Chapter 30
Ipinasa ko lahat ng requirements ko at nakapag take na rin ako ng final exam. Yung pakiramdam na tapos na ang lahat ng kailangan kong gawin sa school.
Naglalakad ako at napadaan ako sa soccer field. Pinag-iisipan ko kung kakain muna ako o uuwi na.
"Hi!" Napahinto ako ng may humarang sa dinaraanan ko, saka kumaway sa harapan ko.
I awkwardly smiled nang makita ko ng mabuti kung sino ang humarang sa akin. Yung dalawang babae na nakita kong kausap nila Paulo.
"Ellie diba?" tanong niya. "Heto kasing kaibigan ko kailangan kang kausapin.." hinatak niya yung kasama niya at iniharap sa akin. Namumula ang mukha at nahihiya naman ito na ngumiti sa akin.
"Bye, Rachelle! Kita tayo mamaya!" aniya nung babae saka tumakbo na paalis.
Naiwan kaming dalawa. So, siya pala si Rachelle. Maputi siya, magkasing-tangkad kami, maganda, makinis, matangos ang ilong, maganda ang mga mata at kilay pero hindi singkit na kagaya ko. Medyo kulot ang buhok niya sa ladlaran nito. Mas maganda pala siya sa malapitan.
Napahinto ako ng may maalala. Siya ba yung Rachelle na pinag-uusapan ng iba kong kaklase na maganda sa engineering? Siya nga! Kaya pala familiar ang name niya. Napangiti ako sa naisip, bagay sila ni Paulo huh!
Tumikhim ako. "Doon na lang tayo mag-usap.."
itinuro ko ang isang bench na medyo malapit sa amin. Tumango naman siya sa akin. Mahiyain ba talaga siya? O ako lang talaga ang makapal ang mukha?Sabay kaming naglakad. Nakasalubong naman namin ang maiingay na grupo nila Steve, kagagaling lang siguro maglaro. Napatingin sa amin si Steve pero saglit lang 'yon.
"Ang ganda eh no?" Narinig ko na sinabi ng isa sa kasama ni Steve ng matapat sila sa amin.
Nagkatinginan naman kami ni Rachelle dahil doon, bahagya akong ngumiti sa kanya. Siguro ay alam niya ang issue na 'yon sa amin, kahit medyo matagal na nangyari.
Nang makarating kami sa bench ay sabay kaming naupo.
"Anong gusto mong pag-usapan?" tanong ko sa kanya. Pinapanuod ko ang mga tao na naglalakad at yung iba naman ay naglalaro.
"Siguro alam mo na yung nangyari, sinabi na ni Paulo sayo diba?" mahinhin niyang niyang tanong.
"Uh.." hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
"Hindi 'yon totoo!" medyo napalakas niyang sinabi. Napatingin ako sa kanya dahil sa gulat.
"Sinabi ko na kay Papa, walang nangyari samin ni Paulo. Lasing siya kaya tinulungan ko lang siya, tapos nag pass out na siya.. Hindi ko na alam ang gagawin ko.." parang maiiyak niyang sinabi.
Umayos ako ng upo dahil sa narinig ko. Wala nga nangyari sa kanila? Edi wala naman palang problema. Yung Papa niya lang?
"G-Gusto ko si Paulo!" aniya. Nagkatinginan kami ng sinabi niya 'yon, namumula pa ang kanyang pisngi. "Alam ko rin na ikaw ang gusto niya. Pero Ellie, siguradong magugustuhan niya din ako.. s-sa t-tamang paraan.." nahihiya niyang sinabi.
Napangiti ako sa mga sinabi niya. Nakakatuwa na malaman na may ibang nagpapahalaga kay Paulo.
"Kahit na, I-Ikaw yung t-tinawag niya bago siya nakatulog.." dagdag pa niya. Napa face-palm ako sa sinabi niya. Si Paulo talaga!
"Ang totoo, nung kumalat yung issue sa inyo nila Steve. Pinagtanggol ka niya sa iba namin na kaklase. Humanga ako sayo dahil ang tapang mo para i-reject agad si Steve samantalang ako.."