Chapter 29
"M-May n-nangyari sa amin ni R-Rachelle.." aniya.
May nangyari sa kanila, as in? Nagulat ako ng magsink-in sa utak ko ang sinabi niya. What?
Rachelle? Her name was familiar. Saan ko ba narinig yung name niya?
"Isa ba doon sa mga babae na kausap niyo?" tanong ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang pagtango niya. Napabuntong-hininga ako. Kaya naman pala mukhang inis na inis siya nung nakita ko sila.
"Gustong-gusto kita Ellie, pero tangina!" pagmumura niya saka bahagyang lumayo sa akin. "Ang tanga-tanga ko!" naiinis niyang sinabi.
Nagulat pa ako sa pag-amin niya sa akin, alam kong may crush siya sa akin nung high school pero hindi ko inaasahan na ganito. Kung sa ibang pagkakataon matatawa ako sa kanya pero iba ngayon. Masyado siyang naiinis sa kanyang sarili at pati na rin sa nangyari.
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Kung may masasabi man ako, makakagaan ba 'yon ng loob niya, lalo na kung nangyari na ang bagay na 'yon.
Naglakad ako palapit sa kanya para makita siya ng maayos, pero nakayuko lang siya roon at hindi tumitingin sa akin.
"Paulo, tumingin ka nga sa akin." utos ko sa kanya, pero hindi siya gumagalaw doon.
"Galit ka ba?" tanong niya bigla.
Hindi ko siya sinagot sa halip ay nagtanong na ako. "Anong plano mo ngayon?" tumabi ako kay Paulo. Ayaw niyang tumingin sa akin, hindi siya siguro komportable, kaya hinayaan ko na lang.
"Hindi ko alam.. Pero sinabi ng Papa niya, na panagutan ko siya, eh hindi ko nga matandaan kung talaga bang may nangyari sa amin. Wala akong maalala.." naiinis na ginulo niya ang kanyang buhok.
Nagulat ako at napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Bakit hindi niya maalala? Sarap din batukan ng isang 'to.
"Ano?! Paanong hindi mo maalala? Ano bang nangyari sayo?" medyo naiinis na tanong ko. Paano mo hindi maalala ang ginawa mo?
Para naman siyang ewan na hindi mapakali. Naglakad na naman siya, medyo malayo sa akin at hinahagod ang kanyang buhok na parang inaalala ang mga nangyari, pinanuod ko lang siya habang ginagawa niya 'yon, saka na naman siya naglakad ulit palapit sa akin sa may gilid ko. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. Nilalamok na din ako sa kinatatayuan namin. Hindi naman masyadong maliwanag rito. Yung ilaw sa poste ay parang mamamatay na sa sobrang hina.
Naalala ko nung mga panahon na ako ang may problema, ay nandiyan siya para sa akin. Ako naman ang dadamay sa kanya ngayon, pero hindi ko akalain na ang magiging problema niya ay babae. Napangiwi ako. Hindi kase magpigil!
"Um-attend kami ng birthday party ni Rachelle, marami kami kasama ko rin si Sean.." pagkuwento niya.
"Uminom kami, pagkatapos... nagising na lang ako wala na yung pang-itaas kong damit tapos.. tapos may katabi na akong babae, si Rachelle nga.. tapos nung aalis na ako dahil sa gulat saka naman dumating yung papa niya, nagalit nga at sinabing panagutan ko daw ang anak niya... Silang lahat sa ibang kwarto natulog, kami lang yung magkasama... pero hindi ko talaga maalala..." hinilamos niya ang kamay niya sa kanyang mukha.
Napahawak ako sa aking noo ng marinig ang kwento niya. Baka naman sinadya nung Rachelle, gwapo si Paulo maraming nagkakagusto sa kanya, kaya lang kapag naaalala ko yung hitsura nung babae na isa man sa kausap nila. Hindi naman na kailangan gawin ang ganoon, magaganda sila at mukhang matatalino rin. Kaya bakit?
Natahimik kami pareho.
"Nakakahiya, bakit ko ba sinabi pa sayo. Nakakainis! Kahit yata pakikipagkaibigan hindi na ako karapat-dapat sayo.." bakas ang lungkot sa kanyang boses. Para naman hindi ako nagkakamali sa sinabi niya.