Chapter 22
Simula nung mangyari yung pagsabay ko kay Nathan, ay hindi ko na siya kinausap pa, pero sa amin na siya ulit umuuwi. Hindi ko alam kung napapansin ba niya o busy siya sa school para mapansin pa. Kahit sila Paulo ay hindi ko na masyadong napapansin sa school na busy na rin yata.
Next month ay lilipat na kami sa kanya-kanya naming kwarto sa bagong bahay. Maganda rin ang pagkakagawa ng bahay, hindi ko maiwasan hindi purihin ang pinsan ni Nathan na Engineer.
Matatapos na rin ang first sem. pero nagulat ako isang umaga ng mabasa ko yung chat nila Ate Iza at Jeca tungkol kay Rose.
Si Rose ay nag-asawa na at umuwi daw sa bahay nung lalaki. Marami pa silang sinabi na mabait daw yung guy, gusto si Rose ng family niya at ganoon sa din yung guy, sa family ni Rose. Sinabi pa nila na masaya sila para kay Rose kung ganoon.
Ako naman? Kung 'yon ang desisyon niya, at kung totoo man iyon ay magiging masaya rin ako sa desisyon niya. Gusto ko lang maging okay siya. Hindi na ko na rin kase siya nakakausap ng madalas. Sila ate Iza din, busy sila sa work.
Hindi ko alam, pero ayoko na nararamdaman ng ibang tao o nang malalapit sa akin ang sakit na nararamdaman ko. Okay na siguro na ako na lang, 'wag lang sila.
Nakikita ko din na masaya na rin si Esie. Ngumingiti na rin siya kagaya ng dati. Masaya ako na okay na siya. Iyon lang talaga ang mahalaga sa akin.
Nagmamadali ako dahil baka malate ako sa isang subject namin mag recitation pa namab kami dun. Hindi ko namalayan ang oras napatagal ang tambay ko sa may garden, tahimik kase dun.
Nagkakabisado ako sa utak ko habang naglalakad. Saktong pagbaling ko ay nabunggo ako sa isang tao na kung sino.
"Ow!" aniya ng isang lalaking boses. Napasinghap naman yung babaeng kasama niya siguro.
"Ouch!" daing ko sabay hawak sa noo ko. Nahilo yata ako dun ah. Tigas ng muscles neto o buto niya talaga?
"Ellie?"
Napaangat ang tingin ko sa tumawag sa akin. Nagulat ako sa kung sino nasa harapan ko.
"Jerb! Dito ka nag-aaral?" gulat na tanong ko sa pinsan ko na nandito pala.
"Ikaw din?" balik tanong niya sa akin. Tumango naman siya.
"Ay. Ellie eto si July", pagpapakilala niya sa babaeng kasama.
"Si Ellie, pinsan ko", aniya.
"Hi!" bati kay July habang inaayos ang sarili ko.
"Hello!" balik pagbati nito saka ngumiti.
"May maganda palang pinsan 'tong si Jerb", dagdag niya.
I awkwardly smile at her and to what she said.
"Maganda lahi namin, sabi ko naman sayo!" proud na sabi ni Jerb. Matamis na ngumiti sa kanya si July. Sa harap ko pa talaga sila gumanyan.
"Ellie, alam mo na yung kay Rose?" tanong ni Jerb.
Tumango ako " Oo sinabi nila ate Iza",
"Sige, ikaw wag ka muna mag-aasawa", bilin pa niya.
"Wala akong jowa!"
Natawa naman si Jerb. Baliw din ang isang 'to. Bigla kong naalala yung klase ko.
"Mauna na ko may pasok pa ako!" paalam ko sa kanila.
"Bye, Ellie! Nice to meet you!" malambing na sinabi ni July.