Chapter 5
Simula ang ginawa nilang eksena sa classroom ay hindi na ako natahimik dahil sa mga tanong ng mga kaklase ko, hindi ko alam kung ano ang gusto nilang makuha na sagot sa akin dahil tatlo sa mga crush nila ang nagbigay sa aking ng rose. Ano naman? As if magiging boyfriend ko ang isa sa kana like I said wala akong interes at panahon na ganoon na bagay.
Kung itatanong niyo kung anong laman ng sulat ni Paulo. Wala. Wala naman talaga, quotes lang iyon related sa love na parang sinearch niya pa saka kinopya. Natawa na lang ako pero sige meron sa effort. May maisulat lang!
Nag quiz kami sa isang subject at nagpalitang ng papel para mag check. Nang matapos mag check ang lahat at bumalik ang papel ko sa akin ay may napansin akong nakasulat sa ilalim ng paper ko binasa ko iyon.
"Hi crush!!!! Ang galing mo talaga!
Corrected by: Paulo cute :)"Pambihira. Napatingin ako kay Paulo nahuli kong nakatingin siya sa akin nang makita na niya akong nakatingin ay tinitigan niya ako lalo habang pinaglalaruan ang ballpen sa kamay niya. Napabuntong hininga ako saka tiningnan na lang ulit ang papel ko perfect score ako sa quiz ka iyon.
Ano bang problema niya?
Pumunta ako sa garden ng school may upuan at lamesa kase doon kaya naupo lang ako. Nilapag ko ang mga libro ko sa lamesa. Tahimik dito saka medyo malayo sa mga classroom nasa gilid na bahagi ng school kaya dito ko napili tumambay dahil walang klase tapos recess na after. Wala si ate Iza pinatawag sila ng teacher nila sa office may ipapagawa siguro sa section nila. Nakasalubong ko siya kanina.
Katext ko si Rose at si Jeca mukhang masaya na talaga si Rose ngayon kaya naman natutuwa din ako, si Jeca naman ay kinakamusta ko kase minsan ko na lang siya makita, minsan na lang kami tumambay kase kung hindi nagrereview o gumagawa ako ng assignment, pagod naman siya sa pagtitinda.
Napansin kong parang gumalaw yung halaman at may naramdaman akong umupo sa may harap ako. Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Paulo.
"Ellie, nakikita mo pa ba ako?" He asked.
I rolled my eyes " Kung mang-aasar ka lang umalis ka na"
Tumawa lang naman siya.
"Grabe naman! Curious lang since ang cute ng mata mo singkit" he commented.
"Oo na maliit na" I answered.
Humalakhak naman siya.
"Anong ginagawa mo dito? Ba't mag isa ka lang?" he asked again.
"Wala lang gusto ko lang dito tahimik" sabi ko na lang.
Tumango lang siya saka luminga-linga sa paligid na parang bata.
"Bakit nandito ka? May kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya habang nagrereply sa mga text ng pinsan ko.
Umiling siya "Wala lang. Nakita kase kitang mag-isa kaya yun"
"Puro aral ka talaga 'no?" he asked.
"Bakit? May masama ba dun?" balik tanong ko.
"Wala naman kahit dito kase" aniya.
"Wala naman akong ibang gagawin dito saka nasa eskwelahan tayo para mag-aral"
Nakikita ko sumusulyap sa phone ko.
"Alam ko naman 'yon. Sinong katext mo?" pag usisa niya.
"Pinsan ko. Bakit?"
Inilabas niya ang phone niya sa kanyang bulsa saka inilapag sa harap ko sa ibabaw ng mga books ko.
"Number mo?"
Ka parehas ng phone ko ang kanya. Hindi ko kinuha iyon pinag-iisipan ko kung ibibigay ko ba o hindi. Anong naman gagawin niya doon? Baka kulitin lang niya ako.
Kinuha ko iyon napagpasyahan kong hindi ibigay ang number ko, saka ibinalik lang sa kanya ang phone niya kumunot ang kanyang noo. Kinuha ko ang mga libro ko saka tumalikod na sa kanya at umalis na garden. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko na siya nilingon. Wala akong panahon sa ganyan.
Nang makabalik ako sa classroom ay may nakaupo na babae sa tabi ng upuan ako wala doon si Cindy inilagay ko ang mga books sa desk ko saka naupo. Humarap naman sa akin yung babae si Jenna 'yon isa sa magaganda na babae sa classroom namin. Napatingin ako sa kanya dahil nakatitig siya sa akin na parang may gustong sabihin.
"Ellie? May gusto ka ba kay Paulo?" Jenna asked.
"Huh? Bakit mo naman natanong yan?" tanong ko pabalik.
"Ang swerte mo buti ka pa may crush sayo si Paulo" her voice was a bit sad.
"Wala akong panahon sa ganyan Jenna" sinabi ko na lang.
"May gusto kase ako sa kanya pero ikaw ang gusto niya"
Inayos niya ang kanyang buhok.
"Sa akin na lang siya Ellie 'no?" dagdag pa niya.
"Ikaw ang bahala Jenna wala naman akong gusto kay Paulo" sabi ko na lang.
"Yes! Thank you Ellie" she smiled at me bago tumayo saka lumabas ng classroom.
Napailing na lang ako. Parang bagay naman yung tao pero bahala sila. Ilang taon pa lang kami sa tingin ko hindi mo pa malalaman kung talagang gusto mo ang isang tao o hindi. Wala naman kasiguraduhan yung mga nagpapakasal nga naghihiwalay din ag nakakahanap ng iba paano pa kaya kung nag-aaral pa lang.
Mas itinuon ko ang atensyon ko sa pag-aaral kahit pa nga tinanong din ako si Renz at charlie about sa pagbo-boyfriend pero pareho lang ang sagot ko. Ayokong magpaasa ng tao at hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanila.
Pagkalipas ng isang linggo nabalitaan kong girlfriend na nila Renz at Charlie ang dalawa kong kaklase na babae. It's fine though. Sana lang ay magtagal sila.
********
Ang problema hindi mo talaga alam kung kelan darating.
Kinagabihan ay nalaman namin na nilalagnat pala ang kapatid ko na si Esie. Hindi din siya makakain kaya naman dinala na namin siya sa clinic pero sinabihan kaming dalhin na siya agad sa hospital ay may dengue na ang kapatid ko kaya naman iyon ang ginawa namin ni Mama.
Buti na lang din at nadala namin siya agad bago lumalala ang kanyang kondisyon. Ako ang nagbantay sa kanya sa hospital minsan sinasamahan ako ni Jeca, Rose at bumisita din si ate Iza. Nagpatuloy magtrabaho si Mama hindi ako pumapasok sa school malamang marami akong hindi magawa pero siguro ganoon talaga. Nangayari ang ganitong mga bagay kahit hindi natin gustuhin at hindi maiiwasan.
Halos dalawang linggo ang inilagi ng kapatid ko sa hospital. Kita ko ang pagod ni Mama pag punta sa hospital pagtatrabaho naawa ako sa kanya. Si mama na lang ang meron kami at aasahan namin.
Naging maayos ang kapatid ko iniuwi na din siya sa bahay namin hanggang sa nakabalik na din kami sa school.
Pagkapasok ko ay tinginan ang mga kaklase ko sa akin alam kong nagtataka sila kung bakit absent ako samantalang hindi ko gawain iyon. Napansin kong nakatingin sa akin si Paulo katabi niya si Jenna. Naupo na lang ako sa aking upuan.
"Tagal mong nawala, ginawa kita ng ibang activity pero sa iba hindi pwede" ani Cindy pagkaupo ko. Nakakatext ko siya kaya siya lang nakakaalam kung ano ang nangyari.
Natouch naman ako sa kanyang ginawa.
"Salamat. Ako nang bahala sa iba" ngumiti ako sa kanya.
Nakausap ko na din angmga teachers namin pero wala naman silang binigay na special project sa akin. Bumawi na lang ako sa quiz at test. Hindi ko na din inisip ang grades ang mahalaga maka-graduate ako.
May project kami sa MAPEH na sayaw kaya naman simula ngayon late na ako makakauwi dahil magpa-practice kami after ng school.
********