CHAPTER 19

31 21 10
                                    

Hiii! LadyLava_404

Chapter 19

Hinarap ko siya sa nagtatanong na mukha. Alam niyang dito ako magaaral pero hindi niya sinabi na dito rin siya nagaaral. Kakainis! Akala ko pa naman hindi ko siya makikita pag nasa school ako. Dalawang araw lang pala ang magiging payapa ako.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Obviously, I'm studying here", he answered.

Inirapan ko siya. I heared him chuckle.

"Obviously, alam ko! Naka complete uniform ka pa nga oh." sabi ko, sabay turo sa suot niya.

Tumawa naman siya. Napansin kong napapalingon ang ibang students sa amin or sa kanya talaga. Kahit anong suot! Tss!

"Engineer!"

Napalingon siya sa tumawag. Engineer? So, sa College of Engineering siya kagaya nila Paulo. Kaya naman pala tumutulong siya sa pinsan niya.

Isang lalaki at may kasama na babae yung tumawag sa kanya, tingin ko ay kaibigan o kaklase niya ang mga iyon. Ngumiti sa akin yung babae na kasama nung lalaki. I awkwardly smile back.

Hindi ko maintindihan ang senyasan nila nung lalaki. Pwede pala 'yon? Nakakapagusap sila ng ganon?

"Ge!" narining kong sinabi ni Nathan. Tumango naman yung lalaki sa kanya saka umalis na din kasama yung babae.

"Mga classmates ko", aniya.

"Di ko naman tinatanong!" mataray kong sagot sa kanya. Natawa na naman siya. Abnormal yata ang isang 'to.

"So? Bakit hindi mo sinabi na dito ka nagaaral. Alam mong dito ako nag enroll!" sabi ko.

"Don't worry, two years mo lang akong makakasama dito", sagot niya.

Sumimangot ako. Two years? Matagal din yun ha.

"Possible bang lumipat ng school sa unang araw ng klase?" seryosong tanong ko.

Humalakhak na siya ngayon. Tiningnan ko siya ng masama, akala yata ng isang 'to nagbibiro ako.

"At saka, akala ko sa manila ka?" tanong ko pagkatapos niyang tumawa do'n.

Umayos naman siya ng upo sa tabi ko. "Malapit ang bahay namin dito dati, pero kila JP na ngayon", sagot niya ay yung tinutukoy ay yung pinsan niya na Engineer.

Kunot noo ko siyang tiningnan. "Taga bulacan talaga kayo?"

"Ellie.."

Taga dito sila? Kung ganoon, matagal na nga na magkakilala ang parents namin. Hindi ako makapaniwala! Ibinigay nila yung bahay nila sa kamag-anak nila dahil titira sila sa amin. Plano talaga nila 'to. Naawa lalo ako kay Mama. Hindi niya 'yon deserve.

"Nagkakilala sila sa dubai.." aniya na parang pinagtatakpan pa ang parents namin.

"Wala akong pakialam! 'Wag mo na nga akong kakausapin ulit!" galit na sabi ko.

May sasabihin pa sana siya, pero tumayo na ako saka umalis at iniwan na siya roon.

Parang lalong nadagdagan lang ang galit ko sa kanila. Yung pakiramdam na galit ka, na halos maiiyak ka na sa galit pero pinilit ko na hindi umiyak habang naglalakad. Kaya mo yan Ellie!

May iba pa na mga babae ang tumitingin sa akin, siguro ay dahil nakausap ko si Nathan. Sa kanila na lang ang lalaking 'yon! Walang may paki!

Alam kaya ni Esie 'yon?

SHATTERED DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon