Chapter 9
Maganda ang langit. Maaliwalas ang paligid nakikisama ang panahon sa araw na ito.
Maraming tao na nakasuot ng puti. Malulungkot, umiiyak at may mga hawak na bulaklak.
Ngayon ang araw ng libing ni Mama. Tinulungan ako ng pinsan niya na mabait sa amin para maasikaso ang lahat-lahat. Mga gastos para sa mga kailangan.
Umiiyak si Esie na nasa aking tabi. Pinapatahan ko siya kahit na ako din ay ganoon habang pinapasok na ngayon ang kabaong ni Mama isa-isa kaming nilalagay sa loob ang mga bulaklak na hawak namin.
Nang kami na ni Esie ang maglalagay ay humagulgol na siya ng todo.
"A..te.. hindi... ko yata kaya... si M-Mama.. bakit...." humihinga na siya ng malalim ngayon. "b-bakit niya... kailangan tayong iwan...."
Niyakap ko na siya ng mahigpit at hinagod ang kanyang likod. "Shhhhh! Kaya natin 'to, kakayanin natin Esie.." sinabi ko sa kanya kahit na umiiyak na rin ako.
"Nandito lang si Ate.. lagi para sa'yo.." dagdag ko pa pero patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
Mama please! Samahan mo pa rin kami ni Esie dahil hindi ako sigurado kung kakayanin ko rin ba. Kami na lang dalawa ngayon.
Nakita kong palapit na sa amin sila ate Iza, Jeca at Rose.
"Tahan na..." sinabi ni ate Iza sabay hagod sa aking likod.
"Ate Ellie..." umiiyak na tawag ni Rose sa akin.
Nagpupunas naman ng luha si Jeca sa tabi namin. Nakiyakap na rin sila sa amin habang umiiyak, buti na lang at nandito pa rin sila.
Nag-iyakan kami doon habang pinapanuod na tinatakpan na ang puntod ni Mama.
Kapag kuwan ay unti-unti ng nag-aalisan ang mga tao hanggang sa maiwan na lang kaming dalawa ni Esie sa harap ng puntod ni Mama.
Nakasandal ang kanyang ulo sa aking balikat.
"Esie, magtutulungan tayo... mag-aral kang mabuti okay?"
Ginalaw ko pa ang aking balikat para sumagot siya.
"Hindi ba pwedeng... mag trabaho na lang din ako..?" paos niyang tanong.
Hinarap ko na siya. " Hindi! Nangako ako kay Mama na kahit ikaw lang kailangan makatapos ng college"
Nakita ko ang namamaga niyang mata, malungkot iyon.
"Ate... kaya mo ba talaga..?"
"Oo... sabi ko nga diba kakayanin.. pag-aaralin kita" seryoso kong sinabi sa kanya.
Tumango naman siya sa akin bilang sagot.
"Si Papa ate? Hindi... ba natin sasabihin sa kanya..?" mahina niyang tanong pagkalipas ng ilang sandali na katahimikan.
"Gusto mo bang sabihin natin?" tanong ko sabay tingin sa kanya.
Umiling siya saka pinunasan ang tumulo niyang luha. "Iniwan niya tayo para... sa iba... pinabayaan niya si Mama..." napapaos niyang sabi.
"Hayaan na natin siya Esie..."
"Ang sama niya 'no ate... nakaya niya na pabayaan tayo... tapos si Mama lang ang sumalo sa lahat..."
Humugot ako ng malalim na hininga. "Hindi na siya yung tatay na nakilala natin... Si Mama lang ang mahalaga ngayon..."
"Masaya siya sa bago niya ate.... Nakita ko nga yung facebook niya.... parang tatay na mabuti sa mga post niya kasama yung bago niyang asawa at anak...." sinabi niya pero alam kong malungkot siya. Hinahanap niya rin ang kalinga ng isang ama.
"Huwag mo na ulit titingnan 'yon, diba pinagbawalan na tayo ni Mama..."
"Sorry Ma!" kausap niya sa puntod ni Mama.
"Ang sakit lang kase ate... Nung ginawa niyang pag-iwan sa atin... tapos ngayon si Mama naman yung nawala... pakiramdam ko.... lahat na lang iiwan ako... o tayo...." umiyak na siya ng tuluyan ngayon.
"Saka alam ko... malungkot ka din nung umalis siya... pero hindi mo lang pinapahalata..." dagdag niya.
Naiyak ako sa kanyang sinabi. Ang bata pa niua pero nararamdaman na niya ang mga ito.
Ito ang naidulot ng pag-iwan sa amin ni Papa sa nung bata pa siya. Hindi ko kayang ganito siya pati ako nasasaktan.
"Esie...." niyakap ko siya. "Alam ko ang nararamdaman mo... Nandito lang ako hindi ako mawawala..." pag-alo ko sa kanya.
I'm sorry kung nangyayair ang mga ito.
"Sigurado ka diyan a..te...." pumiyok pa siya dahil sa pag-iyak.
"Oo naman... tumahan ka na... Kakayanin natin 'to lahat. Kahit pakonti-konti.."
Naramdaman kong tumango siya pero umiiyak pa rin siya.
Tumingala ako sa langit. Ma, kakayanin ko para kay Esie. Sasamahan mo naman kami diba?
Nakatulog si Esie pagkauwi namin galing sa sementeryo.
Nasa harapan ako ng kwarto nila Mama at Papa dati na naging kwarto na lang ni Mama.
Huminga ako ng malalim at pinigilan ang nagbabadyang luha sa aking mata bago pinihit ang seradura ng pinto saka binuksan 'yon. Bumungad sa akin ang malamig na hangin galing sa bintana na naka bukas at bukirin ang nasa labas. Sa may malapit sa bintana ang kama na may floral na sapin nakaayos ang kumot at unan ni Mama. Naupo ako sa kama. Hinaplos ang kumot at unan ni Mama.
Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto niya. May aparador doon sa malapit at maliit na lamesa nilalagyan ng mga gamit ni Mama. Nakita ko yung picture sa ibabaw ng lamesa picture naming tatlo iyon nung graduation ko mg high school. Hindi pa nga nagtatagal na graduate ako nawala na agad ni Mama. Parang nararamdaman ko pa rin siya na nandito siya. Nakakalungkot ng sobra! Tumulo na naman ang aking luha. Ang hirap naman ng ganito. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit at lungkot, pero meron sa bahagi ng utak ko na nagsasabing maayos na si Mama hindi na siya nasasaktan pa ngayon.
Sana mawala na yung sakit. Hindi ko alam kung saan mag-uumpisa nito. Huminga ulit akong malalim para mabawasan ang sakit ng aking dibdib.
Ibinalik ko sa dati ang pictute namin. Binuksan ko ang aparador kung nasaan ang mga damoot ni Mama. Naaamoy ko siya. Namimiss ko na siya tuloy. Noong umalis si Papa hindi ko naramdaman na kulang kami dahil pinunan lahat iyon ni Mama pero ngayon, ngayon ko nararamdaman na kulang na kulang talaga kami dahil wala na siya.
Hahayaan ko lang ang muna ang mga gamit ni Mama dito.
May napansin akong kulay yellow sa ilalim ng mga nakatupi na damit ni Mama. Kinuha ko iyon. Square na bag iyon. Nilalagyan 'to ng mga mahahalagang papeles ni Mama. Nang buksan ko nakita ko yung titulo ng lupa namin, mga certificates at passbook? Kinuha ko yung passbook.
Tumulo lalo ang luha ko ng binuksan ko at nakita ko ang laman niyon. Naka-pangalan iyon sa akin at may laman na pera na kayang pag-aralin si Esie ng college. Inipon iyon ni Mama para sa amin ni Esie, naalala ko yung sinabi niya nung nakausap ko siya.
"Malaki na kayo... Kaya niyo na ang sarili niyo talaga"
Lalo akong naiyak ng maalala iyon. Nararamdaman na ba niya na mawawala na siya? Bakit hindi ko napansin? Bakit hindi ko alam? Nakakainis!
Sumasakit na ang ulo ko kakaiyak, pero wala iyon kumpara sa sakit nararamdaman ng puso ko ngayon.
Nahiga ako sa kama ni Mama ng patagilid bumalot ako na parang bata, habang umiiyak at inaalala ang lahat lalo na ang katotohanang simula ngayon dito na namin mararanasan ang totoong buhay ng kaming dalawa lang. Hindi ako sigurado kung paano pero kailangan kong maging malakas para kay Esie. Ako na lang ang aasahan niya ngayon.
Totoo ang sinabi nila na maikli lang ang buhay ng tao at hindi natin alam kung kelan ito kukuhanin sa atin kaya dapat nating pag-ingatan ang lahat.
********
Hi... Please do support my story. TYSM!♡