CHAPTER 14

37 24 9
                                    

Chapter 14

Pumasok pa din ako sa trabaho ko. Hindi pa sila gising ng umalis ako pero kay Esie ay nagpaalam ako hindi ko siya isasali sa mga desisyon ko ukol kila Papa. Hahayaan ko siyang mag decide sa sarili niya kung ano ang gagawin niya, kung papatawarin niya si Papa. Kung makikipagkasundo siya sa kanila. Ang mahalaga sa akin ay hindi siya masaktan nila Papa o kahit at wala akong magiging problemasa kanila ay hahayaan ko sila.

Malapit na din mag pasukan hindi ko alam kung ano ang plano ni Papa. Pinaguusapan din kami sa lugar namin. Mayaman na daw kami dahil kay Papa. Ang swerte daw namin na magkapatid at kung ano-ano pa na hindi ko alam kung mabubuti o masasama. Hindi ko masasabi na swerte kami. Naiinis pa rin ako kapag naiisip ko ang sitwasyon namin.

Iniisip ko ang lahat ng iyon kahit nasa tabaho ako. Napapailing na lang ako kapag wala akong maisip na paraan. Pareho kaming bata pa ni Esie. Tama si Papa hindi pa kami ulilang lubos lalo na at bumalik siya. Syempre, siya ang tatayo na guardian namin dahil wala na si Mama.

Mama.

Ano kayang iniisip mo ngayon? Ano bang dapat kong gawin?

Kahit gaano ko isipin. Hindi ko talaga sila matatanggap, hindi ko makalimutan ang ginawa ni Papa. Siya ang unang sumira ng tiwala ko. Siya ang dahilan ng unang pagkabigo ng puso ko. Kaya paano?

Hindi ko talaga alam.

Hanggang sa matapos ang trabaho ko at naaa byahe na ako pauwi ay hindi nawala sa isip ko ang mga iniisip ko parang mas nadagdagan lang.

Madilim na ng makauwi ako. Naglalakad ako mula kanto hanggang sa bahay namin dahil malapit lang din naman.

Nang makalapit ako sa amin ay naririnig ko ang tawanan nila Papa. Napairap na lang ako sa hangin. Napahinto ako ng makita na maliwanag rin sa may bakuran namin. Nag setup sila ng table at upuan. May mga pagkain at naggigrill rin sila roon. Kasama rin nila yung Engineer na kausap ni Papa. Kung ibang tao ang makakakita sa kanila ay maiisip na masaya sila at nagkakasundo talaga. Pero hindi iyon ganoon.

Nahanap ng paningin ko si Esie sa may tabi ni Nico na parang may tinatanong sa kanya ito dahil nakikita kong tumatango siya rito.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad papasok sa amin. Nakita kong lumingon sa akin yung Engineer. Napatingin rin sa gawi ko si Nathan naggigrill sila doon. Sumunod si Papa na tumingin sa akin.

Napabuntong hininga ako.

"Oh nandito ka na pala anak" si Papa.

Anak? Bakit parang pag siya ang tumawag noon sa akin ay may kirot sa dibdib ko. Pinilig ko ang ulo ko. Hindi ngayon!

Saka pa lang nag-angat ng tingin sa akin yung asawa ni Papa na abala sa paghahanda ng mga pagkain ganoon rin si Esie at Nico.

"Maupo ka na Ellie para makapag dinner na tayo." sabi ni Papa. Nakangiti naman na tumango sa akin ang asawa niya. She acts nice like she didn't a mistress.

Hindi ako nagsalita naglakad lang ako at balak na maupo sa may dulo na upuan. Sinundan naman ako ng tingin ni Esie hanggang sa makaupo ako. Kaharap ko silang upuan ni Nico. Tumango lang ako kay Esie.

Nilagyan ako ng plato ni Tita Mel. Napatingin ako sa gawi nung Engineer at ni Nathan mukhang may pinag-uusapan silang dalawa habang nagiihaw dahil natawa at umiling si Nathan. Napatingin siya sa akin, nahuli niya akong pinapanuod sila. Inirapan ko lang siya saka uminom ako ng tubig. Tiningnan ko ang mga pagkain mukhang masasarap lahat. Si Papa siguro ang nagluto ng mga ito. Masarap siyang magluto. Pwede nga siyang magtayo ng restaurant. Alam ko pangarap niya 'yon. Ewan ko lang kung hanggang ngayon.

Napatingin ako sa gilid ko ng may maupo sa tabi ko. Masama kong tiningnan si Nathan pero hindi naman niya iyon pinansin. Inilapag nung Engineer yung mga niluto nila.

Nagumpisa naman silang kumain. Pinanuod ko silang matapos kumuha ng mga kakainin nila. Paborito ko yung sweet and sour shrimp pero nasa may gawi iyon ni Nathan. Kumuha ako ng kanin at chicken pero minamataan ko talaga yung sweet and sour shrimp. Nahihiya naman akong kumuha dahil hindi ko abot.

Tumitingin sa akin si Esie alam kong alam niya ang gusto ko pero wala naman siyang magagawa syempre nahihiya din siya.

Wala na akong choice. Gusto ko talagang kainin 'yon kaya gagawin ko ang lahat makakain lang no'n.

Tumingin ako kay Nathan na tahimik na kumakain sa tabi ko. Iistorbohin ko siya kala niya.

"Hoy!" pasimple kong kinalabit si Nathan. Hindi niya ako nilingon alam kong sinasadya niya iyon kaya inulit ko pa ng isang beses. Napatingin sa akin si Tita Mel. Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Nathan!" mahina kong tawag sa kanya. Nakita kong natigilan siya saka siya unti-unting lumingon sa akin.

"What?" bulong na tanong niya.

Ngumuso ako. "Gusto ko yung sweet and sour shrimp, iabot mo sa akin" balik na bulong ko.

Napatingin siya sa pagkain na sinabi ko. Saka binalik ang tingin sa akin na may mapaglarong ngiti sa labi.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bilis na!" may diin na sabi ko.

"What's the magic word?" he asked.

Hindi na ako nag-isip at sumagot na lang.

"Please" nakanguso kong sagot sa kanya.

Nakita kong umawang ang labi niya saka umiling at kinuha na yung sweet and sour shrimp. Nilapit niya iyon sa akin. Nawiweirduhan na siguro siya sa inaasal ko para sa sweet and sour shrimp.

"Thanks" mahinang sabi ko.

Nakita kong napainom siya ng tubig.

"May sakit ka ba Ellie?" he asked. First time niya kong tawagin sa pangalan ko. Well, hindi naman kase kami nag-uusap eh.

"Wala" simpleng sagot ko na lang.

Hindi pa rin ako nakakalimot. Gusto ko lang talagang kumain nito dahil matagal na hindi ako nakakakain nito.

Kumuha na lang ako ng sweet and sour shrimp na marami saka nilagay sa plato ko. Nahagip ng tingin ko si Tita Mel na nakangiti saka uminom ng tubig. Hindi ko na lang pinansin 'yon at nagpatuloy ako sa pagkain.

Narinig kong tumikhim si Papa pagkalipas ng ilang minuto sa katahimikan.

"Ellie, hindi mo na kailangan mag trabaho. Nakausap ko na si Esie kanina na pag-aaralin ko kayo. Ang paglaanan mo ng panahon ay ang pag-aaral." he said of course more on to me.

Napahinto ako sa pagkain at napatingin ako kay Esie. Tumango lang naman siya sa akin. Ibig sabihin she already accepted the offer of our father. Well, dapat lang naman dahil obligasyon niya ang pag-aralin kami.

"Pero.. maganda roon magtrabaho..." sagot ko.

"Hindi mo naman na kailangan. Ako na ang bahala sa inyo at sa lahat ng gastusin saka hindi maganda ang pag biyahe mo araw-araw lalo na babae ka pa" aniya. So? Talagang aakuin niya ang lahat.

"Tito pwede ko naman siyang ihatid o kaya naman ay sunduin para makita ko na rin kung saan siya nagtatrabaho" Nathan suggested. Napatingin naman ako sa kanya ng masama siya naman ay nakangiti lang. May pinaplano ang isang 'to.

"H-hindi na kailangan!" agap ko. Napatingin naman sila sa akin. Walang kahihiyan na natawa si Nathan sa aking tabi. Hindi ko siya pinansin.

"Magpapaalam ako ngayong week saka gusto ko rin naman.. mag aral.." mahinang sabi ko. Kahit labas sa loob ko wala na akong choice.

Tumango naman si Papa sa sagot ko.

As if namam gusto ko si Nathan na makasama ng kami lang. Yung araw-araw nga na nakikita ko sila ay hindi ko kaya yung kami pa lang kaya. Kakairita!

"Good. Pumili kayo ni Esie ng school pwede dito o kaya naman sa manila." aniya.

Natahimik ako. Since hindi mag-aaral ang iba kong pinsan ay wala akong kasama sa school kaya kahit saan naman ay pwede. Hindi ko na rin nakakausap sila ate Iza busy na rin silang lahat sa mga trabaho nila. Si Jeca nga na malapit sa amin ay hindi ko nakikita. Pakiramdam ko mag-isa na lang talaga ako ngayon.

********

SHATTERED DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon