CHAPTER 8

78 61 8
                                    

Chapter 8

"Wala na si Mama ate...." hagulgol niya. Naibaba ko ang aking phone.

Nabingi ako. Literal na huminto ang lahat dahil wala akong makita na kahit ano, parang may dumagan na mabigat sa aking dibdib at hindi ako makahinga.

Pinipiga ng sobra ang aking puso at napahawak ako sa aking dibdib saka napaupo na lang ako sa classroom ng kinder habang sunod-sunod na bumagsak ang aking luha at wala na talaga akong makita. Tahimik akong lumuha.

Si Mama. Hindi. Imposible!

Hindi ko na alam ang nangyayari, namalayan ko na lang ang sarili ko na papasok ng hospital sa probinsiya namin kung nasaan si Esie at si Mama. Hindi ko alam na nakayanan ko pang bumiyahe pauwi kahit sobrang sakit ng puso ko at namamaga ang aking mata sa kakaiyak na kahit pinagtitinginan na ako ng mga tao na nakakasabay ko pero wala akong pakialam hindi na importante ang bagay na 'yon. Ang importante ay kung anong makikita ko ngayon.

Bawat hakbang, bawat lakad ko palapit kung nasaan si Mama ay parang gusto kong tumakbo na lang at hindi na tumuloy. Malalamig ang aking mga kamay, mga paa, buong katawan ko na yata ay nanlalamig. Hindi ako nandito para may dalawin na kaibigan, o may sakit nandito ako para puntahan si Mama. Si Mama ko na wala ng buhay.

Tumulo na naman ang aking luha. Hindi ko alam na meron pa pala.

"Ateeee!!!" tawag sa akin ni Esie nasa may labas siya ng isang kwarto.

Lumipat siya sa akin at hinawakan ang aking kamay at saka ako niyakap habang malakas siyang umiyak. Umiyak na din ako.

"Ate....si M-Mama.. paano na tayo ngayon..?" putol-putol niyang sabi habang umiiyak.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Tama may kapatid pa ako na dapat alagaan at bantayan. Kailangan kong maging malakas para sa kanya, para sa aming dalawa.

"Ate...." iyak pa din ni Esie.

"Esie puntahan na natin si Mama" malumanay kong sinabi sa kanya.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang kanyang luha pero umiiyak pa rin. Ako man ay ganoon.

Pagdating namin sa kwarto kung nasaan si Mama ay nakita namin yung doctor. Kinausap niya kaming dalawa ipinaliwanag niya ang lahat na hindi naipaliwanag ni Esie sa akin dahil sa pag-iyak niya. Mas lalo akong nanlumo at naiyak dahil sa sinabi ng doctor. Inatake sa puso si Mama at hindi na daw kinaya pa ng katawan niya sa pagod at sa sobrang stress na rin. May iniinda na palang sakit si Mama hindi man lang niya sinabi sa amin. Hanggang sa huli kapakanan pa rin namin ang iniisip niya. Ang sakit! Sobrang sakit pala nito.

Sa harapan namin. Nakahiga sa puting kama at may puting kumot si Mama. Bakas ang pagod sa kanyang mukha. Kung sa ibang pagkakataon ay iisipin na natutulog at nagpapahinga lang si Mama. Totoong nagpapahinga na nga siya ng habang buhay.

Ang makita ang mahal mo sa buhay na nakahiga at wala nang buhay ay sobrang sakit at lungkot. Akala ko masakit na ang pag-iwan sa amin ni Papa dati may mas sasakit pa pala. Sinisisi ko ang lahat, si Papa, lalo na ang sarili ko dahil wala akong magawa.

Hinaplos ko ang kanyang buhok habang patuloy ang pagtulo ng aking mga luha sa kabilang bahagi ng kama ay naroon si Esie hawak ang kamay ni Mama ay umiiyak.

Naaawa ako sa kanya. Kami na lang dalawa ngayon. Napapikit na lang ako habang umiiyak.

Ma, lalakasan ko ang loob ko para sayo at para kay Esie. Hindi ko siya pababayaan kahit mahirap Ma, kakayanin ko. Makakapagpahinga ka na ng maayos talaga sana maging masaya ka na, mahanap mo na ang kaisayahan at kapayapaan na hindi mo naranasan dito sa lupa.

Ang sabi nila kinukuha ng Diyos ang mga mababait na tao. Sang-ayon ako sa mabait at mabuting tao si Mama puro kabutihan ang gusto niya para sa amin pero ang pagkuha sa kanya ay hindi ko kaya. Akala ko makakasama pa namin siya ni Esie ng matagal. Makakasama sa mga okasyon sa buhay namin.

Wala akong tulog. Hindi na yata ako nakakatulog o dinadalaw ng antok.

Nakaupo lang ako sa tabi ng kabaong ni Mama. Si Esie ay pinagpahinga ko na muna. Umalis na din ang kanyang mga kaibigan at kaklase na nakiramay sa amin.

Ang mga kamag-anak namin, ang mga pinsan ko ay nandito dinadamayan kami at nagaasikaso sa mga nakikiramay pa. Pero hindi ko maiwasan mainis kapag naririnig kong pinag-uusapan nila si Mama, si Papa at kung bakit siya namatay at kung paano na daw kaming magkapatid?

Pagod, lungkot at kawalan ang nararamdaman ko pero akala nila wala na akong pakialam sa pinag-uusapan nila ay nagkakamali sila kaya din pinapaghinga ko si Esie ayokong marinig niya ang mga iyon. Ilang araw na rin siyang umiiyak at alam kong pagod na rin siya. Ang mga taong ito walang ibang alam gawin kung hindi pag-usapan ang buhay ng ibang tao.

Napatingin ako sa aking phone ng umilaw ito. May nag message. Ilang beses na rin akong nakakatanggap ng mensahe sa mga kaklase ko pati sila Paulo at Cindy at ang iba pa namin na kamag-anak. Wala nang magulang ni Mama patay na pareho ang kanyang isang kapatid ay nahiwalay din sa kanya ang mga nandito na kamag-anak niya ay pinsan niya lang at yung iba ay second cousin. Isa-isa kong nireplyan ang kanilang mga mensahe sa akin.

Binuksan ko ang aking facebook account. Hindi kami nagpost sa social media gusto kong maging tahimik lang ang lahat para na rin payapa si Mama pero may iba talaga na kamag-anak siya na iba ang takbo ng utak. Hinayaan ko na lang at hindi na pinansin nag private na lang ako ng account.

Napadako ang tingin ko sa mga friends suggestion. Nakita ko ang pamilyar na profile. Si Papa may kasama siya sa picture at hindi gustong malaman kung sino pa 'yon at ni-click ko na agad ang remove.

Isa pa sa dahilan kung bakit hindi ako nagpost ay dahil baka makita ni Papa or makarating pa sa kanya. Hindi ko kailangan ng pakikiramay niya at lalo na ng awa niya.

Napatingin ako sa mga tao na narito. Ang ibang kamag-anak ni Mama ay hindi niya gusto dahil nung panahon na meron kami ay mababait sila sa kanya pero nung nawala na ay hindi na sila mahagilap. Hindi na rin kami tinulungan kaya naman hindi ko siya masisisi kung medyo lumayo ang loob niya sa kanila. Pinapayagan niya lang akong makisama sa iba kong pinsan. Ibinalik ko ang tingin ko kay Mama. Hindi naman sila importante ang importante ay si Mama. Sana masaya siya kung nasaan man siya ngayon. Ako ang mag-aalaga kay Esie at sisiguraduhin ko na magiging ayos kaming dalawa.

Naramdaman kong may tumabi sa akin. Napatingin ako sila Ate Iza pala, si Jeca at Rose iyon.

Hinaplos ni Rose ang aking likod. "Ate Ellie..."

"Magpahinga ka din Ellie" malumanay na sinabi ni Ate Iza.

"Ayos lang naman ako" sagot ko.

"Ellie, nandito lang kami" hinawakan ni Jeca ang aking kamay.

Bahagya akong ngumiti sa kanila. At least nandito sila para sa akin.

Tahimik kami habang pinag-mamasdan si Mama.

I will be forever grateful for this woman. Siya ang naging kakampi ko sa lahat ng bagay. Sana... Sana... Hindi na lang nangyari ito.

********

SHATTERED DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon