth.
"Anong ayos na?" kunot noo kong tanong sa kanila.
"Crush ka kase nitong si Steve, kaya gusto ka niyang makilala. Nakakatuwa diba?" nakangiting sinabi ni Beth.
Anong nakakatuwa doon?
Nakita kong humawak pa si Steve kanyang batok na parang nahihiya sa akin. Napairap ako! Bakit walang wala siya kay Nathan? Kahit na gwapo pa siya. Napainom ako sa naisip ko.