CHAPTER 2

113 82 22
                                    

Chapter 2

Mabilis na lumipas ang mga araw na hindi ko na namalayan sa dami ba naman na ginagawa sa school. Maayos na natapos ang aming first year sa high school at dahil mataas ang grades ko ay napunta ako sa section A nung mag second year na kami si ate Iza at Jeca naman ay magkasama sa section B kasama din nila si Jerb pero ang alam ko may bago ng kaibigan iyon kaya hindi nila nakakasama pag nasa school.

Sabay-sabay pa rin kaming pumapasok, mag lunch at umuwi dahil tatlo na lang kami ngayon ay syempre parang may kulang sa amin pag nasa school kahit na meron na rin kaming mga nakilala na itinuring na kaibigan na kaklase namin.

Sa isang linggo na pagaaral sa second year ay masasabi kong medyo mahirap at nakakapanibago halos matatalino ang mga kaklase ko at kailangan kong sumabay sa kanila.

Pero may pangyayari talaga na hindi mo inaasahan.

Napa-angat ang tingin ko sa harapan at natigil ako sa pagsusulat ng dumating si Sir. Nagulat ako sa sunod na nakita kong pumasok kasunod niya ang lalaking ilang taon kong hindi nakita.

"Sige na, magpakilala ka na" ani Mr. Gabriel.

"Hi! My name si Alfred Vincent" pagpapakilala niya. Nakasabit ang strap ng backpack niya sa isang balikat niya. Mayabang ang tindig niya sa aming harapan. Tumangkad siya lalo, hindi na din siya payat ng sobra, may muscles na ang ang braso niya. Masasabi kong binata na talaga siya ngayon.

"Bago niyo siyang kaklase. Doon ka maupo sa tabi ni Miss David" Sir Gabriel wiggles his eyebrows and smile at me. Siya yung teacher na mapagbiro talaga.

Nagkatinginan kami ni Alfred. Bahagya siyang ngumiti ng mag tama ang tingin namin saka naglakad kung nasaan ako at umupo sa bakante na upuan sa may kanan ko. Ang upuan namin ay single na armchair desk.

Hindi ko na siya pinansin hindi naman kase kami close at hindi ko din alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagsusulat. Nagumpisa na din ang lecture namin kay Sir, MAPEH ang subject namin sa kanya at Music ang itinuro niya ngayon.

"Hi" Alfred casually greeted me after few minutes of being silent.

"Hello" balik na bati ko sa kanya. Natawa siya kaya napalingon ako sa kanya.

Hindi ko alam kung naiinis ba ako sa kanya o dahil naaalala ko ang mga ginawa niya sa akin, sa amin nung elementary o talagang nakakainis at mayabang lang ang mukha niya, ang aura niya. Alam mo 'yong presensiya pa lang niya maiinis ka na. Oonga't gwapo siya, matangkad, moreno, kita ang kanyang jawline siguro pag nagkaedad pa siya ay mas magiging define 'yon, pero nayayabangan talaga ako sa kanya. Napailing na lang ako tunog kase papuri iyon sa halip na inis.

"Hindi kita aasarin, don't worry" he said smiling.

"Singkit ka talaga eh no?" dagdag niya.

Umiling na lang ako sa kanya saka nakinig na lang ulit ako kay Sir habang nagtuturo siya. May itinatanong na siya ngayon sa klase. Tumingin si Sir Gabriel sa akin habang inuulit niya ang tanong, pakiramdam ko ay tatawagin na niya ako para sagutin iyon medyo kinakabahan na ako pero may isasagot naman ako sa kanya kahit paano. Bakit parang naulit yung nangyari nung elementary kami? Na parang hindi ako nakikinig pero ang totoo kasalanan 'yon ni Alfred.

"What is music again?" he asked while looking at me.

"Gonzales? Ano sa tingin mo?" nakatingin siya sa akin habang sinabi niya iyon. Napatingin naman ako sa kaklase ko na tinawag niya at nagulat ito saka bigla siyang napatayo. Bahagyang natawa si Sir sa inakto niya. Natawa din ang buong klase pati ako. Mapagbiro talaga si Sir kahit kelan.

Tinupad ni Alfred ang kanyang sinabi hindi na siya nang-aasar ngayon siguro medyo nag matured na siya dahil 2nd yr high school na kami kaya naman tahimik ang buhay ko kahit pa katabi ko siya kinakausap din niya ako pag minsan na parang normal ang lahat sa amin.

SHATTERED DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon