Chapter 12

37 26 8
                                    

Chapter 12

Unti-unti na kaming nasasanay ni Esie na mamuhay ng kami lang dalawa. Naging mas close din kami sa isa't-isa. At masasabi kong kahit mahirap ay masaya naman at mabuti ang mga improvement na nangyayari sa amin.

Malapit na din ang pasukan high school na siya kasabay din niya ang iba namin pinsan na kasing edad niya. Hindi man natupad yung mga pinangarap naming apat nila ate Iza sana naman yung pangarap niya at yung course na gusto niya ay mangyari tutulungan ko na lang siyang abutin 'yon.

Mahirap ang walang magulang pero mas mahirap kung hindi namin susubukan na makaahon sa kalungkutan at mag move forward.

Pero minsan sinubukan talaga ako, kami ng buhay ang akala naming tahimik na pamumuhay na kaming dalawa lang ay magbabago pala.

Umuwi ako galing sa trabaho malapit pa lang ako sa amin ay nakita ko na maraming tao sa harap ng bahay namin. May mga truck din na naroon. Bigla akong kinabahan. Anong meron?

Naisip ko agad si Esie kaya tumakbo ako para mabilis na makapunta sa amin, pero ang pagtakbo ko ay naging lakad nang makita ko kung ano ang mga 'yon. Nakikiusyoso ang mga tao dahil may mga nagbababa ng gamit sa may bakuran namin.

Mga truck ng kagamitan na pang construction? P-Paano?

Buhangin, hollow blocks, bricks, semento at kung ano-ano pa ang naroon. Ang daming tao na naghahakot at nakasuot ng pang construction. May nakita din akong mga kotse na nakaparada. Kanino ang mga 'to?

Mabilis akong pumasok sa may bakuran namin. Tumingin naman sa akin ang mga lalaki na naroon. Yung iba ay tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. Kinilabutan ako kaya tumakbo na ako papasok sa loob ng bahay namin.

Nakarinig ako ng tawanan sa loob. Sino ang mga 'yon? Hindi naman magpapasok si Esie sa bahay namin.

"Maraming salamat Engineer!" napahinto ako ng marinig ang pamilyar na boses ng nakalapit na ako sa may pinto. Ang boses na 'yon. Ilang taon ko nga bang hindi narinig?

A-Anong ibig sabihin nito? Uminit bigla ang ulo ko sa galit. Padarag kong binuksan ang pintuan namin at apat na pares ng mga mata ang tumingin sa akin. Napatingin ako ng masama sa lalaking ayoko na sana pang makita. Si Papa. Anong ginagawa nila rito ng babae niya?

"Oh narito na pala ang anak ko.." he said saka tumayo at lumapit sa akin nanatili naman na nakaupo yung babae na katabi niya kanina bahagya pa itong nakangiti sa akin. Nairita naman ako.

"Anong ginagawa mo dito?" walang galang kong tanong sa kanya. Wala akong pakialam sa sasabihin ng mga naroon sa akin. Hindi naman nila alam ang nangyari simula ng iwan kami ng lalaking 'to at ipagpalit sa iba.

"At ano ang mga 'yon?" dagdag ko pa sabay turo sa may ang labas.

Hindi niya pinansin ang mga tanong sa halip bumaling siya sa mga lalaki na naroon.

"Ah Engineer, mag-usap na lang ulit tayo bukas" magalang na sinabi ni Papa sa mga lalaki na naroon. Parang hindi naman siya 'yon.

"Walang problema Sir!" sagot nito sa baritonong boses. Tumaas naman ang kilay ko.

May sinabi pa yung kasama nung engineer sa babaeng katabi ni Papa kanina. Maputi at maganda yung babae na may maiksi at itim na buhok hindi halata ang pagtanda niya. Mukhang hindi nahirapan.

Napairap ako!

Pinagmasdan ko din yung mga lalaki. Mga bata pa sila. Sa tingn ko mas matanda lang yung Engineer ng kaunti dun sa kasama niya. May hitsura din ang mga ito gwapo yung Engineer, kayumanggi ang kulay ng balat niya pero parang mas gwapo yata yung kasama niya moreno na kagaya ni Paulo. Mukhang rin silang mga professional na nakasuot ng long sleeves na naka natupi hanggang braso, yung sa mga napapanood ko. Ewan ko! Nainis ako bigla. Umirap ulit ako. Wala akong pakialam sa kanila!

"Hon, ihahatid ko lang sila." mahinhin na sabi nung babae kay Papa. Nag make face ako ng marinig ko 'yon at halos masuka ako sa tawagan nila, parang gusto ko nga silang iwan roon. Nakita ko naman na tumango sa kanya si Papa.

Napansin kong sumulyap pa sa akin ng isang beses yung kasama nung engineer na tinawag ni papa tinaasan ko pa siya ng kilay pero napansin ko ang mapaglaro nitong ngiti sa labi. Kairita! Tuluyan naman silang lumabas na tatlo ng bahay namin.

Hinarap ako ni Papa.

"Bakit ganyan ang tanong mo sakin? Wala na ba akong karapatan sa pamamahay ko?" sermon niya sa akin.

Wala akong naging sagot naisip ko si Esie. Hinanap ko siya.

"Nasaan si Esie?" tanong ko.

"Nasa kwarto niya hindi siya nagsasalita pag dating namin nagpunta na agad siya sa kanyang kwarto. Bakit ganyan ang mga ugali niyo?" may galit ang kanyang tono.

"Pa? Seryoso ka? Tinatanong mo kami ng ganyan? Umalis ka diba? Iniwan mo kami.. Anong gusto mong gawin namin? Tanggapin namin kayo ng buo dito?" medyo tumaas pa nag boses ko at naiiyak na ako. Hindi ako sumasagot sa nakakatanda sa akin pero ang ginawa niyang ito ay sobra na. Inuwi pa niya talaga dito.

"Ellie!!" galit niyang tawag sa akin. "Huwag mo kong pagtataasan ng boses ama mo pa rin ako.. Wala kang alam sa nangyari kaya hindi mo maintindihan.." aniya. Alin doon? Ang pag-iwan niya sa amin. Ano ang hindi ko maiintindihan doon? Ewan ko! Pero sobra na 'to.

"Hindi ko talaga maiintindihan at ayokong intindihin. Nabuhay kami ng ilang taon na wala ka.." pinigilan ko ang pag-iyak sa harap niya.

"Kahit anong mangyari ako pa rin ang Ama niyo, hindi pa kayo ulila. Kaya ako ang masusunod dito!" may awtoridad niyang sinabi.

"Ano 'yon? Gano'n lang? Parang walang nangyari. Hindi mo kami mapipilit Papa!" may diin kong sinabi. Nakakainis! Pakiramdam ko wala akong magagawa kahit dito pa.

"Sa ayaw at sa gusto niyo Ellie!! Ako ang masusunod sa pamamahay na 'to!" may galit sa kanyang boses.

"Ewan ko, Pa!" sagot ko.

Ayoko ng magsalita pa. Baka lalo akong may masabi na masasakit at pagsisisihan ko pa.

Narinig kong bumukas yung pinto at pumasok naman yung babae at lumapit kay Papa hinaplos nito ang braso ni Papa. Ang sakit sa mata na makita silang dalawa. Hindi na nahiya ang babaeng ito.

"Pupuntahan ko lang Esie" sabi ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Umalis na ako doon sala at dumiretso na sa kwarto ni Esie.

Pinunasan ko ang aking luha bago ako kumatok. Hindi siya sumagot.

Kumatok ulit ako. "Esie? Ako to si Ate.."

"Ate?" aniya. Saka niya binuksan ang pinto. Pumasok ako at napansin na namamaga ang kanyang mata dahil sa pag-iyak.

Niyakap ko siya. Kaya siguro tumawag siya kanina sa akin at tinatanong kung pauwi na ako dahil dito. Ang selfish talaga ni Papa. Hindi man lang ba niya naisip ang nararamdaman namin? Babalik siya na parang walang nangyari noon. Hanggang kelan ba kami masasaktan ng mga taong mahal namin.

"Dito na sila titira ate.." paos na sabi ni Esie.

Umiling naman ako sa kanya. "Hindi tayo papayag."

"Wala naman tayong magagawa eh.. Narinig ko sila ate na palalakihan daw yung bahay natin dahil magkakasama na tayong lahat dito.."

"Esie..." hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa totoo lang ay hindi ko din alam ang gagawin ko. Hindi ko mahanap sa puso ko ang pagtanggap ulit kay Papa paano pa kaya sa babae niya? Ako ang matanda sa aming dalawa pero wala din akong magawa sa ganitong bagay.

"Ayoko na siyang makita ate.. Ang makasama pa kaya?.. aniya. Umiiyak na naman siya.

Hinawakan ko siya sa balikat. "Kahit ako rin naman. Hindi natin mapipilit ang mga sarili natin kaya gawin lang natin yung normal na ginagawa natin kahit nandito sila okay?" pagkumbinsi ko sa kanya kahit mahirap yun na gawin.

Alanganin siyang tumango sa akin.

"Sa ngayon hindi ko kase alam, kung paano ko siya pipigilan eh. Narinig mo ang pagtatalo namin diba?" tumulo ang aking luha.

"Magtiis na muna tayo sa ngayon Esie.. Ang mahalaga magkasama tayong dalawa.." sabay yakap ko sa kanya.

Ma? Anong gagawin namin? Hindi ko na kase alam.

********

SHATTERED DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon