CHAPTER 23

30 18 25
                                    

Chapter 23

Nakalipat na kami sa bagong gawa na bahay. May sari-sarili na ulit kaming kwarto. Sa wakas! Privacy. Mag-isa.

Magkatabi ang kwarto namin ni Esie. Hindi ko alam kung sadya o hindi, pero katapat ng kwarto ko ang kwarto ni Nathan. Katapat ng kay Esie si Nico. Sa master bedroom na hindi kalayuan sa amin yung kila Papa. Mukhang talaga pinagisipan ang mag ito.

Ang narinig ko pansamantala lang si Nathan dito titira kasama namin, dahil pagka-graduate niya sa Manila na siya, sa manila din ang office nung pinsan niya na Engineer. Kaya doon talaga siya.

Naalala ko yung sinabi niya nung unang araw ng klase, 2 years ko lang siya makakasama dito.

Bakit ko ba iniisip 'yon? Pinilig ko ang ulo ko.

Ilang beses ko na hindi maiayos yung design na ginagawa ko sa isang subject namin. Naiinis na ko dahil ang pangit, pero pag inaayos ko hindi ako kuntento sa huli, uulitin ko lahat pero ganun parin. Kelan pa ko nahirapan sa digital design? Hindi ko gusto ang nangyayaring ito.


Lumapit ako sa may bintana ng kwarto ko para tumingin sa labas at makapagisip ng maayos, pero kapag sinuswerte ka nga naman.


Nakikita ko sa may ibaba, sa bakuran namin nag-uusap si Nathan at yung pinsan niya. Nakabihis din sila, mukhang may lakad. Tumango lang si Nathan sa pinsan niya, saka sila sabay na naglakad papunta kanya-kanyang nilang sasakyan, sumakay at nagdrive paalis. Nakatitig lang ako sa labas kahit wala na sila doon.


Sabado ngayon saka malapit pa lang lumubog ang sikat ng araw. Lalabas kaya ulit sila kasama yung mga kaibigan niya? Kasama si Amy? Hilig pala niya yung mga mahinhin. Napanguso ako sa naiisip ko.


Napatingin ako sa phone ko. Text? May number niya ako, pero No! Ako ang nagsabi na hindi kami magiging close. Bahala siya! Pakialam ko naman. Tss!


Bumalik na lang ulit ako sa pagdedesign at pinilit na tapusin ang mga gagawin ko, kesa kung ano-ano pang isipin ko si Nathan lang naman 'yon.


Gabi na ng natapos 'ko ang ginagawa ko. Nag-inat pa ako, saka tumayo. Nagugutom ako kaya napagpasyahan kong bumababa para kumuha ng pagkain. Paglabas ko ng kwarto ay napatingin ako sa kwarto ni Nathan. Nakauwi na kaya siya?

Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan, saka bahagya kong idinikit yung tenga ko para pakinggan kung may tao sa loob. Wala naman akong marinig baka wala pa siya. Napapikit na lang ako at pinagalitan ang sarili dahil sa ginagawa ko. Dumiretso na lang ako pababa.

Nakita ko pa si Tita Mel at Nico na magkasama na naglalakad paakyat ng hagdan.

"You need to sleep now.." mahinang sinabi ni Tita Mel kay Nico.

"Where's kuya?" tanong naman ni Nico na ginalaw pa yung kanyang salamin. May salamin siya para daw maprotektahan ang kanyang mata.

Medyo naging interesado ako, kaya dahan-dahan lang ang lakad ko pababa para mapakinggan ko 'yon.

Napatingin sa akin si Tita Mel at bahagyang ngumiti. Hindi ko sila nakikita ng matagal busy sila sa negosyo. Si Nico naman ay nasa school sa araw o dahil hindi ako interesado sa kanila.


"He's not going home tonight baby!" rinig kong sinabi ni Tita Mel.

What? Hindi siya uuwi? Saan kaya siya? Kila JP sa pinsan niya?

Naglakad lang sila palagpas sa akin at paakyat sa kwarto ni nila.

Nagtuloy na lang ako sa pagbaba. Bakit ba? Bahala siya!

SHATTERED DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon