Dedicated to my favorite author
LadyLava_404 ♡♡♡
Chapter 32
Ang gaan ng pakiramdam ko. Yung tipong pati ang puso ko ay masaya talaga. Hindi ko alam kung kelan ko ulit naramdaman ang ganito. Ang ganda rin tingnan ng buwan para itong nakikisaya sa nararamdaman ko ngayon.
Uminit ang pisngi ko ng maalala ang paghalik na ginawa sa akin ni Nathan at yung sinabi niya. Nakakahiya na sinusupladahan ko siya, tinataboy at kung ano-ano pa ang ginawa ko sa kanya dati, pero nararamdaman ko ito sa kanya ngayon.
At Bakit kahit sumasang-ayon ang puso ko sa mga pinaparamdam niya, pakiramdam ko ang layo pa rin niya. Pwede nga kayang maging kami?
Pumikit ako at pilit na inalis ang mga iniisip na 'yon. Ayos lang naman na hindi isipin ang ibang bagay diba? Heto na lang muna?
Tumingin ako kay Nathan. Magkatabi kaming nakahiga sa mattress na inilatag niya kanina at nakaunan ako sa braso niya, nakatingin naman siya sa langit. Hindi ko akalain na sweet din pala ang lalaking 'to. Nang lumingon siya sa akin ay umiwas ako ng tingin at tumingin na lang ulit sa langit. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Goodness! Ganito ba talaga? Dati naman hindi. Uminit ang pisngi ko dahil doon.
Naramdaman ko naman ang pag-ayos ni Nathan ng higa. Nangangawit ba siya sa ayos naming dalawa? Tumingin ako sa kanya, nakaharap na siya sa akin ngayon. Nagkatinginan kami. Hinaplos niya ang beywang ko at kinabig niya ako palapit sa kanya. Nakayakap na ako sa kanya ngayon. Napahawak naman ako sa dibdib niya. Bakit ang init yata? Nasa labas naman kami.
Mas lalong uminit ang pisngi ko dahil sa ayos namin. Nararamdaman ko ang paghinga niya na tumatama sa ulo ko, sa buhok ko. Saka ko naramdaman ang paghalik niya sa ulo ko. Huminga ako ng malalim. Ang bango niya talaga! Hindi siya nagsasalita pero nararamdaman ko ang tibok ng puso niya, alam kong ganoon din siya. I felt so contented and safe. Pwede palang maramdaman ito sa isang tao.
Ang tahimik ng paligid. Ang tahimik naming dalawa pero alam ko na kung ano ang nararamdaman ko ngayon, iyon din ang nararamdaman ni Nathan. Pumikit na lamang ako, habang dinadama ang lahat ng ito.
********
Sa mga nagdaan na araw, naging mas malapit pa lalo kami nila Nathan, Nico at Esie dahil madalas kaming maiwan na apat sa bahay. Masyadong busy ang mga parents namin sa business nila. Hindi rin namin nakakalimutan dalawa si Mama at ikuwento ang mga bagay na 'yon.
Nabalitaan ko rin na nagde-date na sila Rachelle at Paulo palagi iyon ang bukambibig ni Sean. Palibhasa wala pa siyang makita na para sa kanya. Dinalaw rin kase nila ako nung minsan at kita ko na masaya talaga sila Paulo, kaya naman masaya ako para sa kanila.
Napapadalas din sila JP at Kevin dito sa bahay lalo na walang pasok pero alam kong may trabaho ang mga ito. Laging magkakasama hindi ba sila nagsasawa na mukha ng isa't-isa. Alam kaya nila ang sa amin ni Nathan? Hindi pa naman kami at hindi naman niya sinabi na manliligaw siya sa akin. Hindi rin naman ako nagmamadali sa lahat ng 'yon.
Nagpapractice lang ako ngayon na i-apply ang mga kulay sa drawing na ginawa ko. Naglalaro naman si Nico at Esie sa kanilang phones. Nasa kwarto kami ni Nico ngayon. Si Nathan? Kasama nila JP at Kevin hinihintay yata nila sila Amy at Sofi. Nalaman ko ang pangalan nung isang babae kay Kevin. Crush niya yata 'yon. Nalasing siya nung minsan at kung ano-ano na ang sinasabi niya. Kahit walang pasok busy sila, graduating na rin kase sila.