CHAPTER 24

34 16 44
                                    

Chapter 24

Hinanap ko ang ibang tao sa bahay namin.
Bakit biglang nawala si Esie? Umalis ba sila? Kami lang ba nila Nathan nasa bahay? Wala din yung katulong umuwi yata sa kanila.

Nakita ko ang mga kotse na nakaparada sa bakuran namin. Ako na lang yata ang walang kotse dito. Nakakahiya naman sa kanila 'no?

Pinuntahan ko na lang si Paulo. Nakita ko siyang prenteng nakaupo sa kanyang motor, habang naghihintay. Naka-cap siya, simpleng shirt na white at maong pants. Ngumiti siya sa akin ng makita niya ako.

"Yow!" cool niyang bati sa akin. Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa, saka sumipol ang gago!

I mouthed 'Gago!' sa kanya. Tumawa naman siya. Baliw talaga!

"Anong ginagawa mo dito?" bungad ko sa kanya.

"Dinadalaw ka, pupunta din si Cindy diba? May sasabihin daw sayo!" aniya. Ngayon ba yun? Nakalimutan ko ah. Oonga pala nagtext siya sa akin nung isang araw. Ano naman kaya sasabihin nun?


"Oo alam ko, sa loob na natin siya hintayin", sagot ko.

"Daming kotse ah, may bisita yata?" tanong niya ulit.

"Si Nathan, may bisita", kibit balikat kong sagot.

"Oh, bakit tunog disappointed?" aniya.

"Huh? Baliw! Tara na nga pumasok na tayo do'n", aya ko sa kanya.

Hindi ko alam kung saan kami muna magstay, dito sa bahay. Hindi naman pwedeng sa kwarto ko diba? Baka ano pa isipan ng iba o baka may gawin pa 'to sakin. Kinilabutan ako sa naisip ko! Hindi yata ako nagdadasal kaya ganito.

Sabay kaming naglakad papunta ng bahay. Napagpasyahan kong sa likod na lang may terrace naman doon kaharap ng bukid, habang hinihintay namin si Cindy. Sila lang nakakaalam ng bahay namin, yung mga kaibigan ko sa school ay hindi, hindi ako komportable sa kanila na papuntahin sa bahay, kaya sa labas na lang.

Naririnig namin ang pag-uusap at tawanan nila sa loob. Nagkatinginan kami ni Paulo bago kami pumasok, nagkibit-balikat lang siya sa akin.

Magkasunod kaming pumasok ng bahay. Napatingin naman silang lahat sa amin. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang dinadalaw ako ng boyfriend ko at sila ang kikilatis dito kung karapat-dapat ba siya sakin. Sobrang awkward nito!

"Huh! Ikaw yung sa sa org. diba?" narinig kong sinabi nung isang babae na kaibigan ni Nathan.

Huminto ako sa paglalakad, dahil huminto si Paulo para harapin sila, tumango siya sa kanila at ngumiti. Pa-cute din ang isang 'to. Kilala niya pala ang mga ito. Sabagay magka-building lang sila.

"Hi! Kayo pala yan", bati ni Pau sa kanila.

Napatingin ako kay Nathan, may laptop sa kanyang harapan, nakakunot noo siyang nakatingin sa amin. Sa akin?

"Hello!" mahinhin na bati ni Amy sa kanya. "Magkikita rin pala tayong lahat dito. Nakakatuwa naman!" saka siya matamis na ngumiti. Ako hindi natutuwa!


"Magkakilala pala kayong dalawa?" tanong naman nung isang lalaki na kaibigan nila, may hawak siyang makapal na papel.

"Nililigawan ko siya.." seryosong sagot ni Paulo sa kanya.

"Huh?" nagulat ako at napatingin kay Paulo dahil sa sinabi niya. Saka ko tinignan ang mga tao sa harap namin na natahimik.

Tumikhim yung lalaking kaibigan ni Nathan saka ito tumingin sa kanya. Nakita ko si Nathan na pinagpatuloy ang ginagawa sa latop, pero madilim ang tingin niya doon na parang may ginawa iyon na masama sa kanya.


SHATTERED DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon