CHAPTER 16

36 22 9
                                    

Chapter 16

Ikinuwento ni Esie ang pagsama niya kila Papa sa restaurant na pagmamay-ari nila sa Manila. Dumalaw kami sa puntod ni Mama umaga ng sabado doon siya nagkwento. Tama nga ako na malambot ang puso ng kapatid ko kumpara sa akin. Masyado siyang inosente sa mga bagay pero natutuwa ako na lumaki siya na mabuti. Ang mahalaga naman sa akin ay ayos lang talaga siya.

"Ate? Magagalit ka ba kung sasabihin ko na mabait si Tita Mel? Pero hanggang dun lang naman." tanong niya. Magkatabi kaming nakahiga sa kama niya.

"Hindi naman yun ang tingin mo sa kanya eh. Kung okay ka sa sitwasyon na 'to. Okay na din ako" sabi ko.

"Huwag mo akong alalahanin. Dapat simula ngayon mabuhay ka para sa sarili mo ate.." gumalaw siya para ayusin ang kanyang kumot.

"Ano? Bakit naman? Ikaw na lang ang kapatid ko bakit naman kita hindi aalalahanin?"

Nakita kong ngumuso siya. "Isipin mo sarili mo ate. Malaki na ako saka alam kong ayaw mo ng sitwasyon natin.."

"Esie, ayos lang. Hindi naman kita dapat idamay sa galit ko sa kanila at saka basta hindi ka nila sasaktan"

"Ate talaga.. Hindi ko pa naman sila tanggap ng buo.. Mabait lang sila yun lang.." paliwanag pa niya.

Tumagilid na ako ng higa paharap sa kanya.

"Oo na. Ang alalahanin mo ay pag-aaral okay?" sabi ko na lang.

"Oo naman! Ikaw din galingan mo sa course na napili mo" pagngiti niya sa akin.

"Syempre naman! Ako pa ba?" pagmamalaki kong sinabi.

"Sabagay magaling ka sa design at drawing" komento niya.

"At maganda pa?" dagdag ko.

"Eww ate mahiya ka nga.." aniya saka tinalikuran ba naman ako. Tingnan mo 'to ang supportive na kapatid.

"Hoy! 'Wag mo nga kong talikuran. Totoo naman kaya" sabi ko pa saka ko siya hinatak pero hindi siya nagpapahatak sa akin.

Natatawa siya "Ewan ko sa'yo ate.."

Nagtawanan kami ng nakita namin magulo na ang kama siya sa likot naming dalawa.

Masaya ako na ayos si Esie 'yon lang talaga ang mahalaga.

Kinabukasan ay napagpasyahan kong magpasama kay Paulo o kaya kay Cindy o sa kanilang dalawa kung sino ang pwedeng sumama sa akin sa malapit na Mall para sana tumingin or bumili ng laptop na magagamit ko sa school. Sana lang hindi sila busy.

Iniwan ko si Esie sa kwarto since tulog pa naman siya. Nagpunta ako sa kusina at naabutan ko sila na nandoon nakaupo nagkakapae si Engineer Mariano kasama si Nathan at si Papa. Nakasuot naman ng apron si Tita Mel na playing house wife. Hindi ko maiwasan umirap sa nakikita. Ang aga-aga masyado.

Pinagpipiliin ko kung tutuloy pa ba ako o hindi.

"Ellie gising ka na pala. Maupo ka na dito para makakain" giya ni Papa sa akin.

Napatingin naman yung tatlo sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi maupo roon kasama sila.

Naupo ako sa may kabilang bahagi sa may harap nila yung walang katabi.

Kumuha ako ng baso para magtimpla ng kape.

"Nakapili ka na ba ng school at kurso Ellie?" tanong ni Papa habang naglalagay ako ng kape sa baso.

Napatingin ako kay Nathan bago ako nakasagot.

"Sa Bulacan University ako mag-aaral, about art and design ang kukunin kong course.." sagot ko.

SHATTERED DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon