CHAPTER 21

29 18 16
                                    

Chapter 21

Bumalik na rin namam ako sa table namin. Nakita ko naman na sumunod si Nathan, saka naupo sa tabi ng pinsan niya.

Anong meron kay Nathan?

Genuine ba ang pagaalala niya sa akin?

I really wanted to trust someone again, but it was so hard when the first man who broke your heart and trust, was your father.

Ano kayang iniisip sa akin ni Nathan?

Wha the--? bakit ko ba iniisip 'yon? Ano ba naman 'to?!

Anak siya ng babaeng sumira sa pamilya namin. Hindi pwede 'to! Hindi talaga!

Nadistract ako sa pagkanta ni Beth. Siya na pala ang kumakanta ngayon, chineer pa siya ng mga kasama ko. Maganda ang boses niya, hindi maganda ang boses ko pero mahilig ako sa kanta, yung kanta ang walang hilig sa akin. Sa ibang bagay talaga ako magaling hindi sa ganito. Sinabayan naman pa ng boys ang pagkanta ni Beth.

Ang sinabi nilang isang bucket lang ay pangalawang bucket na ngayon. Ang lakas pala nilang uminom o mahina pa ito? Hindi ko sila kayang sabayan, baka bumagsaka na lang ako dito.


"Huwag kang ma-pressure, Ellie ha? Ayos lang yan. Chill ka lang", bulong sa akin ni Mara. Nahalata niya siguro ang iniisip ko, dahil halos maubos na nila ng pangalawang bote nila, ako hindi ko pa napapangahalati 'yung sakin.

Tumango naman ako sa kanya.

"Oo nga, Ellie pero baka gusto mong kumanta?" tanong ni Niel sa akin.

"Hindi. Kayo na lang, hindi naman maganda ang boses ko", sagot ko sa kanya.

"Alam mo ba itong si Joe" pagpatong ni Niel ng braso niya, sa balikat ni Joe.

"Kahit hindi maganda ang boses, pero kumakanta", sabay tawa niya.

"Si Joe lang malakas!" segunda naman ni Mara. Natawa naman sila ng malakas. Natawa na lang ako sa kanila. Mapang-asar din ang mga 'to.

"Hoy! Pakikitaan kita kung gaano kaganda boses ko." sabi naman ni Joe na ginulo pa ang buhok ni Niel.

"Huwag na lang uy!" sagot naman ni Niel.


Napatingin sa sa table nila Nathan ng tumayo siya. Nakita kong nakipag fist bump siya, sa pinsan niya at sa isa pang lalaki na kaibigan niya saka tumingin sa akin. Uuwi na ba siya? Hindi pa naman yata sila tapos.

Naglakad na siya. Nagtama ang tingin namin ng tumapat na siya sa table namin saka dire-direstong lumabas na. Napatingin naman ako sa table nila nakita kong nakatingin sa kanya yung isang babae. May gusto ba yun sa kanya? Nalipat ang tingin ko sa pinsan ni Nathan na nakatingin naman sa akin.


Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Chineck ko yun at nakita ko unknown number.

'Let's go home'

-N

Paano niya nalaman number ko? Kay Eise kaya? Hindi naman ibibigay ni Eise yun.

Napatingin ako sa mga kasama ko na nagsasaya pa rin. Napagpasyahan kong magpaalam na sa kanila, gusto ko rin namang umuwi na.

"Mara, mauuna na ako nandyan na kase ang sundo ko!" sabi ko sa kanya. Umiinom naman siya sa kanyang baso.

Binaba niya iyon "Ha? Ah sige, sige!" aniya.

"Guys? Uuwi na si Ellie!" sabi naman niya sa iba.

Tumango at nagpaalam naman sila sa akin.

SHATTERED DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon