CHAPTER 10

62 50 7
                                    

Chapter 10

Hindi naging madali para sa amin ni Esie ang mag-adjust araw-araw na wala na si Mama. Ilang linggo na wala si Mama ay sobrang hirap. Mahirap mawalan ng Ina ng tahanan lalo na kung nasanay na laginh nandiyan para sayo.

Alam kong malungkot pa rin si Esie kahit ako naman ng dahil sa nangyari buti na lang yung iba naming pinsan ay sinasamahan din kami kaya kahit paano ay gumagaan pa din ang loob namin at nakikipag biruan na kami sa kanila at kaming magkapatid pag kami lang ang nasa bahay. Sinusubukan naman namin at sa tingin ko ay yun ang importante. Sana ay maging maayo lang ang lahat.

Pinagpatuloy ko ang pagta-trabaho sa manila, si Esie naman ay sa bahay muna habang bakasyon pa. Wala akong pasok ng sabado at linggo kaya nakakasama ako ni Esie sa bahay at dinadalaw namin si Mama.

Napag-usapan na rin namin ang tungkol aa pag-aaral namin. Magta-trabaho ako habang nag-aaral pero hihinto muna ako ngayong taon at si Esie ang gagamit ng pera na iniwan sa amin ni Mama dahil para talaga iyon sa kanya.

Si ate Iza ay nagtatrabaho na din sa isang pabrika. Si Jeca ay tumtutulong sa Mama niya at si Rose ay nasa kanila lang sa aming apat si Rose ang may maayos na pamilya at mababait pa kaya madalas kami sa kanila. Masaya ako na kahit paano ay ayos lang sila kahit na hindi na din sila mag-aaral muna.

Sabado ngayon napagpasyahan namin ni Esie na dalawin si Mama mamaya. Maaga akong nagising naghanda lang ako ng agahan naming magkapatid tulog pa naman si Esie.

Nagkakape ako at abala lang ako ngayon sa pag scroll sa newsfeed ko, hindi ko binibisita ang messenger ko tahimik 'yon, wala naman kase akong ka-chat. Minsan pag may time ang iba kong pinsan at kaibigan. Tapos sa text din minsan lalo na sila ate Iza ganoon din si Cindy saka si Paulo nagtetext sa akin hindi naman lagi pero kinakamusta nila ako saka, kaya rin wala sila dito ay dahil nakabakasyon sila sa mga probinsiya ng mga magulang nila.

"Ateeee!" sigaw ni Esie. Kinabahan naman ako kaya tumayo ako para sana puntahan na siya pero tumakabo na siya papunta kung nasaan ako, gulo-gulo ang kanyang buhok at halatang bagong gising. Tiningnan ko lang siya hinihintay ang sasabihin.

"M-May nag chat sa akin te.." aniya na parang kinakabahan.

"Sino? May ka chat ka?" curious na tanong ko.

Tumango siya "Oo siyempre meron" sagot niyang naguguluhan na ngayon.

"Sana all" bulong ko saka umupo na ulit sa pwesto ko at humigop na lang ng kape.

Akala ko naman may nangyari na sa kanya yung lang pala.

"Ate naman.." reklamo niya alam niyang binibiro ko siya.

"Ano? Sino ba 'yon?" tanong ko.

Umupo naman siya sa aking tabi.

"Nag chat din sayo 'yon ate.. Imposibleng sa akin lang mag chat si Papa" natigilan ako sa kanyang sinabi kaya napatingin ako sa kanya.

"Si Papa?" ulit na tanong ko. Anong kailangan niya?

"Oo ate tingnan mo pa.." iniabot niya sa akin ang phone niya. Kinuha ko 'yon saka ko siya tiningnan ng isang beses at binasa ang message ni Papa.

"umuwi na kami dito sa maynila...nabalitaan ko ang nangyari sa Mama niyo...kukunin ko na kayo ng ate mo...magiging maayos kayo dito sa amin..."

What? Gusto niya kaming kunin at tumira kasama nila? Parang mas nagalit ako sa kanya kahit papa ko pa siya nasa manila na pala sila at ngayon lang niya kami kinontak after how many years kung talagang mahal niya kami hindi niya gagawin 'yon, akala ba niya madali sa amin ang gusto niyang mangyari? Bakit siya ganyan? Hindi pa ba siya kuntento na iniwan niya kami, nawala si Mama at eto naman.

"Ate? Papayag ka ba? Huwag na ate.. Mas okay na dito tayo kahit mahirapan tayong dalawa ayos lang basta magkasama tayo dito saka nandito ang mga memories ni Mama... si Mama nandito..." tumulo ang luha ng kapatid ko. Alam kong gusto niya si Papa pero mas nangingibabaw ang pagmamahal niya kay Mama siguro ay dahil na rin sa ginawa ni Papa sa amin dati. Inilapag ko sa lamesa ang kanyang cellphone saka hinawakan ko ang kanyang kamay.

Lumunok ako para pigilan ang pag luha pero may takas pa din na tumulo sa aking pisngi. "Hindi Esie dito lang tayo. Kinaya natin na wala si Papa dati kaya kakayanin din natin ngayon..hmm.."

Hindi sigurado nag magiging buhay namin doon kay Papa kung papayag kami. Minsan na niya kaming iniwan at hindi binalikan anong pinagkaiba nun ngayon?

Mahirap pero kakayanin naming dalawa. At isa pa ayokong kasama ang bagong asawa ni Papa hindi ako makakapayag. Walang hihigit kay Mama.

Tumango sa akin si Esie. "Oo ate, kaya naman natin.. saka ayoko na kasama sila" aniya habang pinupunasan ang mga luha.

"Hindi mangyayari 'yon Esie dito lang tayo ako ang bahala sa'yo" saka ko siya niyakap at hinagod ang kanyang likod. Ang bata pa ng kapatid ko para maranasan ang lahat ng ito sa akin ay ayos lang kaya ko pero iba ang kapatid ko, masyado siyang nagiging emosyonal.

Ipinaliwanag ko pa kay Esie ang lahat na hindi kami aalis dito sa bahay namin at para hindi na siya umiyak pa at malungkot. Sinabi ko din na huwag na lang niyang replyan since nag message request lang naman si Papa. Hindi ko naman siya pababayaan at alam kong hindi kami pababayaan ni Mama kahit wala na siya alam kong pinapaunod niya kami mula sa taas.

Natapos naman agahan namin ng maayos kahit pa nga umiyak kami. Iniiwasan ko na nga ang mga topic na malulungkot tapos may ganoon na naman. Si Papa talaga! Ang laki ng pinagbago niya. Ganoon ba talaga kapag nakakahanap ng iba? Dati naiisip ko kung ano ba ang opinyon nung bago ni Papa sa mga ganito at bakit nanira siya ng relasyon ng iba, pamilya ng iba ganoon ba talaga ang pagmamahal? na kahit mali ay gagawin pa rin. Mabubulag para sa sariling kagustuhan. Hindi ko talaga maintindihan na merong ibang tao na ganoon. Napabuntong hininga na lang ako.

Napagpasyahan na namin na maghanda na rin para pumunta kay Mama. Hindi namin 'yon pwedeng kaligtaan kahit anong mangyari.

Naisip kong tingnan ang messenger ko. Titingnan kp kung nag message din sa akin si Papa. May message request nga roon. Si Papa. Kagabi iyon! Dalawa ang mensahe niya sa akin. Nagtatanong kung gusto namin na sa kanya tumira at yung mensahe na kukunin na niya kami, pero hindi ako papayag sa gusto niya.

Nireplyan ko si Papa saka para na rin matapos na ito. Ayokong mawala yung konting respeto na meron ako sa kanya kaya din ayoko na sana siyang makita pa. Pagkatapos no'n ay hindi ko na inisip pa.

Nang nasa puntod na kami ni Mama mabilis na naupo si Esie sa may damuhan hindi na hinintay na mailatag ko yung dala namin na sapin pero inilatag ko pa rin saka iniayos ang mga pagkain at tubig dahil magtatagal kami dito habang nag-aayos ako ay naririnig ko na nagkukuwento si Esie ay Mama ng mga nagyayari sa amin at sa sinabi ni Papa. Umihip ang malamig na hangin pakiramdam ko tuloy ay niyayakap kami ni Mama. Naupo na din ako at pinakinggan ko ang mga kuwento ni Esie.

Ma, sana maging maayos ang lahat sabi mo nga malalaki na kami at kaya na namin ang mga sarili namin.

********

SHATTERED DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon