Chapter 15
Ganoon nga ang ginawa ko. Nagpaaalam na ako na hindi na ako magtutuloy sa pagtatrabaho dito. Syempre nalungkot sila nakaclose ko na din ang mga empleyado ng school.
At nang mag friday ay last day ng trabaho ko dito. Mamimiss ko ang mga bata. Kahit hindi pa ako matagal rito ay napalapit na sila sa akin. Half day lang ang pasok ng mga bata kaya naman nung hapon ay kumain kami ng mga kasama ko dahil last day ko na rin naman.
Nang makauwi ako sa amin ay nakita ko na abala ang mga tao sa paggawa ng bahay namin. Nakita ko rin si Engineer Mariano na kamag-anak nila Nathan may kausap siyang isang tauhan niya. Binili rin nila Papa yung lupa sa may likod na bahagi ng bahay namin para mas lumaki ang sakop nito. Hindi ko alam kung sino ang mayaman si Papa ba o yung babae niya.
Nag diretso lang ako pagpasok sa bahay namin. Naabutan ko si Nathan sa may sala, abala siya sa harap ng kanyang laptop. Nag-angat siya ng tingin sa akin sandali saka binalik ulit sa kanyang laptop. Dumiretso ako sa kwarto ni Esie kumatok muna ako bago pumasok pero nakita kong wala siya roon. Nasaan naman kaya siya? Saka parang wala yata sila Papa. Magkakasama kaya sila? Pero narito naman si Nathan. Bumalik ako sa sala para magtanong sa kanya. Iistorbohin ko talaga siya sa ginagawa niya.
"Hoy! Nakita mo ba si Esie?" supladang tanong ko.
Hindi siya nag-angat ng tingin sa akin sa halip ay ekspertong nagtype sa kanyang laptop.
Umirap ako ng akala kong hindi siya sasagot.
"Wala siya isinama siya ng papa mo sa restaurant nila" walang gana niyang sagot.
Napahinto ako sa kanyang sinabi.
"R-Restaurant?" ulit ko.
Saka siya nag-angat ng tingin sa akin. Nakahati na ang kanyang buhok sa may gitna bagay naman sa kanya. Sa tingin ko sikat 'to sa school nila. Matanda lang yata siya sa akin ng ilang taon.
"Yes" he simply answered.
What? May restaurant sila sa manila? Kelan pa?
Parang naintindihna naman niya ang pagiging tahimik ko na wala akong alam.
"Since wala kang alam. Sige sasabihin ko na, may-ari si Mommy at ang Papa mo ng restaurant sa manila may branches na rin 'yon sa ibang probinsiya at pinaplano nila na magtayo rin dito sa bulacan" paliwanag niya.
What?!
Nangawit ako sa pagtayo at sa pag take ng kanyang mga sinabi. Kumuha ako ng apple na kinakain niya na nasa may table saka ako umupo sa upuan na hindi kalayuan sa kanya tinaas ko pa ang mga paa ko. Nakita ko na tiningnan niya ang ginawa ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay saka kinain yung slice ng apple.
Umiling lamang siya sa akin saka tinuloy ang ginagawa sa kanyang laptop.
So? May kaya sila? O mayaman nga sila.
"Buti sumama si Esie sa kanila" sabi ko.
"Kumpara sayo madaling makumbinsi ang kapatid mo saka mukhang mabait siya" he said.
Inirapan ko siya. "Bata pa kase siya kaya gano'n" sagot ko.
"Nakapili ka na ba ng school? How about your course?" he asked changing the topic. Kung makapagtanong akala mo naman close kami.
Nagkausap lang kami ng ilang beses pero hindi ko pa rin sila matatanggap.
May gusto akong course kukuha ko ng about arts and design. Mahilig inaman ako sa arts lahat ng drawing at painting sa kwarto ko ay ako ang may gawa. School? May alam akong school dito na nagooffer ng ganoon course kilalang university siya kaya baka dito na lang ako mag-aral. Ayoko sa manila mag-aral baka mamaya doon pa siya nag-aaral eh. Although wala akong alam sa kanya o tungkol sa kanila.